PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EXPLAINER: What you should know about Influenza-like Illness

Flu-like symptoms should not always be ignored.
by Khryzztine Joy Baylon
Published 6 hours ago
Influenza-like Illness: What you need to know about its symptoms
Think it’s “just a cold”? Cough, fever, and body aches may be signs of Influenza-Like Illness (ILI). Here’s what you need to know.
PHOTO/S: Canva

Sipon. Ubo. Lagnat. Pananakit ng lalamunan at katawan.

Para sa marami, pamilyar ang mga sintomas na ito at madalas ay itinuturing na karaniwang sakit lamang at lilipas din makalipas ang ilang araw.

Pero huwag basta-basta babalewalain dahil maaaring kabilang ito sa tinatawag na Influenza-Like Illness (ILI)—isang nakahahawang sakit na kahawig ng trangkaso at iba pang respiratory infections.

Influenza-like illness
Photo/s: CANVA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang ILI ay tumutukoy sa acute respiratory infection na kasamang lagnat na hindi bababa sa 38°C at ubo na tumatagal ng sampung araw.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), noong September 29, 2026, umabot sa mahigit 72,000 ang naitalang kaso ng ILI mula January hanggang August 2026.

Bagamat mas mababa ito ng 23 percent kumpara sa 94,399 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, nagpaalala pa rin ang DOH sa publiko na huwag makampante, lalo na ang mga taong kabilang sa high-risk groups.

Sa nasabi ring datos ng DOH, pinakamaraming kaso ang naitala sa mga batang edad 5 hanggang 14.

Influenza-Like Illness: What you need to know about its symptoms
Photo/s: CANVA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Northern Mindanao: 16,537.

Sinundan ito ng CALABARZON na may 14,921 at Central Visayas na may 10,201 kaso.

Symptoms of Influenza-Like Illness

Karaniwang nagsisimula ang respiratory infections sa mga sintomas na madaling mapagkamalang ordinaryong sipon.

Ayon sa DOH, maaaring makaranas ang isang taong may ILI ng sore throat, sipon o baradong ilong, at sakit ng ulo.

Read: DOH confirms 17 super flu cases in 2025; how about this 2026?

Maaari rin itong samahan ng matinding pagod o panghihina, panginginig, pananakit ng katawan, pagsusuka, at pagtatae.

Dahil magkakatulad ang mga sintomas ng iba't ibang respiratory infections, mahalagang bantayan ang kondisyon at kumonsulta sa healthcare professional kung kinakailangan.

How Influenza-Like Illnesses Spread

Dahil nakaaapekto sa respiratory system, maaaring kumalat ang mga virus na nagdudulot ng ILI sa pamamagitan ng respiratory droplets at particles na inilalabas kapag ang isang taong may impeksiyon ay umuubo, bumabahing, o nagsasalita.

Maaari ring magkaroon ng transmission kapag nahawakan ang mga kontaminadong bagay at naihawak ang mga ito sa bibig, ilong, at mata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pneumonic plague: Should the Philippines be alarmed?

Mas madali ring kumalat ito kapag maraming tao ang magkakalapit, lalo na sa mga kulob at hindi maaliwalas na lugar.

What to Do If You Experience Symptoms

Kapag nakararanas ng mga sintomas, mahalagang mag-ingat hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid.

Manatili muna sa bahay at iwasang makisalamuha sa ibang tao upang mabawasan ang posibilidad na makahawa.

Mahalaga ring umiwas muna sa mga taong kabilang sa high-risk groups, kabilang ang mga edad 65 pataas, mga buntis, mga batang apat na taong gulang pababa, at mga may ibang karamdaman gaya ng diabetes, asthma, at sakit sa puso.

Para maibsan ang lagnat, maaaring uminom ng gamot gaya ng paracetamol, na may tamang dosage at payo ng healthcare professional.

Higit sa lahat, tiyaking sapat ang pahinga, uminom ng maraming tubig, at kumain ng masustansiyang pagkain upang matulungan ang katawan na maka-recover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

When should you Seek Medical Help?

Hindi lahat ng kaso ng ILI ay nangangailangan ng emergency medical attention.

Maraming respiratory infections ang gumagaling sa pamamagitan ng pahinga at supportive care.

Gayunman, mahalagang bantayan ang mga sintomas at ang anumang pagbabago sa kondisyon.

Kung lumalala ang sakit, nagpapatuloy ang mataas na lagnat nang ilang araw, nahihirapang huminga, nakararanas ng pananakit o pressure sa dibdib, matinding panghihina, dehydration, o iba pang nakababahalang sintomas, mas mabuting kumonsulta agad sa healthcare professional o magpunta sa pinakamalapit na ospital.

HOW TO PROTECT YOURSELF FROM INFLUENZA-LIKE ILLNESSES?

Samantala, may ilang hakbang na maaaring gawin upang mabawasan ang panganib na mahawa sa ILI at maprotektahan din ang mga taong nakapaligid sa atin.

Paalala ng DOH: siguraduhing kumpleto ang bakuna ng buong pamilya. I-check ang mga bakunang inirerekomenda ng healthcare professionals para sa influenza at iba pang respiratory illnesses.

Iwasan ang masisikip at mataong lugar, lalo na kung hindi maiiwasan ang malapitang pakikisalamuha sa maraming tao.

Kung kinakailangan namang pumunta sa mga ganitong lugar, ugaliing magsagawa ng iba pang preventive measures.

Mahalaga rin daw ang maayos na airflow at sapat na bentilasyon sa mga bahay, opisina, paaralan, at iba pang indoor spaces upang makatulong na mabawasan ang pagkalat ng respiratory viruses.

Kapag uubo o babahing, takpan ang bibig at ilong gamit ang tissue o bahagi ng siko upang maiwasang kumalat ang respiratory droplets.

Itapon agad nang maayos ang ginamit na tissue at maghugas ng kamay pagkatapos.

Makatutulong din ang pagsusuot ng face mask, lalo na sa mga lugar na matao o kulob upang makatulong na maprotektahan ang sarili at ang ibang tao.

Read: Should the public be required to wear face masks? DOH reacts

Higit sa lahat, ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

Kung walang access sa tubig at sabon, maaaring gumamit ng alcohol-based hand sanitizer bilang alternatibo.

Why Flu-Like Symptoms Should not Be Ignored

Sa dami ng sakit na maaaring magpakita ng magkakatulad na sintomas, madaling sabihin na “sipon lang iyan” o “trangkaso lang.”

Ngunit ang katawan ay may sariling paraan ng pagsasabi kapag kailangan nitong magpahinga at mabigyan ng atensiyon.

Ang influenza-like illness ay maaaring magsimula sa mga sintomas na tila pamilyar at ordinaryo.

Ngunit sa halip na balewalain ang mga ito, mas mabuting maging mapagmatyag—kilalanin ang sintomas, mag-ingat upang hindi makahawa ng iba.

Humingi ng medical advice kung kinakailangan.

Dahil ang simpleng pag-iingat ngayon ay maaaring maging malaking proteksiyon hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga taong nakapaligid sa atin.

References:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Think it’s “just a cold”? Cough, fever, and body aches may be signs of Influenza-Like Illness (ILI). Here’s what you need to know.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results