PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andi Eigenmann, viral ang pagiging "serbidora" sa Siargao

Snack bar ni Andi sa Siargao, patok sa mga turista ngayong summer.
by Chan-Chan Torres
Published Apr 20, 2023
Andi Eigenmann's Kanaway Snack Bar
Andi Eigenmann, patok ang snack bar business sa Siargao ngayong summer. Isang netizen ang kumuha ng video ni Andi na abala, pero masiglang kumukuha ng orders ng customers. May pa-trivia pa si Andi tungkol sa pangalan ng shop.
PHOTO/S: @kanaway.snackbar Instagram / @erwinarceo Instagram

Kahit matagal nang hindi aktibo sa showbiz si Andi Eigenmann, hindi pa rin siya nawawala sa sirkulasyon ng mga artistang tampok ng usapan sa social media.

Anim na taon na mula nang huli siyang mapanood sa Kapamilya prime-time series na The Greatest Love, at apat na taon mula nang maging bahagi siya ng pelikulang All Souls Night.

Pero nananatili siyang laman ng mga balita dahil marami ang curious sa pinili niyang pamumuhay sa Siargao.

Dito ay kasama ni Andi ang fiancé niyang si Philmar Alipayo na isang surfin champion.

Taong 2017 nang gawaran si Philmar bilang kauna-unahang winner sa idinaos na Philippine Surfing Championship Tour (men’s division).

Sa Siargao piniling manirahan nina Andi at Philmar. Mayroon silang dalawang anak, sina Lilo at Koa.

Madalas ding nasa Siargao si Ellie, ang anak ni Andi sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

READ: Jake Ejercito, Ellie Eigenmann enjoy father-daughter bonding in Japan

KANAWAY COFFEE SHOP

Ang latest na balita kay Andi: trending ang Kanaway Snack Bar na pagmamay-ari nila ni Philmar. Bukas ito from 7 a.m. to 6 p.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patok dito ang fruit smoothies at smoothie bowls.

Sabi sa TikTok account ng isang nagngangalang @erwinarceo, "Sobrang swerte namin kasi naabutan namin si Andi na nagt-take ng orders (smiling heart emoji) sobrang bait!"

Andi Eigenmann in Siargao

Umani ng 187.4K likes ang video kung saan makikitang abala si Andi sa pagkuha ng orders ng customers sa snack bar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Namataan din si Philmar sa shop na abalang nakiki-mingle sa mga customers.

Philmar Alipayo at Kanaway Snack Bar

May isang customer na nagkaroon ng pagkakatang tanungin si Andi kung saan hango ang pangalan ng snack bar na "Kanaway."

Sagot ni Andi, "Uhm, Kanaway is a type of wind. It's a kind of wind that good's for surfing in this direction."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andi Eigenmann

May 2022 nang buksan nina Andi at Philmar ang Kanaway Snack Bar.

Sa Facebook at YouTube Channel ni Andi, masayang ipinapakita ng aktres ang mga kuha niyang photos at videos ng shop.

Ipinakilala rin niya roon ang ilang partners sa negosyong snack bar.

Kanaway Snack Bar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliit lang ang puwesto pero nagsilbi rin iyong surfing shop. Available roon ang ilang surfboards na maaaring i-rent ng mga turista roon.

May mga binebenta ring surfing outfits at souvenir items.

Kanaway Snack Bar in Siargao

PANINIRAHAN NI ANDI SA SIARGAO

Galing si Andi sa kilalang angkan ng mga Eigemann. Anak siya ng namayapang aktor na si Mark Gil at ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2017, isang life-changing decision ang ginawa ni Andi.

Ibinenta niya ang mga ari-arian, pati kotse, para mag-relocate sa Baler, Aurora.

Taong 2018 siya nagsimulang manirahan sa Siargao, and since then, hindi na niya iniwanan ang island life.

READ:

Andi Eigenmann, daughter Ellie: From Manila to Siargao

Andi Eigenmann spotted riding a motorcycle while holding a big-size balde

Matatandaang may mga larawan si Andi na nag-viral, tulad ng pag-angkas niya sa motor ni Philmar habang may dalang malaking balde.

Isa ito sa mga patunay na tuluyan nang niyakap ni Andi ang buhay-probinsya kasama si Philmar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANDI'S FAMILY LIFE

Hands-on din ang mag-asawa pagdating sa pagpapalaki ng mga anak na sina Lilo, 3, at Koa, 2.

Koa Alipayo

Sa murang edad ng mga ito ay matiyagang tinuturuan ni Philmar ang mga ito ng surfing.

Lilo Alipayo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Supportive mommy naman si Andi na masayang nanonood at kumukuha ng video ng mga bata.

Manang-mana raw sa ama sina Lilo at Koa na mabilis natutong mag-surf.

Sa isang video ni Andi, sinabi ni Lilo na pangarap din niyang maging surfing champion tulad ng ama.

Hindi man visible sa showbiz si Andi, very strong naman ang presence niya sa social media.

By being a content creator, nai-si-share ni Andi ang kanyang simpleng pamumuhay, pati na rin ang kanyang mga advocacy.

Kitang-kita naman sa mga posts niya sa Facebook at sa Happy Islanders You Tube Channel nila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann, patok ang snack bar business sa Siargao ngayong summer. Isang netizen ang kumuha ng video ni Andi na abala, pero masiglang kumukuha ng orders ng customers. May pa-trivia pa si Andi tungkol sa pangalan ng shop.
PHOTO/S: @kanaway.snackbar Instagram / @erwinarceo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results