PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former actress Stella Ruiz now happy as realtor in the U.S.

"I thank God that I am doing good."
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 27, 2024
Stella Ruiz now based in the U.S.
Stella Ruiz left showbiz in 2006. Fast forward to 2024, she is now very happy with her career as a realtor in San Mateo, California.
PHOTO/S: @stelita813 on Instagram

Iba na ang buhay ngayon ng dating sexy actress na si Stella Ruiz.

Kung noon ay nakilala siya bilang beauty queen at actress, ngayon ay naka-base na si Stella sa Amerika, at isa na siyang successful realtor sa California.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Stella via Facebook Messenger, kinumusta namin ang naging buhay niya matapos iwanan ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I left Manila for good noong 2006. My last movie pa was with Kuya Ipe [Phillip Salvador] and Charlene Gonzalez na Resbak. Yung last TV show ko was Sugo na bida si Richard Gutierrez sa GMA.

"Ang tagal na talaga akong hindi umaarte since I left 18 years ago," pag-alala ng 48-year-old former sexy actress.

STELLA'S life after showbiz

Bago pasukin ang showbiz, si Stella ay isang runway at commercial model.

Ang propesyong ito ang nagdala sa kanya sa Singapore, Malaysia, at Hong Kong.

Naging image model din siya ng mga sikat na brands, tulad ng Guess Jeans, Coach, Red Bull, Rusty Lopez, Fiona of Robinsons, Speedo, House of Sara Lee, at marami pang iba.

Noong 1995 ay sumali si Stella sa Binibining Pilipinas pageant, at ka-batch niya noon sina Jewel May Lobaton at Lorena Pangan. Itinanghal na winners ng pageant noong taong iyon sina Joanne Santos (Joanne Quintas), Reham Snow Tago, at Gladys Duenas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

That same year, naging contract artist si Stella ng Mahogany Pictures at ni-launch siya sa pelikulang Sambahin Mo Ang Katawan Ko.

Nasundan ito ng Delinkwente, Ganti ng Puso, Room for Rent, Bitag, Kapag Nasukol Ang Asong Ulol, Kid Manalo: Akin Ang Ulo Mo, Kung Ayaw Mo... Huwag Mo! at Resbak, Babalikan Kita.

Lumabas din si Stella sa mga teleserye na Rio del Mar, Esperanza, at Sugo.

Read: Where Are They Now: Esperanza teen stars

Pero kahit na 18 years na simula nang iwan ni Stella ang showbiz, hindi pa rin mawala sa kanya ang pagiging isang performer.

Paminsan-minsan daw ay pumapayag siyang mag-perform kasama ang ilang Pinoys, tulad nila Dessa at Jinky Oda, na based din sa Amerika.

Read: Jinky Oda now working as security personnel in San Francisco, California

Pag nagpe-perform siya, kadalasan ay ginagawa niya ito para sa charity, tulad na lang noong kanyang birthday last August 13, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I do perform once in a while. Usually, I give the proceeds to help out abuse women. For my last birthday, I did a show for charity. All 100% of the proceeds was given to Bantay Bata.

"I love to perform lalo na kapag nakakatulong ka sa ibang tao."

Kung may nami-miss daw si Stella sa showiz, yun ay ang kanyang mga naging kaibigan na dating co-stars niya.

"I miss the camaraderie sa mga friends sa showbiz. Detached na talaga ako. Kaya wala akong alam sa nangyayari sa showbiz sa Pilipinas. Ano ba ang latest?" sabay tawa niya.

Matagal nang walang balita si Stella sa local showbiz, at matagal na rin siyang hindi naging laman ng balita.

Ang huling naging balita kay Stella ay noong 2009 pa, nang ikasal siya kay Phillip Peredo na ex-boyfriend ng singer-comedienne na si Gladys Guevarra.

Read: Stella Ruiz and Philip Peredo: Bicoastal love affair

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong ma-interview namin si Gladys tungkol dito, happy daw siya sa dalawa at nagbigay pa siya ng magandang mensahe sa bagong kasal.

Pero noong 2011 pa raw nag-divorce sina Stella at Phillip.

"We didn’t have kids. I was single for a very long time," sabi ni Stella na hindi na binanggit ang reason ng divorce nila ni Phillip at kung may boyfriend ba siya ngayon.

STELLA'S simple life in america

Kung sakali raw na may mag-offer na balikan niya ang acting, malamang daw na hindi rin niya ito tanggapin.

"I'm not sure if I still want to act again. But I still do some auditions and commercials dito once in awhile.

"Mas focused na tayo ngayon sa trabaho dito, and I thank God that I am doing good. I'm working in real estate for fours years na. Okay siya at enjoy ako. It really keeps me busy."

Si Stella ay isang realtor/associate for Corcoran Global Living. Isa itong boutique real estate firm specializing in luxury properties in California, Nevada, and Ohio's most unique communities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita sa mga post ni Stella sa social media ang mga nabenta na niyang properties, at mayroon din siyang video reel kung saan ipinapakita niya kung paano niya i-present ang isang property sa potential buyers.

Ayon kay Stella, ang buhay niya sa Amerika ay "simple at tahimik." Malayo raw sa naging magulong showbiz life niya noon sa Pilipinas.

Pero kahit matagal na raw siyang hindi lumalabas sa TV at pelikula, may nakakakilala pa rin sa kanya.

"Yes, nagugulat ako when they still recognize me. Marami sa mga client ko ay Americans, pero meron din mga Pinoy. Kaya nakikilala nila ako na artista ako sa Pilipinas. Pero nakakatulong naman din kapag alam nila na Pinoy ka.

"Naiba na ang crowd ko ngayon. Mas okay na sa akin ito kasi I get to focus on my job and paminsan-minsan, nandiyan pa rin ang showbiz side ko na mag-perform ako sa mga kababayan natin. A mix of both worlds."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stella Ruiz left showbiz in 2006. Fast forward to 2024, she is now very happy with her career as a realtor in San Mateo, California.
PHOTO/S: @stelita813 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results