“O ano, akala niyo joke-joke,” tumatawang bulalas ni Gavin Capinpin sa launch ng CreaTV Management Inc.
Hindi raw kasi siya pinaniwalaan ng kanyang pamilya nang sinabi niya na "magbo-boss-boss-an ako" balang araw.
Si Gavin ay mas kilala ngayon bilang si Ser Geybin bilang isa sa mga nagmamay-ari ng CreaTV Management Inc. at naatasang chief marketing officer (CMO) ng kumpanya.
Pagpapatuloy niya, “Parang kunyari, ano nga tawag dun? Mga partner na ganyan, sa kumpanya, e hindi sila makapaniwala ngayon dahil ako po ay CMO ng CreaTV.
“Actually, hindi ko po alam ang ibig sabihin ng CMO. Binigyan lang po nila ako ng pangalan."
Read:
Love At The Right Time: Content creator's selfie captures future husband before they met
Sassa Gurl paints unpretty picture about influencers: "Maraming pangit ang ugali"
Isa raw sa nagtiwala sa kanya ay ang business partner niyang si Edmar Estavillo.
"Yung vision po kasi ni Sir Edmar hindi ko ma-vision noon. Kaya sumama ako sa vision niya para maging totoo yung vision niya. Di ba?
“Sabi nga nila, kumampi ka sa malakas,“ at muling tumawa si Gavin.
Ang CreaTV Management Inc. ay isang management company na naglalayong ikonek ang mga talentadong content creators (vloggers, bloggers, YouTubers at iba pa) at influencers sa mga brands at mga businesses o negosyo.
Nag-aalok din ang CreaTV Management Inc. ng social media management at troubleshooting services sa mga content creators at influencers.
Paliwanag ni Gavin, “Ginawa po ang CreaTV Management para po makatulong sa bawat isa, win-win situation parati.
"And also, nakita ko rin po kasi na oo nga po parang wala pang ganito na nangyayari.
“Sobrang saya ko lang po dahil naging part po ako ng umpisa and sa pagtaas po nating lahat sana magkakasama pa rin po tayong lahat and sana mas madagdagan po tayong lahat.”
Si Gavin ay may 8.6 million Facebook followers, 7.7 million TikTok followers at 3.61 million YouTube subscribers
At ang isa pa niyang partner sa CreaTV Management Inc. na si Norvin dela Peña, ang sikat na vlogger na kilala bilang si Vin FPV, ay may 9 million Facebook followers, 1.9 million TikTok followers at 1.08 million YouTube subscribers.
Si Norvin ang tumatayong COO o chief operating officer ng kumpanya.
Read:
Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition
Korean food vlogger Tzuyang apologizes for racist portrayal of Filipinas in content
LESSON LEARNED BY GAVIN CAPINPIN
Paano napapayag si Gavin na maging parte ng CreaTV Management Inc.?
Kuwento niya, “Ayun nga po, maganda yung vision and at the same time parang inisip ko rin, what if may CreaTV na nung nagsisimula pa ako? Nalaman ko sana yung ganito… kasi andami kong naging violation.
"And sa mga hindi po po nakakaaalam, kapag po nagkaroon ng violation yung page niyo, para po kayong nawala sa mundo kung eto po’y inaasahan niyo.
“Yung isang araw po nagma-matter at hindi ka talaga makakatulog dahil yung isang araw mo walang nangyayari. Di ba po? Alam naman nating mga content creator iyan.
“At pag na-demonetize, para talagang... ako po nilagnat po ako, pitong araw akong demonetize, pitong araw din akong nilalagnat.
"Ganun po siya ka-stressful kasi po parang mawawalan ka ng pakinabang. Ganun po siya.
“Kaya sabi ko mag-yes ako dahil napakalaking tulong po ng CreaTV para po sa mga content creators.
"And also matutulungan ka na and mapapakilala ka pa sa ibang brands na pupuwede o capable sa personality mo.”
FROM SCRATCH TO RICHES
Ang mga naging inspirasyon ni Gavin para pasukin ang pagiging isang content creator ay ang sikat ding YouTuber at vlogger na si Cong TV at siyempre ang kanyang pamilya, kabilang na ang pumanaw niyang ama.
Mga sikat ding content creators ang mga nakababatang kapatid ni Gavin na sina Allen (Chief Allen) at Kelzy Capinpin (Capt. Kelzy) at maging ang ina nilang si Beth Capinpin (Mama Beth).
Dating isang teacher, maraming hirap na pinagdaanan si Gavin tulad na lamang ng kawalan ng pambayad sa hospital bills ng ama nilang si Pedro.
Nag-resign bilang guro si Gavin at nagdesisyon na magtinda ng turon at lumpia para sa mabilis na pagkakakitaan.
Sa kasawiang palad ay pumanaw ang ama nila noong 2022.
Pinagdaanan din nila ang hirap ng kawalan ng pambayad sa nirerenta nilang tirahan.
Pero ngayon ay maginhawa na ang kanilang buhay at sa katunayan, nitong nakaraang Pasko ay niregaluhan ng Capinpin brothers ang kanilang ina ng tatlong bahay sa lugar nila sa Cabanatuan City.
Mayroon itong tatlong swimming pool na may waterfalls, jacuzzi, home theater, billiard table at iba pang amenities.
Popular ang Capinpin brothers sa kanilang prank videos.
Sa launch ng CreaTV Management Inc. ay walang kamalay-malay ang ina at mga kapatid ni Gavin na parte siya ng kumpanya dahil sinabi lang niya sa mga ito ay may pupuntahan silang event
Samantala, ang ilan sa mga content creators na nasa pangangalaga ng CreaTV Management Inc. ay sina Adeng Vlogs, Ashley Meng, BALOT Official, BASSVenturez, Bessang TV, Boss Lucio, Bugz Tv, Charish TV, Charming Dela Pena, Christine Yalong, Clint Lozada, Drolah Sanchez, DR3N TV, Elma Asagra, FCY Channel, ForeignGerms Hazel Cheffy, idol mauwie, Inday makulay, Jose Guanzon, JU TV, Karl Himantog, Kilengtv, Laysa Benusa, Lea Vlogs, LOTTE LOTTE, Lovely LANG Malakas, Macky TV, Matthew Rosa, Mudrah Bell, Park soo boy, Primo, Rochelle And Alvin, The Pinoy Dog Whisperer, The Triot Bros, Tito Noel (o The Green Soldier ng Baguio),TOGOTV, Trisha Moon, Unexpected But Planned, xTakki, Princess Loreto, Boss GK, MightyMyke, Jayvee Almazan, Genesis Almazan Bilaza at ang aktres na si Diana Zubiri.
