TRIGGER WARNING: This content touches on rape and sexual assault.
Makulay ang buhay ng content creator na si Princess Aguas Bartolome, a.k.a. Pabby.
Ang 26-year-old member ng LGBTQ community ay happy sa kanyang relasyon kay Cassy Beltran, na nakasama niya sa digital reality show ng The House of Collab: The One Million Pesos Creator Showdown.
Katuwang ni Pabby si Cassy sa pagpapalaki sa seven-year-old daughter niyang si PaoPao.
Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 26, 2024, sa The House of Collab mansion sa isang village sa Alabang, may rebelasyon si Pabby.
Isa siyang rape victim.
At ang nakakalungkot, nangyari ito dahil nagtiwala siya sa isang hindi kilalang lalaki.
Read:
Love At The Right Time: Content creator's selfie captures future husband before they met
19-year-old content creator Antonette Gail Del Rosario undergoes Brazilian Butt Lift
PABBY NARRATES HARROWING ORDEAL
HOW IT HAPPENED
Panimula niyang kuwento, "Di ko siya kilala, actually nung time na yun, unang nabuntis ang girlfriend ko.
"Yung first girlfriend ko, sa edad kong eighteen years old, wala akong trabaho, nakakaraket lang ako pag mayroon akong event, taping-taping.
"Kailangan niyang magpa-check up, ako wala akong ma-provide, nasa akin siya. Ang isa sa naisip naming paraan para makapagpa-check up siya ay ibenta namin ang cellphone niya.
"Pinost ko yun sa social media, sa Facebook, nag-PM itong lalake, 'Magkano?' Sabi ko is 38K kasi mahal yung cellphone na yun dati.
"Sabi niya, 'What if bigyan na lang kita ng 5K,’ parang samahan ko na lang daw siya kumain, iaabot niya yung kaunting tulong, pampa-check up."
Parang napaka-harmless ng usapan nila kaya walang kamalay-malay si Pabby sa maitim na balak ng lalaki.
“Ang pagkakamali ko, nagtiwala ako. Pero kasi tulong na yun para sa girlfriend ko.
“Ang nangyari, okay naman sinundo niya ako malapit sa amin, pagsakay ko okay naman siya, mabait naman yung lalake.
“Nagulat na lang ako nung malapit na kami sa napag-usapan naming lugar, bigla niyang sinabi sa akin, patingin daw ng private part ko.
“Sabi ko pa, ‘Bakit po?’ Kinabahan na talaga ako, tina-try kong buksan yung pinto, kaso naka-child lock siya. Pinilit kong maging kalmante.
“Pinakakinakabahan ako nung lumagpas na kami sa pinag-usapan naming lugar, e, diniretso niya sa isang motel kung saan pati yung parking is private.
“Nung time na yun, siya yung unang bumaba tapos pinagbuksan niya ako ng pinto, hinarangan niya ako, tapos pinaakyat niya ako sa itaas.
“Dun niya ako ini-start na pinagsamantalahan, pinaghubad niya ako, umiiyak na lang ako habang ginagawa niya sa akin yun.
“Pagkatapos niyang gawin yun, sinakay niya ako sa sasakyan tapos binaba niya ako malapit sa sakayan.
“Before ako bumaba ay naglapag siya ng 15,000 para palabasin na binayaran niya ako, e, nung time na yun, iniisip ko yung girlfriend ko na kailangan niyang ma-check up."
Read:
Aiko Garcia recounts near-rape encounter when she was young
Cianne Dominguez files complaints against suspect who allegedly tried to rape her
THE AFTERMATH
Ayon kay Pabby, natakot siya nung una na ipagtapat sa mga mahal sa buhay ang nangyari sa kanya.
Pagpapatuloy niya, “Kahit sobrang sama ng loob ko sa nangyari, kinuha ko na lang ang pera. Nung time na yun, sumakay na ako ng jeep. Di alam ng nanay ko at ng tita ko kung ano ang nangyari sa akin, sabi ko sunduin nila ako.
“Nung bumaba na ako, tulala pa ako nun, nagawa ko pa silang ilibre para pinapakalma ko ang sarili ko. Di ko sinabi sa kanila agad, wala akong pinagsabihan dala ng takot ko na rin, saka siyempre virgin ako nun.
“Nung time na nangyari yun, natakot ako baka kako mabuntis ako, sobrang bigat talaga."
Di nagtagal, wala siyang choice kundi ipagtapat ang kanyang sinapit dahil nangyari ang kinatatakutan niya: Nagdalang-tao siya.
Isa-isa niyang sinabihan ang mga mahal sa buhay.
Sa pagpapatuloy niya, "After a month, delayed na ako, tapos nananakit na ang balakang ko, nahihilo ko, dun ko na naisipang bumili ng pregnancy test.
“Patago, bumili ako ng pregancy test. Tinago ko pa sa towel, nung nag-CR ako, sobrang nagulantang ang mundo ko nung nag-two lines yung pregnancy test, dun ko nalaman na buntis ako.
“Sinabi ko sa asawa ng kuya ko, sabi ko "Ate, buntis ako."
“Sabi niya paano nangyari yun, ano ang ginawa mo? Sabi ko na-rape ako, kinuwento ko tapos sunod kong sinabi sa ate ko na.
“Tapos, nalaman ng nanay ko. Nagalit siya, ang sabi niya tawagan ko ang lalake at magpakasal kami.
“Sabi ko, ‘Nay, di ko naman gusto yung lalake, ni-rape ako.’ Dun niya naisip na di dapat pagsamahin dahil ni-rape nga ako.
"Tapos, sinabi ko na sa partner ko na buntis din, siyempre masama ang loob niya kung bakit nangyari yun, sinuntok niya yung pader. Nung time na yun, ang sama-sama ng loob niya.
“Di niya matanggap na virgin ako tapos mabubuntis ako.
“Huli kong sinabi sa tatay ko, dahan-dahan naming sinabi sa kanya kasi high-blood siya. Sobrang galit niya, tinatawagan niya yung lalake. Nung sumagot, iba kasi yung number, habang nagsasalita si Tatay tungkol sa nangyari sa akin, pinatay niya yung line."
Na-contact din niya ang rapist, na ang gustong mangyari ay huwag ituloy ni Pabby ang pagbubuntis.
“Nung nakausap ko yung lalake, ang gusto niya ay sumama ako sa driver niya, gusto po niyang ipalaglag yung bata."
PABBY CONTEMPLATES FILING RAPE CASE BUT CHOOSES TO FORGIVE INSTEAD
Nagbalak siyang magsampa ng kasong rape sa lalaki, pero andaming nangyari na naging dahilan para ma-discourage siya.
Nagsampa din siya para sa financial support para sana sa anak, pero sa huli ay napagpasyahan niyang wag na lang ituloy.
Lahad niya, "Parang nawalan na ako ng gana na ituloy yung kaso tapos hanggang sa nawala na yung tatay ko, namatay na siya. Last year, nag-try ako na magsampa uli ng kaso, di na rape, pero ang ina-ano ko na lang ay support.
“Ang ginawa niya, tinatanggi niya na anak niya, kung titingnan ang anak ko, pinaghalo yung mukha namin talaga.
“Dapat mayroon kaming hearing, nakalimutan ko kung anong date yun, pero dapat February. Kaso di na ako pumunta, kasi na-realize ko na di ko na siya kailangan habulin kasi alam ko naman na kaya kong buhayin ang anak ko.
"Hinayaan ko na, mismong girlfriend ko nagsabi na hayaan ko na, kasi kaya naman namin kasi kung bibigyan lang ang anak ko ng PHP3,000 or PHP5,000, parang wala namang pupuntahan yung ganun kasi nag-aaral na rin ang anak ko."
Pinili na lang niyang patawarin ang rapist.
"Actually, napatawad ko na siya, kung kikimkimin ko lagi yung sakit na ginawa niya sa akin, walang mangyayari. Sa akin pinapatawad ko na siya, at least nagkaroon ako ng anak na makakasama ko.”
PABBY REVEALS ABORTED PLAN TO HAVE HER LIFE STORY FEATURED ON TV
Dapat sana ay ipi-feature sa GMA-7 drama anthology na Magpakailanman ang buhay niya, pero nagkaroon daw ng aberya dahil sa researcher.
Apparently, ang insidente ay "umabot yun sa kataas-taasan ng GMA,"
Ang ending, hindi natuloy.
“Ngayon, napa-stop. Hindi na-air yung life story ko, ang nangyari, wala. Pero na-interview na kami ni Mel Tiangco.”
Read:
Which Magpakailanman stories had the most impact on Mel Tiangco?
Mel Tiangco reveals proudest moment as host of Magpakailanman
PABBY'S UNEXPECTED ROMANCE
Ang The House of Collab ang naging daan para magkakilala sina Pabby at Cassy.

"Sobrang sarap sa feeling kasi pumasok ako dito na single, e. Ang pabirong sinasabi ko sa kanila, maghahanap lang ako dito ng partner, ganun, eme-eme lang.
“Di ko ine-expect talaga, sIiCassy kasi ang first CC or content creator na pumasok dito, tapos yun na.
“Nag-collab kami, nagkaroon pa ng open forum kung saan di na siya comfy sa akin kasi lagi ko siyang dinidikitan, lagi ko siyang sinusundan hanggang sa nagkaroon nga ng open forum na nagrereklamo na siya na hindi na siya kumportable sa akin.
“After ng open forum, kinabukasan yun, yung di namin inaasahan na araw-araw na kaming magkasama at nagkahulugan kami ng loob."
Si Pabby ay bahagi ng Season 6 ng The House of Collab, at nagbalik sa Season 7.
PABBY'S REASON FOR JOINING HOUSE OF COLLAB
Aminado naman ang content creator na isa sa malaking rason kung bakit siya sumali ay ang one million pesos na prize.
"Nag-decide ako bumalik ng season 7 kasi marami pa akong gustong ma-achieve. Mayroon din kaming pinaglalabanan dito na isang milyon.
"Sayang naman kasi alam ko na kaya kong ilaban, so why not na subukan ko uli?"
Sakaling manalo siya, ani ang gagawin niya sa prize?
"Investment talaga kasi kailangang mag-invest sa business, ng lupa or ano pa mang pangangailangan, kasi kailangan sa buhay ngayon, maging praktikal ka, e.
“Di porke't nanalo ka, luho mo ang uunahin mo. Sa akin, iba ang mindset namin ng girfriend ko na more on investments, business, at kung ano pa."
Sa huli ay nagpahayag ng pasasalamat si Pabby sa lahat ng kanyang supporters at fans, na ayon sa kanya, ay susi kung bakit naging maganda ang buhay niya sa ngayon.
"Unang-una sa lahat, ang pinasok mo dito ay exposure, e, makikta ka ng maraming tao.
“Pag nakikita ka kasi ng mga tao na okay ka, maraming brands ang puwedeng dumating sa iyo, maraming mga raket.
“May mga supporters pa, fans, sila yung nagpapasahod sa iyo. Kumbaga, kailangan maging thankful tayo, kailangan talagang i-entertain sila kasi sila yung nagbibigay ng income sa iyo."
PABBY THANKFUL FOR FAMILY’S ACCEPTANCE
Naka-move forward na si Pabby mula sa mapait na sinapit sa buhay.
Bukod sa mas magaan ang buhay nang walang kinikimkim na galit, walang kapalit ang biyayang dulot ng kanyang anak.
Masaya rin si Pabby na tanggap na ng pamilya nila ni Cassy ang kanilang sexual preference.
"Sa akin, yung nanay ko, di ako tanggap nung una, e. Di niya matanggap na ganito ako.
“Pero nung time na nakilala ko si Cassy na girlfriend ko ngayon, unti-unti niya akong natanggap, and siguro nakikita niya sabay kaming nagiging successful.
"Tanggap na nila, wala silang magawa sa akin.
“Before, ang tatay ko lang ang nakakatanggap sa akin. Naiintindihan ko, kaso ang tatay ko ay wala na, patay na.
“Yung nanay ko, unti-unti niyang natanggap simula nung naging girlfriend ko si Cassy at nakikita niya na umaangat kami parehas ng girlfriend ko. Nakikita naman niya na nasa tamang tao naman ako."
Isa pa sa labis na pinagpapasalamat ni Pabby ay tanggap ni Paopao ang kasintahan.
"Sobrang okay, sobrang tanggap siya ng anak ko. Sobrang loyal niya sa aming dalawa. Ang tawag niya sa akin is Mommy, kay Cassy, Mommy Cassy.
"Sobrang saya kasi yung last girlfriend ko kasi, nung nag-break kami, yung anak ko mismo ang nagsabi, ‘Mommy, wag ka nang maggi-girlfriend kasi hindi tama yun, Mommy.’
“Dapat babae sa lalake, lalake sa babae. Bad po yun.
“Tapos, nung time na nagkaroon ako ng isang Cassy, dun ako sobrang natuwa kasi di ko in-expect na matatanggap niya si Cassy.
“Si Cassy kasi, sobrang malapit niya sa anak ko. Kumbaga, minamahal niya na parang anak niya kaya sobrang napalapit sa kanya ang anak ko."
"Sobrang okay kami, live in kami sa isang condo. Okay siya, nandun siya sa condo lang at sinu-support niya ako dito.
Every time na may challenge kami, nandun siya nagsu-support.
Last month nag-celebrate 7th birthday ang kanyang anak.
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.
