Muntik palang maging biktima ng rape ang Vivamax actress na si Aiko Garcia.
Ito ang nakakagulat na rebelasyon ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang pelikulang Palipat-Lipat Papalit-Palit.
May rape scene kasi si Aiko sa naturang pelikula kaya tinanong namin kung paano niya naitawid ang naturang eksena.
Kuwento ng Vivamax actress, “Mga ten years ago. Mga nasa grade school ako. Nagkataon lang na mag-isa ako sa house and good thing naman alert ako that time.”
Si Aiko ay 12 or 13 years old noon, at mag-isa sa bahay dahil "busy ang mga magulang ko sa hanapbuhay.”
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
Kilala niya ang nagtangka nang masama sa kanya, at may edad na ito. Sinadya raw nitong pasukin ang kanilang bahay.
Aniya, “Sinadya niya, I mean motive niya iyon, knowing na mag-isa ako that time.”
Pagbabalik-tanaw pa niya, "Hindi ako natulog nang maaga that time, I stayed up late. Tapos nagtaka ako na bakit parang may tao na palakad-lakad sa labas ng bahay?
“So naging alerto ako that time. So pinapakinggan ko lang, and then nagkaroon talaga siya ng chance na makapasok. So nung time na yun, nakatakbo na ako sa labas.
“Sinandalan ko lang muna yung door, inantay ko, pinapakinggan ko yung lakad niya, ganyan. So nung nakapasok na siya, tumakbo na ako palabas ng bahay kasi kapitbahay ko rin naman yung tita ko."
Read: Angeli Khang huling pelikula na sa Vivamax ang Salawahan
HOW AIKO GARCIA WAS SAVED FROM NEIGHBOR'S ILL INTENTIONS?
Hindi na raw nahuli ang naturang lalaki na kapitbahay rin ni Aiko.
Tingin ni Aiko ay "by God’s protection" kaya siya ay nakaligtas.
Sa kabila ng pagtatangkang iyon, hindi na rin daw nagreklamo ang aktres.
“Kasi takot ako sa gulo, something like that. Ayoko ng eskandalo whatsoever kasi baka mamaya… uso din yung victim-blaming, iyon din yung ikinakatakot ko, so wala.
“Ang ipinagpapasalamat, e, hindi nangyari.”
Nakita raw niyang muli ang naturang lalaki, pero wala itong reaksyon sa kanilang muling paghaharap.
“Parang he acted like wala lang kasi parang, nakita niya na takot din ako.”
Nalaman din daw ng mga magulang ni Aiko ang pangyayari.
Pero hindi na rin nagreklamo ang mga ito, at nagpasalamat na lamang na walang masamang nangyari kay Aiko.
Read: Dating sexy star Brandy Ayala malaki na ang pagbabago mula nang sagipin ng grupo ni Lito Gruet
not THE first rape scene OF AIKO GARCIA
Taliwas sa totoong buhay, nagtagumpay ang pagsasamantala kay Aiko sa pelikulang Palipat-Lipat Papalit-Palit, kung saan gumaganap siya bilang si Amy.
Pero hindi ito ang unang rape scene ni Aiko.
May ganitong eksena rin siya sa 2023 Vivamax series na Halo Halo X, at doon daw nahirapan si Aiko.
Pag-amin ng aktres, “Doon medyo naano ako, medyo na-bother ako dahil nga doon sa naging experience ko.
"Natatakot talaga ako na gawin siya, kasi baka mamaya yung anxiety ko, ganyan.
"Pero naitawid ko iyon kahit nandun talaga yung takot.”
Hindi na raw siya nahirapan sa rape scene niya sa Palipat-Lipat Papalit-Palit.
“Mas kinaya ko na siya,” lahad pa ni Aiko.
Nasa pelikula rin sina Denise Esteban (bilang si Edna) at Victor Relosa (bilang si Larry), ang mag-asawang magugulo ang pagsasama sa pagdating ng misteryosang babaeng si Amy.
Ang Palipat-Lipat Papalit-Palit ay sa direksyon ni Roman Perez Jr., at kasalukuyang streaming sa Vivamax.
