Kung wala ka pang plano sa Araw ng mga Puso o sa love month with your special someone, baka lang feel niyo magpa-couple tattoo?
Mainit na pinag-usapan nitong mga nakaraang araw ang magkaparehong tattoo nina Philmar Alipayo at Pernilla Sjoö.
Read:
Andi posts "love couple tattoo" of Philmar & female friend
Pernilla Sjoo: Fast facts about the Swedish photographer
Simple lang ang disenyo—ang numerong 224—na pinili ng dalawa na ilagay sa kanilang mga braso.
Ayon sa Instagram post ni Pernilla, ang ibig sabihin nito ay “2Today, 2Tomorrow, 4Forever.”
Hindi na bago ang 224 tattoo.
Sa katunayan, saglit na naging trend ito sa TikTok noong nakaraang taon.
Sa pag-alma ni Andi Eigenmann sa matching tattoo ng asawang si Philmar at ni Pernilla, naging national meme ang Tiktok trend.
Nagkanya-kanyang versions ang mga netizens.
At sa mga nais na magpa-tattoo for real, magkano naman kaya?
Read:
Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho
Man regrets skull tattoo on his face; struggles to find job
getting a love couple tattoo
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla Badayos, ang may-ari ng Bad Moms Tattoo Studio sa Binangonan, Rizal.
Ayon kay Karla, depende sa laki at design ng tattoo ang presyo nito.
Para sa simpleng black-and-white couple tattoo na maliit, nasa 1,500 to 3,000 pesos ang presyo para na sa dalawang tao.
Mas magiging mahal ito kung mas malaki ang disenyo o mas makulay.
“Mostly kapag lagpas 2x2 inches na at saka kung mas madetalye at makulay, tataas na ang presyo nun,” sabi ng tattoo artist.
Gaano kaya katagal ang pagpapa-tattoo ng 224 design?
“Kung ganyang numbers lang, mga 30 minutes to 1.5 hours each iyan. Depende pa sa balat ni client,” sagot ni Karla.

choosing a couple tattoo design
Ayon pa sa tattoo artist, kung nagbabalak na magpa-tattoo ang isang couple ay madalas na ang mga ito na ang nag-iisip ng disenyo.
Nagbibigay na lang ng abiso ang artist kung kailangang i-adjust ang napiling disenyo.
“Lalo na sa size and kung may need baguhin.
"Minsan kasi kapag sobrang complicated nung design, yung madaming details, pero gusto ni client maliit lang, magbibigay kami ng advice and suggestions,” sabi ni Karla.
Pero hindi naman ipinipilit ng mga tattoo artists ang kanilang suggestions, at ang couple pa rin ang masusunod sa huli.
“Kung di gusto ni client yung suggestion, gagawan iyan ng paraan ng artist,” sabi niya.

Panghuli, nagbigay din ng paalala si Karla para sa mga couple na magpapa-tattoo dahil mahirap itong tanggalin.
Matatandaang pinatanggal na ni Philmar ang kanyang 224 tattoo.
“Kaya dapat na pag-isipang mabuti,” saad ng tattoo artist.
At bago gawin ito, mas maigi sigurong kumunsulta rin sa doktor lalo na kung may agam-agam ka.
Kung alam mong keloidal ka, mag-isip-isip.
Puwede namang mag-henna tattoos na lang, makasunod lang sa uso, di ba.
Pero kung desidido ka, heto ang contact details ng Bad Moms Tattoo Studio:
- Address: Palangoy, Binangonan Rizal; open from 4 p.m. to 8 p.m., Saturdays and Sundays.
- Mobile Number: 0919 237 4365
- Email: badayos.karla23@gmail.com