Beauty Gonzalez, husband Norman Crisologo decide not to have another baby

by Jerry Olea
Sep 13, 2022
beauty gonzalez family
Beauty Gonzalez on retiring from showbiz six years from now: "If ever I retire, I wanna be retiring at my peak. I don’t wanna retire when I’m feeling and going down. Para when I turn my back, naka-smile pa rin ako. Hindi ako umiiyak."
PHOTO/S: Sany Chua / beauty_gonzalez on Instagram

Ibinunyag ni Beauty Gonzalez na gustong mag-artista ng six-year-old daughter nila ni Norman Crisologo na si Olivia.

“Sabi ko sa kanya, ‘Kung kukunin ka lang.’ Ayoko naman yung iprisinta ko,” lahad ni Beauty sa Beautederm mediacon noong Setyembre 9, Biyernes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“Ayoko na ako yung magdadala sa kanya. Kung kukunin siya, why not? And she did a few commercials already before. Ahhm, yeah, kung kukunin lang siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hahayaan niya si Olivia na mag-audition sa role sa TV o pelikula?

“Yeah, if she looks good. I mean if she has the talent and she looks good and maybe, why not? But of course, I have to ask my husband, kasi it’s not only my decision.

“It also depends sa kanya, I mean, kay Norman. Ang gusto ni Norman, pag kinukuha lang talaga siya.

"Prioritize niya yung… ahhm not really studies, ahhm family. Yung kami as a family. Kasi, yun yung importante, e.

“Make more memories with your family. Studies, yeah, I mean she can do well in school, OK na sa akin na makapasa. Not really yung sobrang talino. Ang importante, yung family time and magbait siya sa kapwa niya tao."

Sakaling magkaroon sila ni Norman ng second baby…

“Hindi mangyayari yun,” pagdidiin ni Beauty.

“Napag-usapan namin and, honestly, OK lang sa akin ang isang baby lang talaga, yeah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi parang… mas gusto kong i-enjoy namin yung time namin together, travel, yun.”

Hindi humihingi ng kapatid si Olivia

“Ahh, humihingi. I got her a dog. His name is Pepito. He’s so guwapo,” kaswal na pagtatapat ni Beauty.

“So, OK na siya. Boy and girl na, so, OK na kami."

CHICKEN-JOY LEGS

Ang sexy-sexy at ang ganda-ganda ni Beauty, pero may mga nakikita pa siyang kulang o dapat ayusin sa sarili.

“I have Jollibee legs, yung parang mga chicken joy, yung ganun. Gusto kong ipaplantsa konti!” natatawang pahayag ni Beauty.

“I mean, mga doughnuts. Alam nito yung doughnuts? Yung mga love handles, yung mga dito. Pa-cute lang na nicknames ko,” pagmumuwestra ng aktres sa parteng beywang.

Sa alindog niyang iyan, gaano ka-secure sa kanya ang husband niyang si Norman? Paano niya ito naa-assure na wala itong dapat ipagselos?

“Well, I think he should answer that question, not me. Ano, do you feel secure about me?” rhetorical question ni Beauty sa asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala. Of course, I mean, I just go home, wala naman akong ibang ginagawa, mag-artista lang and then uwi sa bahay. There’s no reason to… to be insecure or to think about anything, kasi…

“Wala, e. Wala naman akong itinatago. I mean, ang tagal-tagal ko na sa business, wala kayong makukuhang tsismis sa akin.

“Nung ininterbyu nga ako ni Toni [Gonzaga], ‘Talaga bang gusto mo akong iinterbyu? Wala namang tsismis sa buhay ko!’

“Sabi niya, ‘Hindi, gusto ko makita ng mga tao kung gaano ka nakakatawa at gaano ka katotoong tao.’

“Kasi, nung gusto niya akong interbyuhin, sabi ko, ‘Wala akong tabloid, Toni, ano ba ang gusto mong pag-usapan sa akin?’ So, yeah, I mean wala akong ibinibigay na problema. Ayoko rin ng problema, nakakatanda yun.”

Nakaka-inspire ang tahimik na married life nila ni Norman.

Pag-ayon ni Beauty, “Yeah, simple lang kami.”

OK lang ba sa husband niyang hindi niya ginamit ang Crisologo sa kanyang screen name?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yeah, I mean nandun lang naman kami sa institusyon ng Pilipinas. Kung kukunan yung ID ko, nandun naman yung pangalan ko na Crisologo, OK na yun,” mabilis na tugon ni Beauty.

“Pero sa showbiz, ayoko nang dagdagan pa. Hahaba na, so, Beauty Gonzalez na lang. And honestly pati sa passport ko, hindi ko na pinalitan. Kasi, it’s just a lot of job to change, and it takes so much time.

“Ang importante is we love each other, we’re honest with each other, and we’re happy. So, it doesn’t really matter kung iche-change ko pa o hindi.

“Andami namang nag-change pero maya-maya, naghiwalay. O, di, huwag na.”

DEADLINE IN SHOWBIZ

Nabanggit ng Kapuso actress sa previous interview na hanggang six years na lang siyang mag-aartista, at iiwanan na ang showbiz.

Read: Beauty Gonzalez reveals agreement with husband Norman Crisologo about her showbiz career

“Yeah, inaway nga ako ng husband ko. ‘Ang yabang-yabang mo, six years ang sinasabi mo diyan!’ Hi! Hi! Hi!” pagbungisngis ni Beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

How does she see herself six years from now?

“Well, six years from now, I’ll still look like Ms. Rei [Anicoche Tan] — payat, sexy, and beautiful,” pagtukoy ni Beauty sa CEO ng local beauty product na ini-endorse niya

“'Yan yung goal. Ahh, syempre marami na akong nagawang projects hopefully na magaganda. And I mean, gusto kong mag-retire but kung meron mang magandang project na I cannot resist, who I am to you know, who am I to say no if maganda talaga?

“But if kung kaya, I would really wanna retire loved and beautiful and while I’m still up there. Ayokong umalis ako na alam mo yun, yung parang hindi wala… yung hindi na maganda. Yung ganun. Gusto ko, pag nakatalikod ako, masaya pa rin ako.”

Bakit naiisip na niyang mag-retire sa pag-aartista?

“Ako kasi, I’m a type of person na pinaplano ko talaga. As much as I can, kung kaya kong planuhin yung career ko, I would plan it,” sagot ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And just like what I said kanina, if ever I retire, I wanna be retiring at my peak. I don’t wanna retire when I’m feeling and going down. Para when I turn my back, naka-smile pa rin ako. Hindi ako umiiyak,” sabi ng aktres na magkokontrabida nang lubos sa teledramang Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Pag tumalikod na siya sa showbiz, inaasam ni Beauty na maging businesswoman.

“Why not? Matutuwa yung mama ko nun,” masayang sambit ni Beauty.

“Ahhm, take care of my husband, my family. Ahhm, continue what I love. I love arts. Maybe I’ll have an art gallery someday. Yun yung mga dreams ko.”

Nagpe-paint siya? Lumilikha ng artworks?

Paglilinaw ni Beauty, “Ah, I do paint but I have more taste on choosing the right ones. Hah, confident! Yeah! Mas may taste ako sa pamimili ng mga paintings.

“Nahihiya kasi ako sa mga painting ko. But I know how to paint.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A BEAUTIFUL NAME

Sa pangalan niyang Beauty, perfect na maging endorser siya ng beauty products.

“Actually, when I grew up, hindi ko nakikita na maganda ang sarili ko,” mabining salaysay ni Beauty.

“And then nung napanood ko yung Beauty and the Beast, maganda yung Beauty, si Belle dun, di ba?

“I was thinking with my mom na parang, ‘Talagang confident ka, pinapangalan mo akong Beauty, ‘no?’ sabi kong ganun. ‘Paano kung pangit ako, itatago mo ako?’

“Kasi, Beauty talaga ang ipinangalan niya. And then, well… I really don’t think of myself as beautiful, that’s the problem with me. And I’m happy that I have my husband who keeps reminding me that.

“Honestly, I’d rather feel that way rather than feeling ko, magandang-maganda ako. I’d rather be shy and uncomfortable para hindi ako mukhang mayabang, you know.

“Alam mo yun, iba yung parang feeling maganda ka, tapos wala ka namang ibang nabibigay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, magbibigay-saya si Beauty sa grand opening ng Beautederm store sa Setyembre 16, Biyernes ng hapon sa UNP Town Center, Tamag, Vigan City, Ilocos Sur. Present din doon sina sina Lorna Tolentino, Ejay Falcon, Jana Roxas, JC Santos, Jelai Andres, at Buboy Villar.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez on retiring from showbiz six years from now: "If ever I retire, I wanna be retiring at my peak. I don’t wanna retire when I’m feeling and going down. Para when I turn my back, naka-smile pa rin ako. Hindi ako umiiyak."
PHOTO/S: Sany Chua / beauty_gonzalez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results