PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gutierrez on why his sons not in showbiz yet.

Even if his panganay loves music.
by Rose Garcia
Published Mar 5, 2023
Richard Gutierrez with sons Zion and Kai
Richard Gutierrez with sons Zion, 9, and Kai, 4
PHOTO/S: @richardgutz on Instagram

Sadyang Cebu ang piniling taping location ng Iron Heart.

Una, kahit sa Metro Manila kasi, hindi rin naman makakauwi ang mga miyembro ng cast and crew dahil naka-lock-in taping sila.

Pangalawa, gusto ng production na may bagong maipakita sa mga manonood.

Ani Richard Gutierrez sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong namimili kami ng place, ang gusto talaga namin, outside Metro Manila. Parang we want to showcase a different side of the Philippines kasi yung mga location natin sa Metro Manila, parang gamit na gamit na sa mga teleserye.

“So gusto namin bago and sinuggest ko ang Cebu kasi nandoon ang family ko. Kumbaga, ang roots ko, madi-discover ko rin sa Cebu, and, at the same time, ang ganda ng Cebu ngayon.”

Ang kasalukuyang mayor ng Cebu ay tiyuhin niya sa mother side, si Mike Rama.

Dugtong ng aktor, "...madaling makakuha ng permit. At very supportive talaga ang mga LGU. Pati ang mga locals doon, tuwang-tuwa na nandoon kami. Ang sarap magtrabaho sa Cebu.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa naman ito nang tanungin kung sakali at kuhanin na rin ng Iron Heart ang kanyang asawa, si Sarah Lahbati, sa cast, papayag ba siya?

“Bakit hindi, maging Cebuana na sila,” natawa niyang sabi.

Saka siya nagkuwento tungkol sa mga anak nila Sarah Lahbati na sina Zion, 9, at Kai, 4.

“Si Zion, bumibisita sa location ko. Ayaw umalis. Nanonood sila. Siyempre, kapag matagal na nila akong hindi nakikita, pinapapunta ko sila doon. So ayaw niyang umalis sa set. Gusto niyang manood.”

Baka gusto na rin sumunod sa mga yapak nila ni Sarah at mag-artista ang panganay?

“Naku, focus muna siya sa school,” natawang sabi ni Richard.

Pero nakikita niya ang mga anak na kahit pigilan niya siguro, nasa dugo talaga ng mga ito ang pagiging artista?

“Oo e, nasa dugo,” pagsang-ayon naman niya.

“At saka si Zion din, gustong kumanta. Mahilig sa music.”

Sabi rin ng anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, “Okay lang sa akin na maging artist sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta ang gusto ko lang, mag-school muna sila. Kasi, iyon ang gusto kong gawin. Mag-school, yung normal."

Consistent si Richard sa kondisyon niyang ito.

Saad pa niya, “Gusto kong makatapos muna sila. Gusto kong ibigay sa kanila iyon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez with sons Zion, 9, and Kai, 4
PHOTO/S: @richardgutz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results