PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Trina "Hopia" Legaspi gives birth to baby girl

It's a healthy baby girl!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 20, 2023
Trina Legaspi gives birth to a healthy baby girl
Former Goin' Bulilit star Trina "Hopia" Legaspi is now a mommy to a healthy baby girl!
PHOTO/S: Trina Legaspi Instagram

Isinilang na ng former Goin' Bulilit star na si Trina "Hopia" Legaspi ang unang anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Ryan Jarina.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong Lunes, March 20, 2023, masayang inanunsiyo ni Trina na babae ang unang anak nila ng kanyang asawa.

Pinangalanan nila itong Kaela.

Read: Former Goin' Bulilit star Trina "Hopia" Legaspi pretty in pink in maternity portraits

Ayon sa post ni Trina, noong nakaraang linggo pa niya isinilang si Baby Kaela pero ngayon lamang nila napagdesisyunang ipakilala ito sa publiko.

Kalakip din ng kanyang post ang litrato niya habang emosyonal na karga ang anak.

Mababasa sa kanyang caption (published as is): "Last week at 5:09 pm, our lives changed forever!

"8 hours of labor and 1 hour of pushing, thank you Lord for giving me the strength!! [pray sign emoji]

"Welcome to the world, Baby Kaela! [heart emoji]."

Sabi pa ni Trina, ang lahat ng sakit na kanyang pinagdaanan sa panganganak ay napalitan ng saya nang marinig sa unang pagkakataon ang pag-iyak ng supling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "Parang nag-slow mo ‘nung narinig ko na iyak niya, sobrang surreal, ‘di ko mapigilan umiyak [cry emoji].

"You are worth all the pain our baby girl. Daddy and I love you so much!"

Inisa-isa ring pinasalamatan ni Trina ang mga doktor na umalalay at nag-alaga sa kanya.

"Thank you Lord for using the people in the room, Doc. Ces (OB), Doc. Shane (Anesthesiologist) and Doc. Vicky Sison (Pedia) to help me bring Kaela safely and also to our Jarina and Legaspi families for constantly praying for us [pray sign emoji]."

Sa huli, sinabi ni Trina na bilang first-time parent ay ine-enjoy nila ni Ryan ang pag-aalaga sa kanilang anak.

Aniya, "As first time parents, totoo nga po ang sabi nila, 1 week na po kaming walang tulog ni @ryan_jarina."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong November 2020, nang ma-engage si Trina matapos ang lagpas anim na taon nilang relasyon ni Ryan.

Read: Trina “Hopia” Legaspi now engaged

November 20, 2021 nang ikasal sila sa Holy Trinity Church sa Quezon City.

Read: Former Goin' Bulilit star Trina "Hopia" Legaspi now married to Ryan Jarina

Read: Trina “Hopia” Legaspi picks Julia Montes, Michelle Vito as her bridesmaids

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Goin' Bulilit star Trina "Hopia" Legaspi is now a mommy to a healthy baby girl!
PHOTO/S: Trina Legaspi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results