PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela thankful for staving off postpartum depression

"Motherhood suits me well."
by Ruel J. Mendoza
Published Jul 13, 2024
Rita Daniela on postpartum depression
Rita Daniela managed to stave off postpartum depression by reminding herself of the importance of self-love. She admits, "Dumating talaga sa point na parang ang feeling mo na ang pangit-pangit mo. Tamad akong mag-ayos. Papunta na pala yun sa post-partum depression. Pero nilalabanan ko."
PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram

Naging bukas si Rita Daniela na pag-usapan ang muntik na niyang pagdaanan na postpartum depression.

Ayon sa WebMD, ang postpartum depression (PPD) ay ang “complex mix of physical, emotional, and behavioral changes that happen in some women after giving birth.”

Inamin ni Rita sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na maraming pagkakataon na pakiramdam niya ay hindi na siya maganda dahil tinamad siyang mag-ayos ng sarili nung ipinanganak niya ang kanyang baby na si Uno.

Kuwento ni Rita, “Dumating talaga sa point na parang ang feeling mo na ang pangit-pangit mo. Tamad akong mag-ayos. Papunta na pala yun sa postpartum depression.

“Pero nilalabanan ko. So, when I feel that, mine-message ko mga kaibigan ko. I tell my friends, ‘Uy, labas naman tayo’ or 'Uy, ilabas niyo naman ako.’

“I don't wanna go there. I don't wanna go to the postpartum stage. I don't wanna go to the dark side of a mom.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-focus ang Kapuso singer-actress sa pagiging mabuting ina kay Uno.

RITA TAKES MOTHERHOOD RESPONSIBILITIES SERIOUSLY

Tumanggap din siya ng mga trabaho, tulad sa pag-perform sa All-Out Sundays via Queendom para maging busy siya.

“Right now, Uno is my main source of happiness. Lahat ng klaseng emotions nailabas ko na dahil sa baby ko.

“That's my responsibility as a mom and as a parent. Kailangan mapunuan ko kung ano ang kulang. So, I really have to help myself, kaya gusto ko na maging busy talaga.

“But I think motherhood suits me well. That's one thing I have to say. And I love it,” ngiti pa ni Rita.

Rita Daniela and son Uno at the latter's first birthday party
Photo/s: @missritadaniela on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph si Rita sa mediacon ng Widows’ War noong June 21, 2024, sa Matrix Creation Events in Quezon City.

Read: Rita Daniela gives update about date from EXpecially For You

rita daniela: not ready for love

Samantala, hindi pa raw ready si Rita na magkaroon ng bagong love life.

Pero okay lang daw sa kanya na makipagkaibigan muna. Gusto rin naman niyang maging happy.

Pag-amin niya, “I'm not ready. Kasi my priority right now is my son. But, kung ibibigay sa akin ang kasiyahan, bakit naman hindi?

“Basta ako, gusto ko happy lang, no drama. Yan lang yung gusto ako right now. Bakit ko naman yun ipagkakait sa sarili? Deserve ko rin namang kiligin. Deserve ko rin namang sumaya.“

At kung ready na nga si Rita na makipagrelasyon ulit, ano ang magiging standards niya?

Diin niya, “Important sa akin yung honesty. Kailangan mas matutunan niyang mahalin ang anak ko. Package deal na yan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, kung yung lalaki na yun ay kaya niyang gawin yun, baka pwede, okay, i-consider kita to enter my life.

“At siyempre, I want to feel na I'm wanted and I'm beautiful and I'm seen. Open ako sa happiness.“

Read: Rita Daniela finally opens up about her love life through songs

rita daniela on TELESERYE COMEBACK

Labis naman ang pasasalamat ni Rita dahil nakasama siya sa stellar cast ng Widows’ War ng GMA Prime.

Sa pilot week ng naturang teleserye, nababalot ng misteryo ang character niyang si Rebecca. Iba-iba ang pinapakita nitong behavior dahil sa sakit na schizophrenia, isang chronic severe mental disorder.

Pinag-isipan daw nang husto ni Rita ang pagtanggap ng teleserye dahil hands-on mom siya.

Detalye niya, "Almost two years din akong nawala kaya medyo nagdadalawang-isip din ako kung itutuloy ko itong project dahil nga hands-on mom ako.

"Pero nung sinabi sa akin yung character ko na si Rebecca, hindi puwedeng humindi ako kasi sobrang iba siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time akong mag-portray ng ganitong character. Kahit ako as an audience, bihira akong makakakita o makapanood kung paano iaarte si Rebecca?

"Si Rebecca kasi, maraming siyang sikretong alam, pero may sakit siya dito. Di mo masasabi kung totoo ba yung mga sinasabi niya o baka gawa-gawa lang niya.”

RITA ADJUSTS TO NEW WORK CHALLENGES

Iba ang takbo ng taping para sa isang murder-mystery series, kaya nakadagdag din ito sa pressure.

Lahad niya, "Medyo nag-adjust ako kasi dati walang changes. Nasanay ako na yung script ipapadala lang sa bahay mo tapos mag-isa mong pag-aralan yung character mo.

“Ngayon, may script-reading na pala. Kasama yung mga importanteng tao, creative directors, writers, directors, mga boss namin. Nandoon sila.

"Kailangan 110 or 120% ang ibibigay mo. Eto na yung mundo ngayon. Eto na pala yung nangyayari na hindi ko nakita sa loob ng dalawang taon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela managed to stave off postpartum depression by reminding herself of the importance of self-love. She admits, "Dumating talaga sa point na parang ang feeling mo na ang pangit-pangit mo. Tamad akong mag-ayos. Papunta na pala yun sa post-partum depression. Pero nilalabanan ko."
PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results