Ikinakasa na ni Rita Daniela ang bago niyang album na pawang orihinal na komposisyon ang nakapaloob.
“Music and lyrics by me,” sambit ng Kapuso singer-actress matapos ang contract signing niya sa iSkin Aesthetic Lifestyle noong Abril 24, 2024, Miyerkules, sa Air Mall, Malugay St., Makati City.
“And I will team up with one of the greatest musicians and arrangers. I will team up with Bobby Velasco and of course Adonis Tabanda. He’s a musical director.
“And halos siya talaga yung bubuo ng album ko. Self-produced siya, and excited ako, nag-start na kami. Medyo marami-rami na kaming mare-record na.
“And yun nga, yung album ko, ang theme kasi nun, I want to make it as… kumbaga gusto ko siyang i-title na To All The Boys.”
Read: Rita Daniela, bakit hindi kinuhang ninong ng anak si Ken Chan?
"TO ALL THE BOYS" THAT RITA DANIELA LOVED BEFORE
Ilang boys ba ang pinatutungkulan niya? Ilan silang lahat na mga lalaki sa buhay niya?
“Abangan niyo pag natapos ko na!” bulalas ni Rita.
“Di ba? Ano ito, lahat na lang, sasabihin ko na? Para naman may abangan kayo!”
Ilan lang? Hindi naman ipinapa-enumerate kung sinu-sino…
“Hindi niyo alam! O, di ba? So, To All The Boys, it’s an album, it’s a love letter to all the men that I loved,” pagngiti ni Rita.
Kasama ba sa boys na iyon ang future love niya, if ever?
“Malalaman natin yan. So far, puwede. Puwede, puwede kong isama yon,” sabi ni Rita.
“Pero kumbaga, parang it’s also a part of me, of sharing this also to my fans and supporters na I’m sure meron din silang…
“A part of me, na sino ba talaga si Rita? And isa ito sa mga malalaman nila. Kasi, ise-share ko through my songs.
“Ise-share ko kung ano rin talaga yung nangyari sa akin, and ever since naman, super-private ako when it comes to my love life.
“And ito na yung, I think, it’s the perfect time, this is my way, it’s another platform for me where I can share my love life, kung ano yung mga nangyari sa akin.”
Read: Rita Daniela confirms breakup with non-showbiz partner
RITA DANIELA ON BEING A THIRD PARTY IN A RELATIONSHIP
Isiniwalat ni Rita Daniela noon sa guesting nila ni Ken Chan sa programang Sarap, Di Ba? na minsan siyang naging third party sa isang relasyon…
Read: Rita Daniela admits being third party in a relationship: "Naghiwalay sila dahil sa akin."
“Yes, magiging parte yung kanta na yun doon,” seryosong sabi ni Rita.
“So, abangan niyo na lang kung paano ko ikukuwento yung mga nangyari dun sa kantang yun.”
Mas madali na ba sa kanya ngayon ang humugot ng emosyon, sa pag-arte man o sa pag-awit, considering iyong mga pinagdaanan niya?
Mabilis na tugon ni Rita, “Oo, masasabi ko. At saka kasi, To All The Boys, di ba? Ang anak ko ay lalaki rin, so asahan niyo rin na meron din akong isang kanta para sa anak ko.
“Hindi lang siya romantic.”
Read: Rita Daniela reveals challenges of being single mom, and co-parenting setup
Antagal na nung album na ginawa ni Rita sa GMA Records.
“Hindi lang talaga siya nasundan dahil sa schedule ko. Sobrang tagal na nun,” saad ni Rita.
“Actually, long overdue na itong bagong album. Matagal na talaga itong inaantay ng mga fans ko. And I know they’re super-super-excited na.
“Ako rin naman. So ayun. Mga ilang kanta? Siguro… puwede kong i-close na mga almost ten. Pero not sure pa.”
Magastos bang maging producer ng album?
“More on ano siya, more on sa hirap. Kasi hahanapan mo talaga ng panahon,” pagmamatuwid ni Rita.
“Hindi naman siya porke’t kahit kanta mo na, komposisyon mo na, e, isang take mo lang, yun na yon. Hindi.
“Kasi kami ni Kuya Ado, Adonis, my musical director in this album, talagang we’re rooting for kung ano yung pinakamagandang tunog na lalabas.
“So, hindi siya kung ano lang yun, as it is, yun na yon. Talagang hahanapan namin siya ng panahon. Hindi pilit, kumbaga.”
Read: Rita Daniela sees opportunity not threat amid ABS-CBN stars now working with GMA-7
RITA DANIELA IS ALSO A SINGER
Naramdaman ba ni Rita na na-set aside ang pagiging singer niya, ang pagko-concert sana, dahil naituon niya ang panahon sa akting?
“Yes, may moments na ganun, and that’s why gagawin ko lahat ng kaya kong gawin para hindi yon mapabayaan,” pahayag ni Rita.
“Hanggang ngayon, kahit papaano, kumakanta pa rin naman ako. And kaya rin magre-release ako ng album.
“To let also people know that are not aware of, you know, that I am also a singer.”
Sa pagiging singer naman talaga siya nag-umpisa.
Siya ang kauna-unahang winner ng singing competition na Pop Star Kids sa QTV11 noong 2005.
Pero sa puntong ito ng career niya, meron pa ba siyang maituturing na karibal o kakumpetensya?
“Hindi naman po yan mawawala. Kahit saang larangan naman—mapa-acting, mapa-singing—hindi po yan mawawala,” paniniwala ni Rita.
“Ako siguro, imbes na mag-focus ako dun sa kakumpetensiya, magpo-focus ako dun sa work ko, sa kung ano ang kaya kong gawin.
“Ano ang kaya kong ibigay as an artist. Dun ako mas magpo-focus.”
RITA DANIELA ON MOTHERHOOD
Meron ba siyang regrets na dahil sa motherhood ay medyo napabayaan niya ang kanyang career.
Read: Rita Daniela to her unborn baby: “I can’t wait to meet you, anak.”
Umiling agad si Rita, “No! No, I don’t think so. Being a mom is really a milestone. Blessing yon. Kasi, bakit?
“Kasi, kung gusto mong i-defend ko yung sagot na yun… dahil marami po akong kaibigan at mga nakilalang tao na lahat ginagawa nila, maging nanay lang. Di ba?
“Ibig sabihin po, yung para maibigay sa yo, yung responsibilidad na maging nanay… ay talagang blessing yon.
“At hindi rin po yun basta-basta. At marami ring mga nabigyan ng pagkakataon na maging nanay pero pinili nilang huwag na lang. Di ba? Na huwag nang ituloy.
“At nirerespeto ko po ang desisyon nila kung ganoon. At ako naman po, ang desisyon ko ay ituloy.
“So it’s really a milestone in life. So I don’t think na napabayaan ako o yung career ko, or parang… kung ano ba, sabihin na nalaos ako dahil nanay ako?
“I don’t think so. I’m still here so I think meron pa, meron pa akong kayang ibigay.”
