PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Trina Candaza on co-parenting with Carlo Aquino

Trina and Carlo share a daughter, Enola Mithi, who was born back in 2020.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 17, 2025
Trina Candaza on co-parenting with Carlo Aquino
Trina Candaza (left) discloses that her co-parenting set-up with former partner Carlo Aquino (right) has been “good and civil."
PHOTO/S: Trina Candaza/Carlo Aquino on Instagram

Maayos ang co-parenting set-up ng dating magkarelasyon na sina Trina Candaza at Carlo Aquino.

Ito ang siniguro ni Trina sa kanyang follower na nagtanong tungkol sa napagkasunduan nila ng aktor sa pagpapalaki sa anak na si Enola Mithi Candaza-Aquino, 4.

Noong April 15, 2025, nagkaroon ng question-and-answer session si Trina sa kanyang Instagram Stories.

Read: Does the Taxi Cab Theory apply to Carlo Aquino?

Isang tagahanga ang nagtanong sa kanya ng, "How’s co-parenting and co-parenting tips?"

Ang mabilis na sagot ni Trina, "Good and civil."

TRINA GIVES Tips for other parents who will be co-parenting as well

Bukod pa rito, nagbigay din ng advice si Trina sa mga magulang na kagaya niyang may co-parenting set-up sa ex-partner.

Sa mga pagsasamang nauwi sa hiwalayan at may batang sangkot, napakahalaga ng maayos na kasunduan at smooth-sailing na pakikitungo sa isa't isa.

Hindi man mauwi sa pagbabalikan o maging sa pagkakaibigan, importante ang presensiya ng ama at ina sa buhay ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaso ni Trina, isa raw ang kanyang napagtanto—ito ay ang palaging pagkunsidera sa kapakanan ng bata, pagdating sa kanyang mga gagawing desisyon.

Saad niya (published as is): "Before making a decision or saying something, ask yourself.

"1. Is this truly in my child’s best interest

"2. Will this make her happy

"3. Will she gain something positive from this?"

Read: Trina Candaza denies rumor she has a rich boyfriend

Dagdag ni Trina, minsan ay may mga magulang na nadadala ng sariling damdamin kaya nakakagawa sila ng desisyong makakaapekto sa anak.

Aniya (published as is): "Sometimes, we convince ourselves that our decisions are what’s best for our child, but in reality, they’re influenced by our own emotions.

"We try to justify them as being for the child’s good, even when they might not be. Know the line between what’s truly best for them and what we feel.

"Sometimes there are things that will hurt us but it’s the best for our children."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Trina Candaza on co-parenting with Carlo Aquino
Photo/s: Trina Candaza on Instagram

TRINA'S BREAKUP WITH CARLO

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang hiwalayan noon nina Trina at Carlo makaraan ang ilang taon nilang relasyon.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Trina noong January 2023, ipinagtapat niyang naghiwalay sila ni Carlo noong December 2021.

Siya raw ang umalis sa tinitirhan nila noon ni Carlo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naikubli raw nila ito ng ilang buwan bago tuluyang lumabas sa publiko.

Bagamat nagkaroon siya ng mga cryptic posts, ayaw raw niyang isiwalat ang dahilan ng hiwalayan dahil baka balang araw ay mapanood o mabasa ng anak nilang si Mithi ang panayam.

Read: Trina Candaza moves out of Carlo Aquino's home; brings daughter with her

Pag-amin niya, naging “toxic” din siya noon sa kanilang pagsasama, na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkalabuan ni Carlo.

Saad ni Trina, "I can admit that ang toxic ko that time, but I tried to be positive para sa anak namin."

Hanggang napagtanto niyang hindi na magwu-work ang relasyon.

At sa loob ng isang taon, naging single sila pareho.

Read: Trina Candaza takes a swipe at Carlo Aquino on yearender post

CARLO'S NEWFOUND ROMANCE

Makaraan ang mahigit isang taon nilang pagiging single, nakahanap si Carlo ng bagong pag-ibig: si Charlie Dizon.

Read: Carlo Aquino denies wife Charlie Dizon is pregnant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

December 2022 nang magsimulang ma-link ang dalawa.

Noong June 9, 2024, napagdesisyunan nina Carlo at Charlie na i-level up ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapakasal.

Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon: A relationship timeline

Base sa mga nakaraang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mukhang naging maayos ang relasyon ni Charlie kay Trina.

Sa katunayan, ilang beses nang naispatan ang misis ni Carlo na kasa-kasama si Mithi.

Charlie Dizon steps into her new role as stepmom to baby Mithi - daughter of Carlo Aquino and Trina Candaza - in new bonding photos
Charlie Dizon (center) steps into her role as a stepmom to baby Mithi, the daughter of husband Carlo Aquino (left) and his ex-partner Trina Candaza.
Photo/s: Screengrab from Instagram | @charliecuties_
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trina Candaza (left) discloses that her co-parenting set-up with former partner Carlo Aquino (right) has been “good and civil."
PHOTO/S: Trina Candaza/Carlo Aquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results