Kalagitnaan na ng summer kaya naman kanya-kanya nang plano ng summer getaway ang mga tao kabilang na ang paborito niyong celebrities.
Sina Bela Padilla, Brent Manalo, Francine Diaz, at Enchong Dee ay may mga lugar palang hindi pa nila narating at nais nilang mapuntahan ngayong summer o napuntahan na nila pero paborito nilang balik-balikan.
Sa Nivea HoHo Summer Event na naganap noong May 5, 2026, sa Festival Mall, Alabang, Muntinlupa City, masayang nakihalubilo ang apat na celebrities sa kanilang mga tagahanga upang i-promote na rin ang kahalagahan ng skin care lalo na ngayong summer.

Dito sila inusisa ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa mga dream summer destinations nila.
Read: Carla Abellana’s beauty routine: go-to treatments and costs
BELA PADILLA AND brent manalo BOTH LOVE BEACHeS
Abala ngayon sa kaliwa't kanang proyekto sina Bela at Brent. Kaya naman kung magkakaroon sila ng oras, beach ang una nilang pupuntahan.
Ayon kay Brent: "Hopefully I get to visit mga beaches near Manila because ngayon, medyo busy yung schedule, e, pero hopefully, yun nga, mga Zambales, Batangas lang."
May fan conference concert si Brent na Lover Boy sa May 22, kaya ito muna ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Si Bela naman ay mga diving spots ang nais balik-balikan.
Saad niya: "Ako, free diving spots. Usually, Anilao iyan sa Batangas.
"May mga sini-save ako recently na TikTok videos na mga places to visit sa Zambales na white sand na never ko pa nakita before.
"So titingnan ko kung saan ito.
"And my favorite spot pa rin sa buong Pilipinas is Bohol.
"So, kung magka-free ako na kahit three or four days, paborito ko, Bohol."
Read: Yasmien Kurdi pursues law degree to protect and defend her family
ENCHONG DEE AND FRANCINE DIAZ LOVE TO EXPLORE ISLANDS
Samantala, sina Enchong at Francine ay may mga gustong lugar na hindi pa nila napuntahan.
Saad ni Francine: "Ako po, hindi pa sa Palawan talaga. And parang kasi di ba lahat naka... I don't know if lahat na pero ako hindi pa.
"Pero half ng kamag-anak ko, nabisita na nila ang Palawan, pero ako hindi pa.
"And ako naman yung parang, 'Kaya ko namang pumunta dun, pero bakit di ko pa nabibisita?'
"Gusto kong ma-experience yung magic nung Palawan and kung gaano ba ako magiging masaya doon. Gusto ko naman na maka-connect sa nature."

Kuwento ni Enchong: "Ako, lagi kong sinasabi, Camiguin. I've been once, pero sabi ko, 'Ang ganda-ganda nitong lugar na ito.'
"Tapos hindi pa ganun kamahal, yung lahat, pagkain, accommodation.
"So it's one of those yung mga unexplored islands pa na puwede mong ma-solo."
At ang travel companion daw nila ay ang mga skin-care products, lalo na SPF (Sun Protection Factor) lotion, ng Nivea.

Read: Johnny Manahan finally reveals reason why he left GMA-7
