Isa lamang pangarap noon para sa housemates ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition na magkasama-sama sila sa isang TV series.
Pero dream come true na ito dahil sa pangmalakasang collab ng GMA Network at ABS-CBN, ang The Secrets of Hotel 88.
Tampok sa mystery-drama series na ito ang Big Winners na sina Mika Salamanca at Brent Manalo.
Kasama rin ang dati nilang housemates na sina Bianca de Vera, AZ Martinez, Ralph de Leon, River Joseph, Dustin Yu, Klarisse de Guzman, Esnyr Ranollo, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, at Will Ashley.
Nasa cast din sina Dominic Ochoa, Gardo Versoza, at Ina Raymundo; mula sa direksiyon ni Henry Quitain.

Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 20 housemates
BRENT MANALO, MIKA SALAMANCA AND THEIR ROLES
Sa question-and-answer portion ng press conference ng The Secrets of Hotel 88 noong February 6, 2026, hiningan ng reaksiyon ang ilang cast members tungkol sa trailer ng serye na kakapanood lang din nila.
Pahayag ni Brent: "Honestly, until now, di pa rin ako makapaniwala noong pinapanood ko po yung trailer kanina, parang eviction night sa PBB yung pakiramdan.
"But we're all very excited na finally malapit na malapit na mapanood ng lahat ang The Secrets of Hotel 88."
Pagkatapos nito ay inilarawan niya ang kanyang karakter sa serye.
"Ako dito si Gio Cabrera-Fernandez, kapatid ni Mr. Ralph de Leon and Mr. Will Ashley.
"And if there's one phrase that would best describe my character, siguro ito, 'Isaksak mo yang pera mo sa baga mo.'
"So he's very unpredictable. Walang kinakatakutan. Maginoo pero medyo bastos."
Sabi naman ni Mika sa kanyang role: "Ako po dito si Luna Almazan, pangalawa sa mga magkakapatid na Almazans.
"I'd say yung character ko po dito is very palaban, very confident, and alam ni Luna ang gusto niya.
"At masasabi ko din na marami din siyang pinaglalaban, especially pag about sa pamilya niya.
"Hindi siya umuurong. Basta para sa pamilya ni Luna, gagawin niya ang lahat.
"And kung si Bianca paborito ni River, I could say na parang paborito ako ni Josh."
LESSONS FROM PBB HOUSE THAT THEY APPLY WORKING IN A SERIES
Naitanong din sa cast ang tungkol sa mga natutunan nila sa Bahay ni Kuya at na-apply nila sa taping ng serye.
Sabi ni Josh, na gumaganap sa papel ni Justin Almazan: "Siguro kas, I'd say, Justin Almazan is a very... ang dami niyang galit na itinatago niya.
"And I think that's something na natutunan ko inside [PBB house], kasi all of our emotions are heightened. You know?
"Siyempre, ako as a person, ayaw kong pinapakita na nasasaktan ako, nagagalit ako, nalulungkot ako. I'm the type of person na I just keep it to myself.
"But being inside the house, and as my character, nailalabas ko yung mga galit ko na nasa loob ko, nailalabas ko yung totoong nararamdaman ko. Pero hindi ko ipinapakita sa real life.
"So, I think, whenever I'm in my character, I think, sinabi nila ni Kira at Xyriel na parang, 'Si Justin talaga,' something like that.
"I don't know how to say it, pero yun ang natutunan ko inside, to control my emotions even if I'm really mad or really upset. Kailangan na lang I'll control it."
Ayon naman kay Dustin, na gumaganap sa papel ni Edward Fernandez: "Siguro ako, masasabi ko lang, sa reality kasi loob ng bahay ni Kuya, every time na may task kami, I always make sure na talagang focus ako sa mga task or talagang firm sa mga decisions.
"So, sa character ko dito, parang may pagkaganun siya. Confident siya sa gusto niya, the way siya mag-demand as a businessman, nadadala niya into the real life.
"So in a way, yeah, medyo same. Sa PBB rin kasi mahilig ako... Siguro nakita nila Direk na mahilig akong mag-swimming, kaya swimming-swimming din ako dito."
Nahingan din ang ibang cast members ng mensahe sa kanilang fans at bakit kailangang panoorin ng mga tao ang kanilang series.
Sabi ni Kira: "Unang-una, siyempre I just want to say thank you from the bottom of my heart na several months after PBB, sinasamahan niyo pa rin kaming lahat dito. So, thank you talaga.
"Ang masasabi ko lang talaga, this show is a buffet. Mabubusog talaga kayo sa mga secrets sa lahat ng mangyayari.
"So, I hope that you will enjoy our show just as much as we enjoyed making it for you. Ayan lang po."
Read: Tuesday Vargas pleads for work from industry friends
THE STORY OF THE SECRETS OF HOTEL 88
Ang istorya ng The Secrets of Hotel 88 ay iikot sa Fernandez brothers na sina Gio (Brent), Martin (Ralph), at Francis (Will).
Muling nagtagpo ang landas ng tatlo dahil sa misteryosong pagkamatay ng kanilang ama na hindi nila nakilala.
Magkakaroon ng maraming unos ang kanilang buhay nang malaman nilang mamanahin nila ang Hotel 88.
Ang Hotel 88 ay dating tanyag na hotel pero nababalutan ng maraming sikreto.

Pero, may hahadlang sa kanilang pagmamay-ari ng Hotel 88 dahil may kumukuwestiyon dito, ang magkakapatid na Almazan.
Sila ay sina Luna (Mika), Leon (River), Jade (Bianca), at Justin (Josh).
Magkakaroon ng gulo at engkuwentro ang dalawang pamilya para sa ipinaglalaban nilang karapatan sa nasabing hotel na may kaakibat na lihim na kayang wasakin ang bawat pamilya.

Mapapanood ang pilot episode ng The Secrets of Hotel 88 simula March 2, 2026, 9:35 P.M. sa GMA Prime at Kapuso Stream at GTV tuwing 11:25 P.M.
Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV, at streaming naman sa iWant simula Pebrero 23.
