PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krissha Viaje recalls the time a ghost slept in her bed

Yup, beside her.
by Rommel Gonzales
Published May 11, 2024
Krissha Viaje ghost story
Sem Break star Krissha Viaje relates a ghost story that happened in the house her family rented in Quezon City.
PHOTO/S: @iamkrisshav on Instagram

Bida si Krissha Viaje sa Sem Break, ang bagong serye ng Viva One na seventy-percent horror at thirty-percent love story.

Pero tila mas nakakatakot pa ang naranasan ni Krissha sa totoong buhay.

Inilahad niya ang makapanindig-balahibong kuwento nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang cast ng Sem Break noong April 22, 2024, sa Viva Café sa Cubao, Quezon City.

Aniya, “Nung bata ako, meron kaming tinirahan somewhere in Quezon City.

“Two bedroom siya, sa isang bedroom ako, si mommy saka yung isang kapatid ko na lalaki. Tapos yung sa kabilang room, yung lola ko saka yung isang sister ko.

“Tapos yung sister ko, biglang tumakbo sa kuwarto namin, doon daw siya matutulog kasi natatakot daw siya.

“E, ang sikip na namin, e, solo yung bed niya sa kuwarto ng lola ko, tig-isa sila ng lola ko. E, kami isang kama lang.

“So sabi ko, ‘Sige dun na lang ako matutulog sa kuwarto mo, ako na lang sa kama mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So hindi ko alam kung anong oras na, naalimpungatan ako, nakakumot ako, nakita ko, nandun siya sa paanan ko."

Krissha Viaje on bed

Ang nasa isip niya, natulog sa kuwarto ang sister niya.

“Buhok niya yung nakita ko, ‘Akala ko matutulog ito sa kabila? Lumipat pa dito, e, masikip na nga.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So natulog ako ulit. Paggising ko sa umaga, wala na naman siya dun. Pumunta ako sa kabilang kuwarto kasi medyo kinabahan din ako.

“Kasi sure ako, e, may nakita akong ulo sa paanan ko.”

Read: Patok na tambalan nina Jerome Ponce at Krissha Viaje, nauwi na ba sa totohanan?

At nang kinausap ni Krissha ang kapatid niya, hindi raw ito lumipat sa kanilang kuwarto at never natulog sa tabi niya!

At sabi pa raw ng kapatid niya, may naririnig itong tumatawa kahit tulog na silang lahat.

“Hindi ako matatakutin, e,” saad pa ni Krissha. “So hindi ko naisip kung ano yung nakita ko nung time na iyon.”

Samantala, kasama rin ni Krissha sa Sem Break ang kanyang love-team partner na si Jerome Ponce.

KRISSHA VIAJE'S UPCOMING SERYE

Ano ang maipapangako nila sa mga fans ng kanilang love team at mga manonood ng bagong serye?

“Mapa-promise? Ang hirap mag-promise, e,” at natawa si Krissha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Basta gagawin namin ang best namin para maging effective na artists and love team.

“And we’ll take care of each other para mas ano pa, mas madadagdagan pa ng madagdagan yung, basta maging better kami sa craft namin as a love team, iyon.”

Kasama rin nina Krissha at Jerome sa Sem Break sina Aubrey Caraan (bilang Cora), Hyacinth Callado (bilang Jessie), Gab Lagman (bilang Pipo), at Keann Johnson (bilang Timmy), at sina Dani Zee, Rose Van Ginkel at Felix Roco.

Sa direksiyon ni Roni S. Benaid, ang season premiere ng Sem Break sa Viva One ay nagsisimula kahapon, May 10, 2024, at may fresh episode tuwing Biyernes.

Read:

Male personality, kapatid pala sa ama ng sikat na aktor

Dina Bonnevie on forgiving Coney Reyes, Vic Sotto

Judy Ann Santos reunites with Gimik co-stars ahead of 46th birthday

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sem Break star Krissha Viaje relates a ghost story that happened in the house her family rented in Quezon City.
PHOTO/S: @iamkrisshav on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results