Kris Aquino files temporary protection order against ex-husband James Yap

Nag-file ng temporary protection order si Kris Aquino laban sa kanyang dating asawa na si James Yap. inakusahan ni Kris si James ng “overstepping his boundaries and of attempting to seduce her while visiting her home, and of inflicting psychological harm on their son Bimby.”


Nag-file ng temporary protection order (TPO) ang TV host-actress na si Kris Aquino laban sa kanyang dating asawa na si James Yap.

Ayon sa report ni Rina Jimenez David para sa Philippine Daily Inquirer ngayong araw, March 20, inakusahan ni Kris si James ng “overstepping his boundaries and of attempting to seduce her while visiting her home, and of inflicting psychological harm on their son Bimby.”

Sa Makati City court inihain ni Kris ang kanyang petition.

Ang TPO ay may bisa hanggang tatlumpung araw mula sa issuance nito, bagamat pagkatapos ng hearing, hihilingin ng petition na gawing permanente ang protection order.

Ang protection order, ayon sa Republict Act 9262 o Anti-Violence Against Women And Their Children Act, “is an order to protect victims of domestic violence from further harassment or harm by their spouses or partners."

Sa kanyang petition, hiniling ni Kris sa korte na utusan si James “to stay away from her, her 5-year-old son Bimby and any household member, keep a distance of at least 100 meters, and to stay away from her residence, school, place of employment or any place frequented by her and her son.”

Idinetalye rin sa petition na noon daw bumisita si James sa condominium unit ni Kris noong Disyembre upang sunduin si Bimby—bilang bahagi ng dalawang beses sa isang linggong pagdalaw ng basketbolista sa anak—pumasok daw si James sa kuwarto ni Kris at gumawa ng “overt sexual advances,” na mariin daw tinanggihan ng TV host-actress.

Dahil sa kanyang pagtanggi, nakapagsalita raw si James ng “mean and malicious statements.”

Nakasaad din sa petition na umakto si James “as if he was still entitled to his matrimonial rights,” kahit na hindi na sila kasal ni Kris, kunsaan ipinipilit daw nito ang sarili sa dating asawa sa harapan ng kanilang anak.

Dahil natakot daw sa eksenang nasaksihan, na sinundan pa ng mainit na pagtatalo, sinabihan daw ni Bimby ang kanyang ama na umalis sa kuwarto at tumigil na sa pananakit sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit din sa petition na pumuwesto raw si Bimby sa pagitan ng kanyang mga magulang at nakiusap kay Kris na paalisin si James.

Mula raw noon, ayon sa petition, nagpakita raw si Bimby ng “signs of being highly upset and agitated” kapag kasama niya ang kanyang ama o tuwing naririnig nito ang boses ng ama sa telepono.

Sabi pa sa petition, “The physical, sexual, emotional, psychological and moral harm and injury foisted (on that day) was occasioned by the unfettered access of respondent Yap on the household and persons of the petitioners.”



“NO, WE’RE NOT OKAY.” Lumalabas na ang pinag-ugatan ng pagpa-file ni Kris ng TRO laban kay James ay may kinalaman sa naging pahayag ng TV host-actress sa kanyang mga panayam noong Disyembre 2012 hanggang Enero ng taong kasalukuyan.

Noong December 2012 ay mariing pinabulaanan ni Kris ang pahayag ni James sa isang interview na maayos na ang kanilang samahan at magkaibigan na raw silang muli.

Sabi ni Kris sa presscon ng pelikulang Sisterekas noong December 4, “Ayaw kong magpaka-plastic sa inyo, e. It’s easy to tell we’re good and all... we’re not.

“I think we’re better off having a distance from each other. Kasi nami-misinterpret namin ang isa’t isa.

“I hold no bitterness in my heart, but I have no desire for any closeness.”

(CLICK HERE to read related story.)

Ilang araw pagkatapos ng presscon ay nag-tweet si Kris, habang nasa ospital siya noong December 10, upang sagutin ang pambabatikos sa kanya na ginagamit lamang daw niya si James sa promo ng kanyang pelikula.

Sabi ni Kris sa kanyang tweet, “All I said was that no bitterness doesn’t necessarily mean a desire for closeness. I have my reasons, I felt nabastos ako in my own home last week. I’m not making a big issue but i was offended deeply & sorry di ko kaya to be plastic & pretend we r friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sorry ha, on steroids & heavy doses of antihistamines so my patience is short. I’ve matured considerably because I didn’t mention what we Fought about. Wag na lang sana ako i-provoke because I’m trying to remain patient & quiet.”

(CLICK HERE to read related story.)

Nang kunan naman ng reaksiyon si James, noon ding December 10, tungkol sa mga naging pahayag ni Kris ay tumangging magbigay ng detalye ng PBA player.

Sabi lang niya, “Basta kung ano man yung mga misunderstanding na nangyari sa amin, ayaw ko nang mag-comment, dahil isipin ko na lang na may anak kami.

“Ayoko naman na paglaki ni Bimby o ni James ay susumbatan kami na, ‘Bakit kayo nag-away sa..? Kailangan pang ipaalam sa public?’ Di ba?

"Na, ‘Puwede bang ayusin n’yo na lang dalawa?’ Ayoko na darating yung time na ganun na pagsabihan kami ng anak namin.”

(CLICK HERE to read related story.)

Huling nagsalita si Kris sa media tungkol sa isyu nilang ito ni James sa presscon at premiere screening ng primetime series niya sa ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw noong January 13.

Tumanggi nang mag-react si Kris sa mga sinabi naman ni James.

Paliwanag niya, “Ayoko talagang if you say something now, tatanungin na ninyo naman siya, hahaba nang hahaba lang.

“It’s really for the sake of our son.

“Whatever you say, ang anak, kakampi at kakampi sa nanay.

“So, ayokong ma-color yung judgment ni Bimbs na hindi niya gustuhin ang tatay niya dahil sa sobrang pagmamahal sa akin.

“So, dapat quiet na lang ako.”

(CLICK HERE to read related story.)

Ikinasal sina Kris at James sa isang private ceremony noong July 10, 2005.

Nag-file si Kris ng petition upang ipawalang-bisa ang kanilang kasal sa Makati Regional Trial Court (RTC) noong August 9, 2010.

Ibinaba naman ng korte ang desisyon sa petition ni Kris noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN