Deniece Cornejo camp confident about rape charges against Vhong Navarro; Cedric Lee not filing a case yet against Vhong

Atty. Howard Calleja (left) on multiple cases filed by Vhong Navarro’s camp against Deniece Cornejo (middle) and Cedric Lee, and the rape case they filed against Vhong: “It’s not about giving patung-patong na kaso, e. Hindi ito padamihan ng kaso, and you do not expect us to file charges after charges. We’re only here to file what happened and what is the truth, at yun ang mga sinabi ni Deniece kung ano’ng nangyari.”


Hindi nababahala ang kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa patung-patong na mga kasong inihain laban sa kanila ng aktor na si Vhong Navarro.

Noong January 28, Martes, ay nagsampa ang kampo ni Vhong ng mga kasong "serious illegal detention, grave threats, grave coercion, blackmail, at serious physical injuries" laban sa grupo nina Cedric at Deniece sa Department of Justice (DOJ).

Ito ay kaugnay ng pambubugbog, pananakot, at panganguwarta diumano sa actor-TV host sa Forbeswood, Bonifacio Global City, noong January 22.

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

Kahapon, January 29, ay naghain naman ng reklamong rape si Deniece laban kay Vhong sa Taguig Prosecutor’s Office.

Read: Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro

Si Atty. Connie Jimenez-Aquino ang tumatayong legal counsel ni Deniece, at si Atty. Howard Calleja naman para kay Cedric.

Pahayag ni Atty. Calleja sa mga kasong isinampa ni Vhong laban sa kanilang mga kliyente, “It’s not about giving patung-patong na kaso, e.

"Hindi ito padamihan ng kaso, and you do not expect us to file charges after charges.

"We’re only here to file what happened and what is the truth, at yun ang mga sinabi ni Deniece kung ano’ng nangyari.”

Sabi naman ni Atty. Aquino, “The factual basis, we cannot discuss it anymore because we have already filed our case.

“So, we just leave it to the appreciation of the investigating body.

“As far as we’re concerned, we are confident that the crime has been committed against our client.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Atty. Calleja at Atty. Aquino sa tanggapan ng una ilang oras bago sila tumungo sa Taguig Prosecutor’s Office upang pormal na ihain ang reklamo ni Deniece laban kay Vhong.

CCTV FOOTAGE. Pagdating naman sa CCTV (closed-circuit television) footage na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa media kahapon, January 29, tila mas tumugma ito sa mga salaysay ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage, says NBI

Ano ang reaksiyon dito ng kampo nina Deniece at Cedric?

Sabi ni Atty. Aquino, “Actually, if you ask us, it doesn’t match to what he’s saying.

“Kasi, he said in his interview with The Buzz [Buzz Ng Bayan] that he came there [Deniece’s condo unit] and Cedric was already there.

“So, if you look closely at the CCTV, si Cedric, nahuli dumating.

"That alone…there were inconsistencies."

CEDRIC NOT FILING CASE. Samantala, ayon naman kay Atty. Calleja, wala pang balak sa ngayon si Cedric na magsampa ng kaso laban kay Vhong.

“For now, Atty. Aquino and Deniece filed the case.

"Whatever other cases… pag-aaralan pa namin ‘yan.

“Everything is open on the table. So, everything is a possibility,” sabi nito.

Pagdating naman sa napabalitang balak daw umalis ni Cedric ng bansa, sinabi ni Atty. Calleja na haharapin nila ang gulong ito at wala silang aatrasan.

Dagdag pa niyang pahayag, “Ang pakiusap ko rin sa mga kaibigan natin sa media, alam niyo naman na, kumbaga, ito ay may asunto na, so medyo…

"If there is anything, we just respect the rights of the people involved and sana kung meron man, siguro ipaubaya na natin sa hustisya.

“Kasi… let the will of justice decide this case.

"Whatever is the result, tingnan na lang natin.

“Anyway, sabi ko nga, we trust with the cold mentality of our system.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN