Vhong Navarro reveals alleged sexual encounter with Deniece Cornejo; Deniece claims she was raped

Actor-host Vhong Navarro claims that Deniece Cornejo freely engaged in a sexual act with him during their January 17 meet-up at her condo unit. This contradicts the 22-year-old model’s earlier claim that Vhong is just like a brother to her.


Taliwas ang mga isinumiteng sinumpaang salaysay nina Deniece Cornejo at Vhong Navarro sa magkahiwalay na kasong isinampa nila laban sa isa’t isa.

Noong January 28, Martes, naghain ang kampo ni Vhong sa Department of Justice (DOJ) ng mga kasong "serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail" laban kina Deniece at Cedric Lee.

Kasama rin sa sinampahan ng kaso ni Vhong sina Berniece Lee (kapatid ni Cedric), Rance, Fernando Guerrero, isang nagngangalang Mike, at dalawa pang di kilalang lalaki.

Ito ay kaugnay ng nangyaring pambubugbog kay Vhong sa Forbeswood, Taguig City noong gabi ng January 22.

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps



SEXUAL ACT WITH CONSENT. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online noong Miyerkules, January, 29, idinetalye ni Vhong sa kanyang sinumpaang salaysay na una silang nagkakilala ni Deniece sa isang shoe shop at nagpalitan ng contact details dalawang taon na ang nakararaan.

Ayon pa sa aktor, noong November 2013 ay nanumbalik ang komunikasyon sa pagitan nila ni Deniece sa pamamagitan ng Facebook at Viber.

Hanggang sa nagkasundo umano sila na magkita nang personal sa condo unit ni Deniece noong January 17.

Inilahad ni Vhong na pagkatapos nilang mag-inuman ni Deniece ay nag-“make out” sila, hanggang sa humantong ito sa “oral sex.”

Iginiit din ng actor-host na pareho nilang ginusto ang nangyari at hindi niya pinilit ang dalaga na mangyari ang nabanggit.

Patunay raw nito ang palitan nila ng mensahe pagkaalis ni Vhong sa condo unit ng modelo.

Sabi raw ni Deniece sa ipinadala nitong text message: “Bad boy ka.”

Sinagot naman ito ni Vhong ng: “I’m sorry.”

Matatandaang nabanggit ni Vhong sa panayam niya sa Buzz Ng Bayan, noong January 26, na pinakitaan siya ng motibo ni Deniece, kaya gumawa siya ng hakbang upang madigahan ang babae.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAULING, VIDEO RECORDING OF VHONG’S PRIVATE PARTS. Ayon pa rin sa sinumpaang salaysay ni Vhong, pagkatapos ng pagkikita nilang iyon ay inimbitahan daw siyang muli ni Deniece na mag-dinner sa condo unit ng dalaga.

Ang ikalawang beses nilang pagkikita ay noong January 22, Miyerkules, kung saan pinagdalhan pa ni Vhong ng take-out food si Deniece mula sa kinainan niyang restaurant.

Mismong ang dalaga pa diumano ang nagsabi na dumiretso na ang actor-host sa kanyang condo unit, dahil alam na ng guards ng Forbeswood Heights na dadating si Vhong bilang bisita ni Deniece.

Ngunit kakatwa raw na umaktong nagulat si Deniece nang makita si Vhong papalabas ng elevator sa second floor ng gusali, kung saan matatagpuan ang condo unit ng dalaga.

Nang makapasok na si Vhong sa loob ng condo unit ay agad din umanong lumabas si Deniece.

Sa puntong ito, dalawang lalaki raw ang biglang sumulpot mula sa kuwarto ni Deniece, at ang isa sa mga ito ay tinutukan ng baril si Vhong.

Pagkatapos ay pinagsasapak, iginapos ang paa at kamay, at saka piniringan daw ang mga mata ng actor-host.

Pagkatapos ay dumating daw ang iba pang kalalakihan na nakisali rin umano sa pambubugbog sa kanya.

Ang sumunod na nangyari ay hinubad diumano ng mga kalalakihan ang shorts ni Vhong, at kinunan ng video ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.

Itinutok din daw ang video camera sa mukha niya at pilit na pinasasabi sa kanya ang mga katagang: “Ako si Vhong. Ni-rape ko ang kaibigan ko.”

Bukod dito, may kahiya-hiya pa raw ginawa sa private part ni Vhong habang kinukunan ng video—bagay na hindi na idinetalye sa sworn affidavit ng aktor.

DENIECE’S SWORN AFFIDAVIT. Sa kabilang banda, nagsampa naman si Deniece ng reklamong panggagahasa laban kay Vhong sa Taguig Prosecutor’s Office noong January 29, Miyerkules.

Read: Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sinumpaang salaysay ni Deniece—na inilathala sa GMA News Online kagabi, January 30—inilahad ng dalaga ang mga pangyayari noong sapilitan siya diumanong hinalay ni Vhong.

Pasado alas-otso ng gabi ng January 22 nang tawagan daw siya ni Vhong upang ipaalam na pupunta ito sa kanyang condo unit para maghatid ng pagkain.

Pagdating ng actor-host sa kanyang condo unit, nagtungo raw si Deniece sa kusina upang magligpit ng kanyang pinagkainan at saka inalok si Vhong ng maiinom.

Lumapit daw ang actor-host sa kanya, nakipagbiruan, at pagkatapos ay hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok, likod, at braso.

Sa puntong ito, nakaramdam diumano si Deniece na tila may hindi kanais-nais na motibo sa kanya si Vhong.

Kaya’t umalma si Deniece at sinabi kay Vhong: “Kuya, ayaw ko. Sorry, hindi ko talaga ito magagawa.”

ALLEGED RAPE INCIDENT. Laking gulat na lang daw ni Deniece nang biglang hinablot ni Vhong ang kanyang buhok at kinaladkad siya papuntang sofa.

Pilit diumanong pumaibabaw si Vhong sa kanya, ngunit nagpumiglas si Deniece, nakawala, at mabilis na tumakbo papuntang kuwarto upang tumawag ng saklolo.

Nang masundan siya ni Vhong sa kuwarto, puwersahan daw siya nitong inihiga sa kama at pinaghahalikan.

Sa kabila ng kanyang protesta at pagpupumiglas, umabot daw sa puntong nahubad ni Vhong ang shorts at underwear nito.

Pagkatapos ay sapilitan daw na isinubsob ang mukha ng dalaga sa maselang bahagi ng katawan ni Vhong.

Pilit pa rin daw nanlaban si Deniece, ngunit bandang huli ay natanggal din ni Vhong ang shorts at underwear niya.

Lahad pa ni Deniece tungkol sa diumano’y panggagahasa ni Vhong sa kanya, “At that point, I felt that his hard penis was already touching my private part as I continued to try too push him away from me.

“He was forcing his hard penis into my vagina, leaving me without any other recourse except to continuously struggle...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa kabutihang-palad, tamang-tama raw na dumating ang mga kaibigan ni Deniece at sinagip siya mula sa diumano’y pananamantala ni Vhong sa kanya.

Ayon pa rin sa sinumpaang salaysay ni Deniece, iyak daw siya nang iyak at "hysterical" na, kaya nagtungo siya sa pool area ng Forbeswood kasama ng kaibigan niyang babae upang tumahan siya.

Nang mahimasmasan na si Deniece, bumalik daw siya sa kanyang condo unit at pinilit ang mga kaibigan niya na dalhin nila si Vhong sa presinto upang ireklamo ang nangyaring insidente.

Ngunit noong nasa presinto na sila, ilang beses daw nagmakaawa si Vhong kay Deniece na huwag nang ilabas sa media ang nangyari dahil masisira ang showbiz career nito.

Si Vhong din daw mismo ang nagsabing handa itong magbayad ng halagang P200,000 kapalit ng pananahimik umano ni Deniece.

Sa kagustuhan nitong huwag kumalat ang isyu, itinaas pa raw ng actor-host sa P500,000, hanggang sa maging P800,000, ang danyos na nais nitong ibayad sa dalaga.

Sa huli, pumayag daw si Deniece na ipa-blotter na lang si Vhong noong gabing iyon.

Bukod sa labis na pagmamakaawa ng actor-host ay ayaw na rin daw sana ng dalagang madagdagan pa ang trauma niya, sa oras na magsampa siya ng kaso.

Base pa rin sa sinumpaang salaysay ni Deniece, kapansin-pansin na ang tawag niya sa actor-host ay "Kuya Vhong."

Matatandaang nabanggit ni Deniece sa una nitong panayam sa 24 Oras noong January 27 na parang kapatid ang turing niya kay Vhong.

Kaya’t hindi raw makapaniwala ang dalaga na pagkatapos niyang pakitaan ng mabuti ang actor-host ay sisirain lang nito ang tiwalang ibinigay niya.

Read: Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong


STRONG EVIDENCE AGAINST DENIECE, CEDRIC ET. AL. Ganunpaman, base sa paunang nakalap na ebidensiya ng National Bureau of Investigation (NBI), tila imposibleng pinagsamantalahan ni Vhong si Deniece noong gabi ng January 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kadahilanang tumugma ang salaysay ni Vhong sa nakuhang video sa closed-circuit television (CCTV) footage ng Forbeswood condominium.

Dito ay makikita na pagdating ni Vhong sa condo ay kaagad ding lumabas ng building si Deniece.

Pahayag pa ni Atty. Vicente de Guzman, NBI Assistant Regional Director, ukol dito: “I think it’s not possible yung sinasabi nilang attempt to rape Miss Cornejo.

"Kasi po, very glaring dito sa ating footage na there was no incident na si Deniece was inside that room [at that time]."

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage, says NBI


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN