Deniece Cornejo to those questioning her motive: "Pag sumigaw ang babae ng rape, wala na dapat magkuwestiyon dun."

Inamin ni Deniece Cornejo na isa siyang bronze medalist sa Taekwondo. Pero sa tanong kung bakit hindi niya naipagtanggol ang sarili noong pagsamantalahan diumano siya ni Vhong Navarro, sagot niya: “Kung babalikan ko po yun, kaya hindi ako nakalaban dahil sinikmuraan niya po ako. Kaya sinamantala niya po na alam niya pong pagod ako, puyat ako at pinapauwi ko na siya. Sinaktan niya po ako kaya hindi po ako nakalaban.”


Palaban si Deniece Cornejo nang makausap ng Showbiz Police ng TV5 sa pamamagitan ng telepono kahapon, March 17.

Sa naturang phone interview, unang inusisa ng mga host na sina Raymond Gutierrez at MJ Marfori ang tungkol sa perjury complaint na isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanya.

Read: Vhong Navarro files perjury raps against Roxanne Cabañero, Deniece Cornejo, Cedric Lee

Kaugnay pa rin ito sa pagsumpa ni Deniece sa nauna nitong affidavit kung saan sinabi niyang ginahasa diumano siya ng actor-TV host noong gabi ng January 22, 2014.

Pero sa mga kasunod na panayam kay Deniece, sinabi nitong dalawang beses daw siyang pinagsamantalahan ni Vhong—una noong January 17 at pangalawa noong January 22.

Read: Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once, but twice



VHONG’S PERJURY COMPLAINT. Pahayag ni Deniece tungkol sa perjury complaint na inihain ni Vhong, “Una sa lahat, wala naman pong suspect na umaamin ng kanyang ginawang kasalanan o pagkakamali.

“So, dun pa lang, nakikita po natin na wala pa nga sa court ay nangunguna nang aminin yung kanyang kasalanan, parang guilty na, for me.”

Sa tingin ba niya ay may basehan para sampahan siya ni Vhong ng perjury o pagsisinungaling?

Sagot ni Deniece, “Siguro po yung late kong nasabi na unang ginahasa ako, January 17, 2014.”

Paano niya maipaliwanag ang paiba-iba niyang statement?

Tugon ni Deniece, “Actually, wala naman pong paiba-iba ng statement, e.

"It’s just that iba lang po yung kung saan-saan nanggaling at saan din ako nanggaling [nung January] 17 ’tsaka nung 22.

“Dun po pala nakikita na hindi naman talaga planado, or set-up, kasi may kanya-kanya kaming mga buhay noong araw na yun.

"At nagkataon lang pong nangyari po yung aksidente pong yun.”



ALSO A VICTIM OF THEFT? Kumusta na siya ngayon?

Saad ni Deniece, “Ngayon po, medyo okay na, unlike nung before.

"Kasi sa nakakalimutan ng mga tao, ‘no, na hindi lang po ako na-rape... nanakawan din po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sana hindi po nila nakakalimutan na kung tayo nga mawala nga lang po yung cellphone natin, or madukutan nga lang yung wallet natin, parang may kulang na sa buhay natin, e.

“Paano pa kaya kung yung lahat ng pinaghirapan mo—mga pera mo, yung mga importanteng bagay—nawala.

"So, mahirap po para sa akin yun."

Nanakawan ba siya sa condo niya sa The Fort?

Sagot niya, “Opo, nanakawan po ako.”

Hindi naman nilinaw ni Deniece kung si Vhong ang tinutukoy niyang nagnakaw ng mga gamit niya o ibang tao.



ON ROXANNE CABAÑERO. Noong March 13, Huwebes, emosyunal na humarap sa media si Roxanne Cabañero, ang isa pa diumanong biktima ng panggagahasa ni Vhong, sa Pasig Regional Trial Court.

Ito ay kaugnay naman sa inihain din nitong reklamong panggagahasa laban sa It’s Showtime host.

Read: Roxanne Cabañero explains why she can’t remember the exact date when Vhong Navarro allegedly raped her

View Gallery: Roxanne Cabañero attends preliminary hearing of her rape case vs. Vhong Navarro

Tinanong si Deniece kung nag-usap na ba sila ni Roxanne o may balak ba silang bumuo ng grupo laban kay Vhong.

Tugon ng modelo, “Liwanagin ko po, hindi ko po siya kilala.

"Hindi po ako sumali sa mga beauty pageant, iba po ang industriya ko sa industriya niya.

“Hindi pa po kami nakakapag-usap, nagkakaharap.

"Pero sa nakita kong lakas ng loob niya ay lalo pong lumakas ang loob ko na harapin po yung mga accusations ni Vhong."

May balak ba siyang mag-reach out dito?

Aniya, “Siguro sa tamang oras po, bakit po hindi.

“Sa tamang panahon, at mahirap po ang pinagdadaanan niya, at mahirap din po at masakit din po ang pinagdadaanan ko bilang babae.

“At lalo na po ngayon na women’s month, ito po ang araw at month para ipaglaban po namin ang karapatan namin bilang babae.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang buwan ng Marso ay idineklarang International Women’s Month.



DENIECE IN SHOWBIZ? Dahil sa isyung kinasasangkutan niya ngayon ay nakilala si Deniece ng mga tao.

Ito ba ay gagawin niyang daan upang pumasok sa showbiz?

Sagot ni Deniece, “Para sa akin po, ang pag-aartista ay hindi habang buhay.

"Dapat isa lang siya sa mga puwede mo i-consider, para dun mo puwedeng kunin yung puhunan mo sa negosyo o puwede mong gamitin ‘tong steps para sa mga plano mo sa buhay."

Sa isang panayam ay sinabi ng lola ni Deniece na conservative siya. Ito raw ang dahilan kaya tinanggihan ng modelo ang offer diumano ni Dingdong Dantes na role sa pelikula dahil daw may kissing scene.

Read: Deniece Cornejo’s grandmom attests: “Very conservative ’yang batang ‘yan… kasi laking simbahan ‘yang batang ‘yan, e.”

Tinanggihan nga ba niya ang offer ni Dingdong?

Tugon ni Deniece, “A, hindi na lang po ako magsasalita dun, pero may mga artista rin naman po na nag-o-offer.

"At alam naman po din ng ibang istasyon na mapili po talaga ako, lalo na po kung ito’y hindi po siya angkop po dun sa character ko po."

Anong role ba kung sakali ang tatanggapin niya?

Sabi ni Deniece, “Sa napapansin niyo, more on doctor, mga lawyer... siguro more on bilang ako po.

"Kasi mahirap tumanggap ng isang role na hindi mo naman nire-represent bilang tao."

Ginagamit ba niya ang isyu para maging sikat?

Tanggi ni Deniece, “Ay, hindi po yun.

"Ang rape po ay napakahirap at napakasakit, bilang babae, na isigaw mo sa buong Pilipinas na ikaw ay isang rape victim.

“Kung sa lahat… kung kayo’y Kristiyano, at kung kayo ay may tamang pag-iisip, hindi mo dapat yun iku-consider na ito’y gawa-gawa lang o haka-haka lamang.

“Kasi pag sumigaw ang babae ng rape, wala na dapat magkuwestiyon dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba niya kapag humarap siya sa camera bilang artista ay matatanggap siya ng mga tao?

Sagot nito, “Sabi ko nga po, ang pag-aartista ay kailangan sa likod at sa harap ng camera.”



THE TAEKWONDO MEDALIST. Totoo bang taekwondo champion siya?

Tugon ni Deniece, “Bronze medalist lang po.”

Bakit hindi siya nakalaban o nanlaban noong gabing sinasabi niyang ginahasa diumano siya ni Vhong?

Sagot niya, “Ayoko man maalala ang mga bagay-bagay at pangyayari na yun, dahil napakasakit...

“Tsaka mahirap, bilang babae, maalala pa po yun.

"Kung babalikan ko po yun, kaya hindi ako nakalaban dahil sinikmuraan niya po ako.

“Kaya sinamantala niya po na alam niya pong pagod ako, puyat ako, at pinapauwi ko na siya.

"Sinaktan niya po ako kaya hindi po ako nakalaban."



MOTIVATIONAL SPEAKER. Sa kanyang profile sa Facebook ay sinabi ni Deniece na isa siyang motivational speaker.

Saan siya humuhugot ng lakas sa dami ng bumabatikos sa kanya?

Tugon niya, “As a motivational speaker, dapat marunong kang mag-motivate sa sarili mo.

"At alam kong ito ang tamang oras para maging positive.

“Being a rape victim, sabi nga po nila, bakit ako masaya, bakit parang wala lang, kung bakit nakaka-move on ako.

"Parang gusto ko ipakita sa mga tao na ang mga babaeng naabuso at mga rape victim, hindi naman ibig sabihin na rape victim ka, katapusan na ng buhay mo.

“Meron… kailangang ipakita mo may pag-asa pa.”

Ano ang mga susunod niyang hakbang?

Saad ni Deniece, “Una ko pong gagawin ay kakausapin ko po yung Gabriela, dahil humingi po ako ng paumanhin sa kanila dahil hindi po ako humingi ng tulong.

“Mahirap po bilang sa akin, na maging ganun agad, na mag-isip, na natataranta.

"Kaya nga po utal ako magsalita kasi hindi lang naman si Vhong ang kailangan kong intindihin, e.

“Pati yung hanapbuhay ko, pati yung mga kliyente ko, pati mga kaibigan ko, pati pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun po ang uunahain ko, at gusto ko pong tumulong sa bansa natin, sa society po natin.

“Si God na pong bahalang magbigay ng mga steps ko po para maka-move on po lalo, dahil po ngayon, mahirap po talaga.”

VHONG IS BACK. Samantala, nagbalik na si Vhong sa daily noontime show nito sa ABS-CBN, ang It’s Showtime.

Unti-unti ay gusto ni Vhong na ibalik ang kanyang normal na buhay sa kabila ng mga pinagdaanan niya.

Read: Vhong Navarro makes tearful, emotional Showtime comeback

Gusto na rin ba ni Deniece na magbalik sa normal ang buhay niya?

Aniya, “Hangga’t hindi ko pa po nakikita yung taong nagbaliktad sa akin, nagsamantala at nang-abuso sa akin, at nanira ng reputasyon ko na walang utang na loob, hindi pa po ako ganun ka-okay.

“Hangga’t hindi ko pa po siya nakikita sa kulungan.”

May mensahe ba siya para kay Vhong?

Sabi ni Deniece, “Siguro, dati ang tawag ko sa kanya, ’Kuya Vhong.’

"Hindi lang yung tiwala yung nawala, pati yung respeto ko sa kanya bilang lalaki saka bilang tao.

“Ang Diyos, hindi natutulog. Alam Niya kung may ginawa kang kasalanan.

“Sana maisip mo ‘to, kasi dadalhin mo ‘to hanggang pagtanda mo.

"Hindi mananahimik ang konsensiya mo."

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Vhong kaugnay ng mga pahayag ni Deniece.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN