Ai-Ai delas Alas defends Governor Vilma Santos against bashers; favors Nora Aunor for National Artist award

Ayon kay Ai-Ai delas Alas, huwag naman husgahan kaagad si Batangas Governor Vilma Santos dahil lang sa maling grammar. Saad niya, “Kasi minsan may mga bagay na hindi naman kailangan, e, yung minsan nagkakamali tayo or hindi naman kailangang gawin na i-bash siya nang dahil lang dun.”


Usap-usapan ngayon sa social media ang post na "ensaymada" ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account kagabi, June 30.

Padala raw ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos ang ensaymada sa kanya.

Ngunit ang pinagtuunan ng pansin ng netizens ay ang nakasulat sa note ni Governor Vi para kay Kris:

"Dearest Kris, Thank you sooo much for believing in me. I truely appreciate it friend...

"Life is short... Enjoy it... Your are so bless...

"God is good. Smile :0 I Love You."

Read: Gov. Vilma Santos-Recto bashed on Kris Aquino’s Instagram post



IN DEFENSE OF ATE VI. Kaninang tanghali, July 1, idinepensa ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas ang kaibigan at idolong si Vilma nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng Macho Gwapita sa Eclipse Bar, Solaire Resort and Casino, Aseana City, Parañaque.

Ang Macho Gwapita ay ang concert nina Ai-Ai at Rico J. Puno, na gaganapin sa naturang hotel sa July 26.

Sabi ni Ai-Ai, “Ako siyempre, bilang isang Vilmanian, nahe-hurt ako for her. Nasasaktan ako.

“Kasi minsan, may mga bagay na hindi naman kailangan, e.

"Yung minsan nagkakamali tayo or hindi naman kailangang gawin na i-bash siya nang dahil lang dun.

“Unang-una, what for, hindi naman sila yung sinulatan.

"Pangalawa, parang hindi naman ikakaunlad ng bansa natin yung pagsusulat niya, ‘di ba?

"So, ako, mali yun, sa tingin ko, maling-mali yun."

Sa tingin niya ba ay may mali rin si Kris sa pag-post ng naturang note kung alam naman nitong may mali sa sentence?

Tugon ni Ai-Ai, “Yun din, sana next time, hindi na lang.

"Or, ’pag minsan, idol mo yung isang tao, proteksiyunan mo na lang."



IN FAVOR OF ATE GUY. Kahit aminadong Vilmanian, saludo rin naman si Ai-Ai sa narating sa karera at naibigay na karangalan sa bansa ng Superstar na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman hiningan na rin siya ng press ng pahayag tungkol sa hindi pagkakasama ni Ate Guy sa mga nahirang na National Artists ngayong taon.

Read: NCCA questions decision of Malacañang to exclude Nora Aunor as National Artist nominee

Naglabas na rin ng kanyang saloobin si Nora tungkol dito kahapon, June 30.

Inamin ni Ate Guy na nasaktan siya sa pagkakalaglag ng kanyang pangalan sa listahan. Pero ikinatuwa naman daw niya ang buhos ng suporta ng mga Pilipino na naniniwala sa kanyang kakayahan bilang isang alagad ng sining.

Read: Nora Aunor breaks silence on National Artist issue

Ngayong araw rin, July 1, nagsalita si Pangulong Noynoy Aquino kung bakit hindi naisama ang pangalan ng Superstar sa mga nahirang na National Artists.

Ang pinakadahilan daw dito ay ang isyu sa droga na kinasangkutan nito noon.

Read: PNoy: Nora Aunor excluded in National Artist award because of drug issue

Pero ayon kay Ai-Ai, hindi naman basehan kung ano yung nakaraan mo kundi ang naging ambag mo sa industriya.

Saad niya, “A, oo, naunawaan ko, kasi una sa lahat, yung sinabi ko rin kanina, kung deserve niya yun, kunyari siya ang nominated na top bilang National Artist, siguro deserve niyang manalo.

“And hindi rin basehan kung anong personality or kung ano’ng natsitsismis about you.

"I think, ang pagiging basehan ng National Artist, kung ano yung na-contribute mo na art sa pagiging artista mo at sa buhay mo.

“I think, yun yun para sa akin.

"And in fairness din kay Ate Guy, sa stature niya in show business, I think she’s the only Superstar nang natawag buong Pilipinas.

“Like Ate Vi, isa lang na Star for All Seasons meron tayo.

"And isa lang ding Superstar meron tayo. Yun lang naman yun.

“Well, respeto lang, kapwa artista ko.

"Respetuhin natin yung mga artistang nagpaligaya ng maraming-maraming taon sa buong Pilipinas, nag-inspire, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong araw, I think kuwento lang naman, kasi ’pag Vilmanian and Noranian, ’pag nagtatalo ‘yang mga ‘yan, kanya-kanyang bidahan.

“So, dun ko nalaman ko nung araw, si Nora Aunor, si Ate Guy, ’pag lumalabas siya ng Metro Manila, naka-red alert ang pulis, ganun siya kasikat.

“Ganun siya kasikat, kaya may pan de Nora, may pan de Vilma rin.

"Ganun siya kasikat, kasi meron siyang tinapay, may nunal yung tinapay.

“So, dun ko nalalaman kung gaano sila kasikat kapag nag-aaway-away yung mga Noranians at Vilmanians.

“So, hindi mo mararating yun, wala pang nakakarating sa ganung stature, na red alert yung buong Metro Manila police.

"Wala namang artista ngayon na ganun, e, si Ate Guy lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN