Bianca Gonzalez wants to return to work after December wedding to JC Intal before having a baby


“Oh, my gosh, wala pa rin until now!”

Ito ang sinabi ng Pinoy Big Brother: All In host na si Bianca Gonzalez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin kung ano na ang mga plano sa kasal nila ng basketball player na si JC Intal.

Dagdag pa niya, “Sadly, wala pa talagang plans, but tuloy naman siya.”

Sa December 2014 nakatakdang ikasal sina Bianca at JC, ngunit wala pa raw silang eksaktong date na napipili.

Sabi ni Bianca, “No date yet, but we are working on early December.”

Naganap ang engagement ng dalawa noong madaling-araw ng March 20 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bago pumunta sa London si Bianca.

Read: Bianca Gonzalez and cager JC Intal now engaged after surprise airport proposal

DREAM WEDDING. Wala namang nabanggit si Bianca nang tanungin kung ano ang kanyang dream wedding.

Paliwanag ng Kapamilya host, “I wasn’t the type na from childhood yung parang, ‘Gusto ko ganito, gusto ko ganyan.’

“I never had anything like that.

“Talagang ngayon pa lang, ngayon ko pa lang pini-figure out kung ano yung maganda, ano yung bagay sa amin.

“What I would like and he likes.”

Ang gusto raw ni Bianca ay isang simpleng kasal kasama ang malalapit na kamag-anak at kaibigan nila.

“Sobrang simple, as in ako yung type na as small can be, yun sana.

“But, we’ll see, kasi siyempre half decision lang ako, e.

“May isa pang tao na magdedesisyon dun.”

Tinitiyak din ni Bianca na hindi lang desisyon niya ang dapat masunod kapag napag-uusapan nila ng kanyang fiancé ang kanilang kasal.

Paliwanag niya, “Kasi siyempre, it’s a ceremony for two people.

“So, half my decision and half his.

“We have to compromise on certain things.”

Nakapanayam ng PEP si Bianca sa media launch ng Globe Tatt Awards 2014, sa Greenbelt 3 Cinemas, Makati City, noong Martes, July 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Bianca Gonzalez and JC Intal plan to get hitched at the end of 2014



BABY PLANS. Kung sakali, nais munang bumalik ni Bianca sa pagtatrabaho at i-enjoy ang married life pagkatapos ng kanilang kasal.

Wika ng TV host, “Ako, I want to work, and him, he has work.

“I mean, same-same lang.

“As long as I can work, I’m super gonna work talaga.”

Hindi pa rin daw nila napag-uusapan ni JC kung kailan nila balak magkaroon ng anak.

Ngunit nais ng Kapamilya host na ma-enjoy muna ang kanilang married life bago magbukas ng panibagong pahina sa kanilang buhay.

“We haven’t talked about that yet.

“Ako, I’ve always been the type na feeling ko, I want to enjoy being married first before having kids.”

Ngunit aminado si Bianca na hindi lang desisyon niya ang dapat isaalang-alang dahil dalawa na sila ni JC na kailangang magdesisyon tungkol sa bagay na ito.

“Hindi ko lang siya choice.

“I mean, it’s a choice na kailangan pag-usapan.

“He has expressed na he wants nga but, yun nga, ako din yung kalahati.”

Ilang anak kaya ang gusto niyang magkaroon?

Sagot ni Bianca, “Ako kasi, three kaming magkakapatid.

“Sila anim, so sanay siya sa big, sanay ako sa small.

“So, isa pa yung bagay na kailangan namin i-compromise.”

Dagdag pa ng PBB host, “I’m happy with two or three or one.

“Alam mo yun, I know so many friends na hirap to have kids, so if we’re blessed with kids, then yun.”

Read: Bianca Gonzalez not yet ready to be a mother right after December wedding to JC Intal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN