Yearender 2014: Thanks for the memories

Sorely missed: Mark Gil, Tia Pusit, Roldan Aquino, Roy Alvarez, Pepe Pimentel, and Tado Jimenez.


Ngayong 2014, namaalam ang ilang kilalang artista na naging malaking bahagi ng entertainment industry at nagpasaya sa ating buhay.

Bago matapos ang taon, isang simpleng tribute ang inihanda ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa mga yumaong artista sa bansa.

Kabilang rito sina Mark Gil, na namatay noong September 1 dahil sa sakit na liver cirrhosis.

Bagamat noong 2012 pa na-diagnose na may liver cancer ang 52-year-old actor, nanatiling tikom ang kanyang pamilya tungkol rito.

Naging pribado rin ang burol at cremation ng mga labi ng actor, ayon na rin sa hiling niya sa kanyang pamilya.

Read: Mark Gil dies at 52

Sa kabilang banda, ikinalungkot rin ng showbiz ang pagpanaw ng kilalang Kwarta o Kahon host na si Pepe Pimentel noong January 24.

Ang 83-year-old TV icon ay natagpuang walang malay ng kanyang asawa sa kanilang bahay sa Quezon City.

Ayon sa panayam sa isang barangay official, hinihinalang inatake si Pepe habang nasa loob ng bathroom at nabagok ang kaniyang ulo.

Agad rin na-cremate ang mga labi ng popular na TV host, bilang pagtupad sa kanyang huling habilin.

Read: Kwarta o Kahon host Pepe Pimentel found dead inside his house

Samantala, naging mabilis para sa ilang showbiz personalities ang pagpanaw ni Tia Pusit noong October 2.

Ilang linggo ring naka-confine ang 66-year-old na komedyana Philippine Heart Center dahil sa sakit sa puso.

Bago siya mamatay, nag-organisa pa ng benefit concert ang mga kakilalang artista, sa pangunguna ni Sherilyn Reyes, para sana makatulong sa gastusin na dulot ng double bypass surgery niya.

Sa kasamaang palad, bagamat itinuloy pa rin ang plano, sa ibang dahilan na nagamit ang nalikom na pera para kay Tia Pusit.

Read: Veteran comedienne Tia Pusit dies at 66

Narito ang ilan pang mga kilalang personalidad na pamanaw ngayong 2014:

In Memoriam: The stars we lost in 2014


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN