Kiko Pangilinan shows up at stepdaughter KC Concepcion’s photo exhibit

Sa kabila ng tampuhan sa pagitan ni KC Concepcion at ng kanyang ina na si Sharon Cuneta, nagpakita ng suporta ang stepdad ni KC na si Kiko Pangilinan nang pumunta ang dating senador sa fundraising photo exhibit ni KC sa SM Megamall ngayong Martes, June 2.


Sumipot at nagpakita ng suporta si Secretary Francis “Kiko” Pangilinan para sa stepdaughter niyang si KC Concepcion sa ikalawang araw ng photo exhibit ng aktres na naglalayong makalikom ng pondo upang makatulong sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Nepal.



Sa kanyang Instagram account, nag-post si KC ng larawan ni Kiko nang dumalo ito sa second day ng photo exhibit nila ng photographer na si Mark Nicdao, na pinamagatang #KCxMN #PHxNEPAL, sa The Atrium ng SM Megamall, ngayong Martes ng hapon, June 2.



Bumili rin ng item ang dating senador sa fundraising photo exhibit na ikinasiya ni KC, sa kabila ng nangyayaring tampuhan sa pagitan ng Kapamilya star at ng ina nitong si Sharon Cuneta, na asawa naman ni Kiko.



Pinasalamatan pa ni KC ang kanyang “Dad” sa pagbili ng item na malaking bagay raw sa kanya.



Caption ni KC sa nasabing post niya: "So sweet of you to pop by the exhibit, Dad!!! S/O [Shout out] for purchasing your #KCxMN photo @ 2x3 ft. It truly means a lot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang gabi ng photo exhibit ni KC, noong June 1, tumangging mag-react ng aktres sa mga naging pahayag ng inang si Sharon sa Facebook na may kinalaman sa kanilang hindi pagkakaunawaan.



Sinabi ni KC na mahal niya ang kanyang ina at mas makabubuting huwag na lamang siyang magsalita tungkol sa isyu upang maprotektahan ang ina.



Read: KC Concepcion confirms rift with mom Sharon Cuneta

Nitong nakaraang weekend, nag-post ng mga komento si Sharon sa kanyang Facebook account na tumutukoy sa nangyayaring tampuhan nila ng anak na si KC.



Dito, sinabi ni Sharon na bukod sa “unnecessary too-sexy poses” ni KC, may iba pang dahilan ang kanilang 'di pagkakaunawaan na inilarawan niyang masyadong personal at pribado.

Read: Sharon Cuneta expresses disapproval of daughter KC Concepcion’s “unnecessary too-sexy poses”

Read: Sharon Cuneta on gap between her and daughter KC Concepcion: "I wish all this was just about sexy poses."

Sa social media post ni Sharon ngayong Martes ng umaga, sinabi ng Megastar na marami ang nagbibigay ng opinyon tungkol sa pinagdadaanan nilang mag-ina nang hindi naman alam at nauunawaan ang totoong dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Sharon Cuneta to her bashers: Spare me from judgment


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close