Nikki Gil marries non-showbiz boyfriend BJ Albert

by James Patrick Anarcon
Nov 21, 2015
Singer-actress Nikki Gil and non-showbiz boyfriend BJ Albert tie the knot today, November 21.

Ikinasal ngayong araw, November 21, ang singer-actress na si Nikki Gil sa kanyang non-showbiz boyfriend na si BJ Albert.

Ginanap ang kanilang kasal sa Sta. Elena Golf Country Club sa Sta. Rosa, Laguna City.

Ilang celebrities na dumalo sa kasalan ay ang mag-asawang Isabel Oli at John Prats, Iya Villania at Drew Arellano, ang manager ni Nikki na si Arnold Vegafria, at ang co-MYX VJ ni Nikki na si Luis Manzano.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

VIEW GALLERY Nikki Gil and BJ Albert Wedding Highlights

Ang theater actor namang si Khalil Kaimo ang unang nag-post sa Instagram ng kissing photo ng bagong kasal.

WHO IS NIKKI GIL'S BOYFRIEND TURNED HUSBAND?

Nagkakilala sina Nikki at at BJ noong February 2014 sa tulong ng mga closest friends, pero noon lamang January 24, 2015, nagkomento ang dating MYX VJ tungkol sa mga sightings sa kanila. Aniya sa MYX News, "That guy is my lawyer. He's my friend. He's my special friend...At the moment, he is my source of joy." The following month, nag-propose si BJ kay Nikki.

Continue reading below ↓
At habang naghahanda ito para sa kanilang kasal, nagpahinga si Nikki pansamantala sa paglabas sa telebisyon at pelikula para paghandaan ang kanyang kasal.

Sa naunang interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi man sinabi ng Kapamilya actress-TV host ang petsa ng kanyang kasal, subalit nagbigay ito ng hint na Nobyembre magaganap ang pag-iisang dibdib nila ni BJ.

Read: Nikki Gil takes a break from showbiz commitments to prepare for November wedding

Huling napanood bilang aktres si Nikki sa teleseryeng Hawak Kamay November last year kasama si Piolo Pascual.

Matapos ang halos isang buwan ay nag-propose na sa kanya ang non-showbiz boyfriend.

Read: Nikki Gil and non-showbiz boyfriend BJ Albert are engaged!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Nikki Gil and non-showbiz boyfriend BJ Albert tie the knot today, November 21.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results