Jennylyn Mercado reacts to Luis Manzano-Jessy Mendiola rumored romance

Napaisip si Jennylyn Mercado nang matanong tungkol sa dating nobyong si Luis Manzano. Dalawa kasi sa mga naging nobya nito noon ay FHM Sexiest Women at kasalukuyan naman daw nitong idini-date ang bagong hirang na FHM Sexiest Woman na si Jessy Mendiola.


Wala raw alam si Jennylyn Mercado tungkol sa napapabalitang relasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano sa aktres na si Jessy Mendiola.

Ayon sa Kapuso Ultimate Star, “Hindi ko alam yung balita ngayon, ha, wala akong alam.

“A, ganun ba? Hindi ko alam.”

Tinanong pa niya ang mga miyembro ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung nagdi-date ba ang dalawa.

Dugtong pa ni Jennylyn, “E, baka naman hindi pa [naman sila], kayo naman.

“E, di masaya. Masaya. Actually, si Luis, napakamasayang kasama.”

Nakausap ng reporters si Jennylyn matapos siyang pumirma ng panibagong kontrata sa GMA Network kahapon, July 4.

THE REAL SCORE. Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang diumano’y namumuong magandang samahan nina Luis at Jessy.

Ilang beses na silang nakitang magkasama sa mall, sinehan, at coffee shop nitong nakarang buwan.

Ayon kay Jessy, magkaibigan lang sila ngunit nag-level up na ang kanilang friendship.

Read: Jessy Mendiola on real score with Luis Manzano: 'What you see is what you get.'

Si Luis naman, wala pa ring kinukumpirma o itinatanggi tungkol sa rumored romance nila ni Jessy.

Read: Luis Manzano dismisses rumor linking him to Jessy Mendiola

Samantala, ang ex-girlfriend ni Luis na si Angel Locsin ay nag-react naman noon sa pamba-bash kina Luis at Jessy.

Huwag daw i-bash ang dalawa dahil wala itong magagandang idudulot.

Read: Angel Locsin reacts to Luis Manzano-Jessy Mendiola dating rumors

Sa pagkakahirang kay Jessy bilang FHM Sexiest Woman ngayong 2016, hindi naman napigilang magkunek-kunek ang netizens na matinik talaga si Luis.

Kagaya ni Jessy, naging FHM Sexiest Women din ang mga ex-girlfriend niyang sina Angel at Jennylyn.

Read: What Jessy Mendiola and two past FHM sexiest women have in common


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN