Albie Casiño on the "truth" being revealed: "It's not new to me. I already knew it."

IMAGE Noel Orsal

Albie Casino is "super- relieved" that the "truth" about Andi Eigenmann's daughter has been finally revealed. However, according to him, he already felt before that he is not the father of the baby. "Everyone was asking me about lukso ng dugo. Like, I never had any of that. None of that."


Kapansin-pansin na maaliwalas ang aura ngayon ng ABS-CBN actor na si Albie Casino.

Sa katunayan, nang kamustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang reporters sa bloggers' conference ng The Escort kanina, October 20, nakangiti niyang sinabing, "I'm okay."

Naibahagi niya na mayroon din siyang dine-date ngayon na non-showbiz girl subalit hindi na siya nagbigay pa ng detalye tungkol dito.

Sabi niya, "I'm just gonna say that my personal life is at a good place right now.

"Non-showbiz. Ayoko na mag-showbiz [girlfriend] after the whole ordeal!"

Ang "ordeal" na tinutukoy niya ay nang siya ang itinurong ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Subalit matatandaang nitong nakaraang Setyembre ay kinumpirma ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

May isang reporter na nagtanong sa kanya kung siya ba ay medyo relieved sa mga pangyayari.

Sagot niya, "Medyo relieved is like a super understatement. Super relieved! Not medyo relieved."

Ayon kay Albie, tulog daw siya nang lumabas ang balita at may nagpaalam lang daw nito.

Aniya, "I was asleep, someone woke me up, like, 'I have good news for you, check this out.'

"I think she showed me an article on Twitter. I don't have a Twitter [account] so I didn't see it. I read it lang, [then] I went back to sleep," natatawa niyang sagot.

Ang pinakanatuwa raw talaga nang lumabas ang balita ay ang ina ni Albie na si Anna Kathrina "Rina" Casino.

Matatandaang nauna nang nagpa-interview sa PEP sa pamamagitan ng text messaging si Mrs. Casino noong araw rin na lumabas ang balita.

Read: PEP EXCLUSIVE. Albie Casino 'relieved' that the 'truth' is finally out

Nabanggit din ni Mrs. Casino sa hiwalay na panayam niya sa Cinema News at PEP na nagkaroon siya ng sama ng loob kay Andi at sa ina nitong si Jaclyn Jose noong mga panahong lumabas ang isyung si Albie ang ama ng anak ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Albie Casino's mom on public apology from Andi Eigenmann: 'Okay na, kasi we're vindicated.'

Saad naman ni Albie tungkol dito, "She was super happy about it. I never really understood how much that ordeal affected her until I read the PEP article.

"Only when I read that, I realized how much it affected her.

"For me, when that issue came on, I brushed it off, e.

"I'm very good at shoving bad experiences down like I tried not to let it affect me, but then I realized that eventually that's gonna come up, e. That's gonna do more damage to you."

Hindi na rin daw naisip ng kampo ni Albie na maghabla dahil ang mahalaga raw ay labas na ang pangalan niya sa isyu.

Sabi niya, "Hahaba pa yung proseso, e. Like I'm just so happy to be done with it now. I don't have to see them, I don’t have to think about them, I don't have to worry about them, my name is not associated with them anymore.

"I think that's the worst thing about me. Like, when people hear my name, [they'll say], 'Oh, yeah, he's the dad of the kid.'

"Pero now, no one thinks that anymore. I hope no one thinks that anymore.

"Parang lagi lang akong bitbit sa issue na yun, and now I'm happy that people can talk about the issue and not talk about me anymore, 'di ba."

Sabi rin ni Albie, alam naman na raw niya noon pa na maaaring hindi talaga siya ang ama ng anak ni Andi.

Pag-amin niya, "We all knew it, di ba? That's why when everyone's asking me how do you feel now, I knew this. It's not new to me. I already knew it.

"Everyone was asking me about lukso ng dugo. Like, I never had any of that. None of that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANDI EIGENMANN. Ayon naman kay Albie, marami siyang natutunan sa mga pangyayaring ito sa buhay niya.

Kuwento niya, "I learned those lessons a while back when it all hit the fan like just listen to your parents, they know what's best for you even when it comes to girls.

"If something seems too good to be true, it probably is too good to be true. Just stuff like that."

Sabi rin niya, hindi pa sila nagkikita ni Andi matapos pumutok ang balita. "I've seen her before the incident came out, before the podcast thing. I haven't seen her again after."

Nilinaw naman ng PEP ang mga balita kung saan sinabi nilang dalawa sa magkahiwalay na panayam na okey silang dalawa ngayon.

Una itong nabanggit ni Albie sa interview niya sa PEP noong nakaraang The PEP List Year 3 Awards night noong Agosto.

Read: PEP EXCLUSIVE. Albie Casio, Andi Eigenmann friends again?

Kinumpirma naman ito ni Andi sa interview niya noong premiere night ng pelikula niyang Camp Sawi.

Read: Andi Eigenmann confirms being on good terms with Albie Casio

Subalit paglilinaw ni Albie, "Real talk? I just wanted to be civil with her because I was never sure, I asked for DNA test because I had a feeling it wasn't my baby, but I was never sure.

"I wanted to be nice. I'm just a nice guy in general, but I wanted to build a good relationship just in case that it was actually my kid, so we would be on good terms.

"But now, I don't have to worry about that."

Ano naman ang sasabihin niya kay Andi kung sakaling magsalubong ang landas nila?

Natatawa niyang sagot, "What's up, peace out! That's it!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN