Miss Earth 2016 Katherine Espin denies Imelda Schweighart's claim about being 'fake'

IMAGE Katherine Espin Instagram

Miss Earth 2016 Katherine Espin (second from left) on Miss Philippines Imelda Schweighart's claim: "I've never done anything in my face, never. I've never even done plastic surgery in my face. No. Her saying that, she will have to prove it I guess."


“I've never done anything in my face, never. I’ve never even done plastic surgery in my face. No. Her saying that, she will have to prove, it I guess.”

Ito ang sagot ni Miss Earth 2016 Katherine Espin ng Ecuador sa alegasyon ni Miss Philippines Imelda Schweighart na retokada siya.

Matatandaang sa kumalat na video ni Schweighart, kung saan kausap niya ang kanyang supporters pagkatapos ng pageant, sinabi niya tungkol kay Espin: “Yung nanalo peke ilong, peke baba, peke boobs! Miss Earth, dapat natural.”

Read: Miss PH Earth 2016 Imelda Schweighart takes a swipe at Miss Ecuador

Pinanindigan ni Schweighart ang kanyang sinabi dahil si Espin daw mismo ang nagsabi nito sa kanya noong maging roommates sila sa pageant.

Read: Imelda Schweighart resigns as Miss Philippines Earth

Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN kay Espin, sinagot din nito ang isa pang paratang ni Schweighart na ang yellow gown na isinuot ng Ecuadorian beauty queen ay dapat sa kanya.

Pagkatapos ng pageant ay naglabas pa ng video si Schweighart suot-suot ang nasabing gown.

Ayon kay Espin, hindi natapos ng fashion designer na si Leo Almodal ang gown na ipinagawa niya rito para sa Miss Earth pageant.

Lahad pa niya, “When I got into top 16, I was like, ‘Where’s my dress?’

“His assistant was telling me, ‘We didn’t finish. We have this yellow dress. Try this yellow dress.’

“I’ve never even tried the yellow dress in my life. I never even knew how it looked on me.

“They just put it on me and I never knew it was Imelda’s dress.”

Dagdag pa ng bagong Miss Earth, “Imagine, I [did not have] a dress.

“It was crazy backstage. No one knows about this.

“I think Imelda got upset about this. She must know that it wasn’t my fault.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was actually a misunderstanding with Leo. He didn’t know what to do.

“I’m clarifying that right now.

“Leo will do it on social media and probably have an interview explaining all these issues.

“It’s his responsibility actually.”

Sa Facebook post ni Almodal kahapon, October 31, sinabi nitong sa kanya pa rin technically ang yellow gown na dapat isusuot ni Schweighart kung nakapasok ito sa semifinals.

Wala pa raw kasi siyang nakukuhang bayad mula sa kampo ng Filipino-German beauty queen.

Inamin din ng Pinoy fashion designer na hindi niya natapos ang gown ni Espin kaya nagdesisyon siyang ipasuot na lamang dito ang yellow gown na ginawa niya para kay Schweighart.

Read: Fashion designer refutes Imelda Schweighart's claim about Miss Earth gown fiasco

Sinabi rin ni Espin na tinatanggap niya ang apology ni Schweighart sa mga sinabi nito tungkol sa kanya.

Hindi rin daw niya hahayaan ang mga intriga at masasakit na salita na sirain ang kanyang tagumpay bilang bagong Miss Earth.

Pahayag niya, “Despite any of the things that I’ve seen, I am happy with what I’ve done. I’ve done my best.

“There have been many rumors but I don’t really pay attention to any of that because I know what I’ve done.”

Nagbitiw na si Schweighart bilang Miss Philippines Earth.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN