PAO chief Atty. Persida Acosta advises Richard Gomez to face drug allegation with "composure"

IMAGE Noel Orsal

Nagbiro si Atty. Persida Acosta na kung sakaling nais niyang interbyuhin si Pangulong Rodrigo Duterte ay baka mapagbigyan siya nito. Hindi naman daw siguro siya iisnabin ng Pangulo. "Hindi naman kapag gusto niya yung mag-i-interview... nagpapa-interview naman siya."


Bilang isang abugado at media personality, hiningan ng entertainment press ng pahayag si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta kaugnay ng alegasyon laban kay Ormoc Mayor Richard Gomez na kabilang diumano ito sa Espinosa drug group.

Read: Richard Gomez says drug allegation against him "politically motivated"

Saad ni Atty. Acosta, “Ang dapat lang gawin ni Richard ay harapin lang yung [bintang] with all composure.

"Kasi kung hindi naman totoo ay magwawagi siya.

"Kasi inaalis naman sa listahan yung mga [nalinis na].

“Kasi kung minsan tumatakbo ka, dapat mamili ka kung kanino ka tatanggap ng donasyon.

"Kasi yung iba, tanggap lang nang tanggap ng donasyon... dapat alam mo."

Kaugnay ng alegasyong ito kay Richard, naghain na siya ng kasong administratibo laban sa tatlong police officers sa Leyte.

Read: Mayor Richard Gomez files administrative cases vs three police officers over drug allegation

BASHERS. Samantala, nakatikim ng pamba-bash si Atty. Acosta mula sa netizens dahil sa mga naging sagot niya sa kanyang interview para sa posisyon ng Associate Justice ng Supreme Court noong November 16.

Pahayag niya tungkol dito, “Oo, aware sila [pamilya ko], at sumagot na nga yung panganay ko, e.

“Sinasagot nila. Nung una, sabi lang ng mga friends nila, napulitika ako.

“Sabi ko, 'Anak, yung mga nagku-comment, hindi lang iniintinding mabuti yung sagot ko at bakit ganun ang sagot ko.'

“Dahil ang mga sumasagot, dapat titingnan mo kung ano ang sagot, di ba?”

Personally, naapektuhan ba siya ng mga batikos na ito?

Sagot ni Atty. Acosta, “A, hindi naman.

"Kasi ang sinasabi ko nga, hindi lang nila nakuha yung buong gist kung bakit ganun ang sagot ko, dapat alam mo kung bakit.

“Kasi lawyer ako, e, pero kung layman ako, siyempre opinionated ang aking sagot.

"Nag-base ako sa existing decision, at saka rulings ng Supreme Court, at saka nung law.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM INTERVIEW. Natanong din ang abugada, kung mabibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng talk show, sino ang gusto niyang unang ma-interview?

Sagot niya, “Si President Rodrigo Duterte.”

Hirit ng ilang press: Di ba, tumatanggi ang Pangulo sa mga interview?

Birong sagot ni Atty. Acosta, “Hindi naman, kapag gusto niya yung mag-i-interview.

"Hindi naman, a... nagpapa-interview naman siya.

"Kayo naman, intriga, ha, baka mamaya, awayin ako.”

Marahil ang pabirong sagot na ito ni Atty. Acosta ay nanggaling sa hindi pagsipot ni Pangulong Duterte sa panayam sana ni Kris Aquino sa kanya sa Go Negosyo summit noong November 11 sa Davao City.

Read: President Duterte snubs one-on-one interview with Kris Aquino

Pero hirit pa niyang natatawa, “Noong panahong yun, masama na yung pakiramdam niya, e.

"Pero baka pag ako ang mai-interview, baka pagbigyan niya ako. Baka lang. Baka lang.”

Hindi na baguhan sa telebisyon si Atty. Acosta.

Ilang taon din siyang naging punong tagapayo sa mga taong may idinudulog na problema sa Face to Face ng TV5.

Nagkaroon din siya ng sariling public-service program, ang Public Atorni, sa Kapatid network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN