Bea Alonzo has no problem with rumored BF Gerald Anderson being paired anew with Kim Chiu

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Bea Alonzo on Kim Chiu and Gerald Anderson's reunion project: "Very happy ako for the both of them kasi it's been years simula noong huli silang magkatrabaho. I'm sure maraming matutuwa sa balik-tambalan nila."


“I’m a fan.”

Ito ang pahayag ni Bea Alonzo nang hingan ng reaksiyon tungkol sa pagbabalik-tambalan sa telebisyon ng ex-couple na sina Kim Chiu at Gerald Anderson, o kinikilala ng fans bilang Kimerald.

Read: Gerald Anderson on working with ex-GF Kim Chiu: "This is a very special moment for me."

Si Bea ang napapabalitang espesyal ngayon sa puso ni Gerald.

Dagdag ng 29-year-old actress, “Very happy ako for the both of them.

"It's been years simula noong huli silang magkatrabaho.

"I'm sure maraming matutuwa sa balik-tambalan nila."

Nakapanayam ng ABS-CBN News Online si Bea sa Kapamilya trade event kagabi, November 22.

BEA-GERALD’S THWARTED ROMANCE. Hindi lingid sa publiko na nasangkot si Bea sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Kim at Gerald noong 2010.

Noong panahong iyon, walang tuwirang pag-amin sina Kim at Gerald tungkol sa pagiging magkasintahan nila hanggang sa matuldukan ang kanilang relasyon.

Ngunit nang naugnay si Gerald kay Bea ay katakut-takot na pambabatikos ang natanggap ng huli mula sa fans na tutol sa pagkakamabutihan ng dalawa.

Naiulat din noon na umabot sa puntong nakatanggap daw ng death threats si Bea mula sa fans.

Ang matinding pagtutol ng mga nakapaligid sa kanila ang isa sa napabalitang dahilan kung bakit nauwi rin sa hiwalayan ang tatlong-buwang relasyon noon nina Gerald at Bea.

Read: FIRST READ ON PEP: Gerald Anderson breaks up with Bea Alonzo in London 

Sa isang TV interview noong July 29, 2016, o anim na taon mula nang nagkamabutihan at nagkahiwalay sina Gerald at Bea, idinetalye ng dalawa ang tungkol sa naunsiyami nilang pag-iibigan.

Read: Bea Alonzo, Gerald Anderson open up about 2010 whirlwind romance

PRESENT RELATIONSHIP. Naging bukas din sina Gerald at Bea sa pagsasabing posibleng maging sila ulit.

Lalo pa’t nagkaroon ng pagkakataong maging malapit uli sila sa isa’t isa nang magkatrabaho sila sa pelikulang How To Be Yours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan pa ito ng kumpirmasyon ni Bea na hindi nila itinatago ni Gerald ang tungkol sa paglabas-labas nila dahil pareho silang single at “wala naman kaming nasasaktan.”

Read: Bea Alonzo admits going out with Gerald Anderson: "Hindi naman kami nagtatago."

Noong October 17 ay masaya ring ipinagdiwang ni Bea ang kanyang ika-29 kaarawan kasama ni Gerald at kanilang common friends.

Read: Bea Alonzo celebrates 29th birthday with Gerald Anderson

Ngunit sa panayam ng PEP noong November 19, nilinaw ni Gerald na hindi pa sila magkasintahan ni Bea.

Sabi ng 27-year-old actor, “Relationship? Wala pa, ini-enjoy lang namin ang company ng isa’t isa.”

Read: Gerald Anderson clarifies he and Bea Alonzo are not yet an item


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN