Claudine Barretto calls Raymart Santiago "duwag" and "walang kwentang ama"

IMAGE Noel Orsal

Claudine Barretto hits back at estranged husband Raymart Santiago anew, and posts the photo of Raymart's nephew who allegedly hurt Santino, Claudine and Raymart Santiago's 10-year-old son.


Hindi nagustuhan ni Claudine Barretto ang naging pahayag ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago hinggil sa pananakit umano sa kanilang anak na si Santino ng pamangkin ng aktor.

Matatandaang sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine, pinilipit at sinakal diumano ng pamangkin ni Raymart ang 10-year-old na si Santino.

Dahil dito, nagpaplano na raw ang aktres ng maghain ng mga reklamo laban sa pamangkin ni Raymart at sa ina nito.

Inakusahan pa ni Claudine si Raymart na kinakampihan ang pamangkin nito.

Read: PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto to file complaints against Raymart Santiago's relative for hurting their son

Ayon naman kay Raymart, "away-bata" na "pinalalaki" lang ang nangyari sa pagitan ng kanyang anak at pamangkin.

Wala rin daw silang pareho ni Claudine nang mangyari ang insidente kaya hindi nila alam ang buong katotohanan.

Gusto ng aktor na maresolba ang isyu sa loob ng kanilang pamilya, ngunit inaasahan na raw niyang palalakihin ito ng nakahiwalayang asawa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Raymart Santiago on Claudine Barretto's latest allegations: "Away-bata, pinapalaki."

CLAUDINE STRIKES BACK. Ilang oras pagkatapos lumabas dito sa PEP ang pahayag ni Raymart, nag-post si Claudine sa Instagram ng kanyang saloobin tungkol dito.

Kalakip ang screen shot ng artikulong lumabas sa PEP, direktang binatikos ni Claudine si Raymart sa pahayag nitong "away-bata" lamang ang nangyari sa pagitan ng kanilang anak na si Santino at sa pamangkin ng aktor.

Buwelta ni Claudine: “Away talaga, Raymart!

"Ten years old si Santino at yung pamangkin mo 27 YEARS OLD. Bata ba yun???"

Patutsada pa niya kay Raymart: “Duwag ka!

“Minsan lang, kahit minsan magsabi ka naman ng totoo.

“Your kids called u a liar after this interview.

"Stay away from us!!"

Banta pa niya, “I mean it, pay the freaking Ariers [arrears]. Coz you only have up to Nov. 30 sabi ng court, unless gusto mo uli magbayad ng bail sa mga warrant of arrests mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibalik mo na mga ninakaw mo then leave us in peace!"

Ayon sa dictionary.com, ang arrears ay “the state of being behind or late, especially in the fulfillment of a duty, promise, obligation.”

Hindi naman idinetalye ni Claudine ang tinuran niyang “ninakaw” ni Raymart, subalit matatandaang noong November 2011, inireklamo ng aktres ang nawawala diumanong malaking halaga ng pera nang sinubukan niyang mag-withdraw sa isang bangko sa Quezon Avenue.

Hindi naman diretsahang tinukoy noon ni Claudine na si Raymart ang kumuha ng pera.

Read: Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she’s about to withdraw it

Sa hiwalay na panayam ni Raymart noon, inamin niyang nag-withdraw siya ng malaking halaga ng pera sa kanilang joint account ni Claudine.

Ito ay matapos daw niyang madiskubre na ang complainant (Claudine) “tore off several blank checks from my check book containing the bulk of our money.”

Depensa pa ng aktor, siya ang natakot na baka i-withdraw ang malaking halaga ng pera mula sa kanilang joint account.

Read: Raymart Santiago insists he’s not guilty of using Claudine Barretto’s money

RAYMART'S NEPHEW. Ipinost din ni Claudine sa Instagram ngayong araw, November 29, ang larawan ng medico-legal exam ni Santino, na nagtataglay ng kundisyon ng namagang braso ng bata dulot umano ng pagpilipit dito.

Sabi ni Claudine sa caption, itago na raw ni Raymart ang pamangkin na diumano'y nanakit sa kanilang anak dahil ihahabla niya ito.

“Ayan ang INEXPLAIN SAYO NG DOCTOR BOTH IN ENGLISH & TAGALOG NA MAGA YUNG RIGHT ARM NI SAINT! Kaya kung ako sa iyo itago mo na yang si RAPHAEL SANTIAGO ANG PAMANGKIN MO! Na 27 YEARS OLD KASI NASA AKIN NA ANG MEDICO LEGAL.see u in court.”

Sa sumunod na post ni Claudine, inilabas niya ang larawan ng pamangkin ni Raymart, na diumano'y nanakit kay Santino, pati na rin ang ina nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base na rin sa detalyeng ibinigay ni Claudine sa kanyang Instagram post, napag-alamang "Raphael Santiago" ang pangalan ng pamangkin ni Raymart.

Si Raphael ang panganay na anak ng kapatid ni Raymart na si Randy Santiago at asawa nitong si Marilou Coronel.

Matapang na pahayag ni Claudine sa kanyang post: "@raymartsantiago to all my Claudinians & Palanggas this is RAPHAEL SANTIAGO & his Mom. 26 Years old sa december. tanong ko lang po eto po ba ay bata pa para sabihing away BATA??? Ano @raymartsantiago bat ka nagtatago. ready na ba kayo sa ginawa nyo sa anak ko????#walangkwentangama"

Sa naunang interview ng PEP kay Claudine, sinabi nitong nakausap niya ang ina ng pamangkin ni Raymart.

Subalit hindi raw ito humingi ng dispensa sa kanya sa ginawa kay Santino.

RAYMART'S COMMENT. Nakipag-ugnayan ang PEP kay Raymart upang kunan ng pahayag hinggil sa mga bagong pahayag ni Claudine.

Ngunit sabi ng aktor, “Same story... wala akong idadagdag sa sinabi ko. Nasabi ko na ang alam ko.”

Bukas din ang PEP sa panig ni Raphael at ng kanyang ina kaugnay ng mga alegasyon ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN