It's all for show: Baron Geisler-Kiko Matos fight revealed to be part of documentary film

IMAGE Kiko Matos Instagram / Arniel Serato

Umamin ang mga taong nasa likod ng Beastmode Productions na bahagi ng kanilang dokumentaryo ang nangyaring away at MMA match sa pagitan nina Baron Geisler (in white) at Kiko Matos (in red).


Bahagi ng isang dokumentaryo ang nangyaring gulo, na nauwi sa isang mixed martial arts (MMA) fight, sa pagitan ng mga aktor na sina Baron Geisler at Kiko Matos.

Ito ang inamin ng mga taong nasa likod ng Beastmode Productions sa Facebook post nila kagabi, December 1.

Matatandaang naging malaking balita ang nangyaring gulo sa pagitan nina Baron at Kiko sa fundraising event umano na ginanap sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City, noong May 26 ng taong kasalukuyan.

Read: Eyewitness reveals version of Baron Geisler-Kiko Matos altercation

Pagkatapos ng insidente ay nagpalitan ng maaanghang na salita at patuloy na naghamunan ang dalawang aktor sa media.

Habang mainit pa ang isyu, nagmungkahi ang Universal Reality Combat Championship (URCC) na tapusin nina Baron at Kiko ang kanilang gusot sa pamamagitan ng isang MMA fight.

Pumayag naman ang dalawang aktor at naganap ang kanilang paghaharap sa Palace Pool Club noong June 25.

Tinawag ang laban nina Baron at Kiko na “Bigwasan.”

Dinaluhan ng MMA enthusiasts, kabilang na ang ilang celebrities, natapos sa draw ang laban ng dalawa.

Pagkatapos ng kanilang MMA match ay tinapos na rin daw nina Baron at Kiko ang kanilang away.

Read: Kiko Matos and Baron Geisler settle their issue with a kiss

Ngunit ang lahat ng ito ay palabas lamang pala.

Bahagi ito ng documentary na may titulong Project Beastmode.

Nagdesisyon ang mga taong nasa likod ng produksiyon nito na aminin ang tungkol dito dahil sa mga bagong kaganapang may kinalaman si Baron.

Pahayag ng Beastmode Productions sa kanilang Facebook post: “Recent events have put ‘Project Beastmode’ in a difficult situation.

“While many have speculated that certain events that unfolded early this year may have been orchestrated, we feel it is in everyone's best interest for us to come clean.

“Yes, certain actions were planned and enacted.

“Yes, there is a bigger picture: the release of a documentary film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We have meticulously planned the preparation, execution, and reveal of every stage of this project.

“However, new incidents have forced our hand.”

Ngunit nilinaw nilang hindi bahagi ng kanilang dokumentaryo ang nangyaring insidente sa pagitan ni Baron at ng co-star nitong si Ping Medina sa shooting ng isang indie film kamakailan.

Read: Baron Geisler earns ire of Ping Medina over unscripted urination scene

“Let it be clear that Project Beastmode had nothing to do with the recent incident between Baron Geisler and Ping Medina.

“We were all caught unaware. We hope all parties involved reach an amicable resolution.”

Dahil sa pangyayaring ito, napilitan silang maglabas ng unfinished trailer ng kanilang documentary na ipalalabas na ngayong Disyembre.

Kasama sa trailer ang rehearsals nina Baron at Kiko para sa kanilang mga engkuwentro—mula sa fundraising event, presscon para sa kanilang MMA match, hanggang sa kanilang paghaharap sa ring.

Narito ang kabuuang Facebook post ng Beastmode Productions:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN