Diego Loyzaga ends rants about dad Cesar Montano

IMAGE Instagram

Diego Loyzaga moves on from word war with dad Cesar Montano, thanks to the overwhelming support from friends, family and fellow celebs: "It's sad na kailangan pang may mangyari na ganito para ma-realize mo ang mga bagay na ito, pero there's always a silver lining sa mga nangyari and I guess this is it."


Para kay Diego Loyzaga, ang limang beses na pagpapa-drug test niya at ang pagpu-post niya ng negative results nito sa kanyang Instagram account ay nagpapatunay lang na hindi siya sangkot sa paggamit ng illegal drugs, taliwas sa suspetsa ng kanyang amang si Cesar Montano.

Read: Diego Loyzaga posts result of drug test requested by dad Cesar Montano

Matapos maglabas ni Diego ng kanyang sama ng loob sa pamamagitan ng kanyang mga Instagram posts noong mga nakaraang linggo, nilinaw naman ng kanyang ama na ang kanyang ginawa ay bunga lamang ng matinding concern para sa anak.

Read: Cesar Montano is just concerned with Diego Loyzaga, says Dolly Anne Carvajal

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Diego noong nakaraang Linggo sa set ng ASAP, at doon niya muling binigyang-linaw ang kanyang panig tungkol sa isyu.

Lahad niya, “Klinaro ko for the sake of me backing up what I said in my statement na hiningan na ako nun.

“It wasn’t for anybody else, para wala nang masabi.”

NO ILL FEELINGS TOWARDS DAD. Tinanong namin si Diego kung may sama ng loob o galit ba siya sa amang si Cesar Montano at kung bukas ba siyang makipag-usap dito?

Tugon niya, “Hindi, mahal ko ang tatay ko.

“Mahal na mahal ko ang tatay ko.”

“Usap? Ilang taon na ‘yan ang hinihingi namin sa kanya. Ilang taon na.”

Agad naming kinumusta si Diego at kung paano ba niya kinakaya ang mabigat na pinagdaraanan niya sa ngayon, kunsaan ang kaalitan niya ay ang amang si Cesar Montano.

Saad niya, “I’m happy right now because I got to see mga mga kapwa artista ko, mga kaibigan ko dito sa industriya—si Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head], mga boss ko.

“I’m naturally suprised na everbody greeted me when they saw me in ASAP again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat lumapit sa akin at kinumusta ako.

“Masaya ako, today masaya ako.”

THANKFUL TO FAMILY. Ayon kay Diego, isa sa pinaghuhugutan niya ng lakas at tapang ay ang ina niyang si Ms. Teresa Loyzaga na para sa kanya ay tumayo bilang kanyang ama at ina.

Read: Teresa Loyzaga shows support for son Diego amid word war with dad Cesar Montano

Pinasalamatan din ng aktor ang stepmom na si Sunshine Cruz at ang mga half sisters niya dito dahil sa suportang binibigay sa kanya ng mga ito.

Read: Sunshine Cruz defends stepson Diego Loyzaga from bashers

“Actually, kahit nasabihan ako na wag masyadong magbigay ng statement, heto lang yun.

“May mga broken family diyan, marami talagang di buo ang pamilya, may isang parent na wala o hindi nakakabawi minsan ang isang magulang.

“It does not need to say na ideal family kailangan may dalawang magulang.

“Sa isang magulang pa lang, nagawa niya yung trabaho na dapat gawin ng ama.”

“Kay Tita Sunshine, wala akong masasabi talaga.

“My Tita and I have been through a lot since the years that we've known each other.

“I’m happy sa statement na nilabas niya.

“Masaya ako na nasabi niya ang mga bagay na yun.

“You know what, it’s an emotional thing na they’re my half sisters and there’s only so much time I got to see them.

“But when I do have the time, gumagawa ako talaga ako ng oras at paraan para kitain ko sila.

“To see that they supported me after mga nangyari, touching talaga yun na nakita ko kahit half sisters ko sila.

“Dugo e, family.”

THANKFUL TO SUPPORTERS. Sa huli ay nagpasalamat din si Diego sa lahat ng mga taong sumuporta at naniniwala sa kanya, lalo na sa mga kapwa artista na kinakitaan niya ng concern at pagtanggap sa kanya sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan niya sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming salamat.

“Aaminin ko na medyo umiwas ako sa social media these past few weeks.

“Pero di ko maiiwasan na makita ang mga messages ninyo, ang mga mensahe ninyo na maraming, maraming sumusuporta sa akin.

“Nakakagaan ng loob sobra, sobrang nakakagaan ng loob.

“Ngayon after ng ASAP, after seeing everybody, sa lahat ng artista na lumapit sa akin, nagbigay ng suporta saka ng payo...

“Marami akong gustong i-post na mga photos na kasama ko ang mga idolo ko.

“Kasama ko si John Lloyd kanina, kasama ko si Daniel uli, nakita mo hinalikan niya ako.

“Lagi siyag nagbibigay ng payo sa akin.

“It’s sad na kailangan pang may mangyari na ganito para ma-realize mo ang mga bagay na ito, pero there’s always a silver lining sa mga nangyari and I guess this is it.

“Like my Mom said, I think we should just move from that, and we’re all just looking for a better future, a better tomorrow.

“We’re all just just hoping na gumanda ang lahat,” panalangin niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN