Watch Now

Will Smith resigns from the Academy after slapping incident at Oscars

by Rachelle Siazon
Apr 2, 2022
Will Smith
"Heartbroken" Will Smith quits the Academy and says sorry again for his "painful and inexcusable" behavior during the 94th Academy Awards awarding ceremony.
PHOTO/S: Screengrab from 94th Academy Awards telecast

Boluntaryong nagbitiw sa puwesto si Will Smith bilang miyembro ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences, ang film academy na nagbibigay ng Oscar awards.

Aminado si Will na ito'y resulta ng pagsira niya sa okasyong kumikilala sa galing ng mga taong bumuo ng dekalidad na pelikula sa Hollywood.

READ: Hollywood stars call out Will Smith for "narcissistic, entitled child man" act at the Oscars

READ: Oscars 2022: CODA wins Best Picture; Best Actor winner Will Smith slaps Chris Rock on live TV

READ: Will Smith apologizes to Chris Rock; says slapping incident "unacceptable and inexcusable"

Sa opisyal na pahayag ni Will ngayong April 1, 2022, inulit nito ang paghingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan niya.

"I am resigning from membership in the Academy of Motion Picture Arts and Sciences, and will accept any further consequences the Board deems appropriate.

"My actions at the 94th Academy Awards presentation were shocking, painful, and inexcusable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The list of those I have hurt is long and includes Chris, his family, many of my dear friends and loved ones, all those in attendance, and global audiences at home.

"I betrayed the trust of the Academy. I deprived other nominees and winners of their opportunity to celebrate and be celebrated for their extraordinary work.

"I am heartbroken," malungkot na saad ni Will.

Sabi pa niya, "I want to put the focus back on those who deserve attention for their achievements and allow the Academy to get back to the incredible work it does to support creativity and artistry in film."

Si Will ay pinarangalang Best Actor sa 94th Academy Awards noong gabi ng March 27, 2022, sa Dolby Theater sa Los Angeles.

Natatangi ang pagganap ni Will sa King Richard, isang biopic tungkol sa ama ng tennis players na sina Venus at Serena Williams.

Pero sa halip na mapuno ng kagalakan ang pagkapanalo niya, nabahiran ito ng kontrobersiya nang ma-offend si Will sa biro ng Oscars presenter at comedian na si Chris Rock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinampas ni Will sa mukha si Chris sa gitna ng pagtitipon dahil sa ad lib ni Chris tungkol sa hair loss ng misis ni Will na si Jada Pinkett Smith.

Marami ang nagulat sa insidente, pero nabigyan pa rin ng standing ovation si Will nang hirangin siyang Best Actor.

Emosyonal pang nangatuwiran si Will sa kanyang acceptance speech na ang kanyang inasal ay dahil sa ngalan ng "love" para sa asawa.

Pero matapos ng event, pinutakti ng batikos si Will dahil sa sorry-not-sorry statement niya.

Marami ang nagsabing bagamat mali si Chris na gawing biro ang health condition ni Jada, hindi pa rin daw tamang idaan ni Will sa pisikal na pananakit ang buwelta niya sa komedyante.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Heartbroken" Will Smith quits the Academy and says sorry again for his "painful and inexcusable" behavior during the 94th Academy Awards awarding ceremony.
PHOTO/S: Screengrab from 94th Academy Awards telecast
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results