Trending at usap-usapan ngayon sa Twitter ang K-drama actor na si Jung Hae In matapos nitong magbigay ng reaksiyon sa pagsasapubliko ng relasyon ng BLACKPINK member na si Jisoo at aktor na si Ahn Bo Hyun.

Nitong Huwebes August 3, 2023, kinumpirma ng kinabibilangang agencies nina Jisoo at Bo Hyun, ang YG Entertainment at FN Entertainment, respectively, na "dating" ang relationship status ng dalawa.
Read: BLACKPINK's Jisoo, actor Ahn Bo Hyun are dating
Si Hae In ang ka-love team ni Jisoo sa first lead series ng K-pop idol na Snowdrop, kung saan nakitaan sila ng chemistry ng fans.
Habang si Bo Hyun naman ay malapit umanong kaibigan ni Hae In.
Read: Jung Hae In gives advice to girl who broke up with her boyfriend because of him
Ilang oras lamang matapos isapubliko ang espesyal na relasyon ng dalawang South Korean stars ay naganap naman ang presscon ni Hae In sa Seoul, South Korea, para sa premiere ng kanyang Neflix original series na D.P. 2.
Ayon sa ulat ng Korean online news site na Soompi, sa nasabing presscon ay natanong si Hae In ukol sa ilang haka-haka na siya ang naging daan para magkakilala sina Jisoo at Bo Hyun.
Agad itong pinabulaanan ni Hae In. Maging siya raw ay nagulat sa balitang "dating" ang dalawa.
Aniya, “I also saw it through the entertainment news section of a web portal before this interview.
"I didn’t know they were dating."
Kung anuman ang relasyong mayroon ngayon sina Jisoo at Bo Hyun ay masaya raw si Hae In.
“I hope the two of them will continue their healthy and beautiful relationship."
Dagdag pa niya, “I’m not very interested in dating news of celebrities and such.
"I’m also a celebrity, but I’m not that interested in other people’s relationships.”
Read: Lolit Solis, mas may nararamdaman kay Jung Hae In kumpara kay Lee Seung Gi
Samantala, bukod sa Snowdrop ay napanood din si Hae In sa mga pinagbidahan niyang K-drama series na The Three Musketeers (2014), Prison Playbook (2017), Something in the Rain (2018), A Piece of Your Mind (2020), at D.P. (2021).
READ MORE:
- MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision imposing violations against 'It's Showtime': "Magalit na kung sino man ang magagalit."
- MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”
- MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
- Jak Roberto on Barbie Forteza's love team David Licauco: "Walang selos, go lang!"
