Proud na ibinida ng Kapuso actor na si Jak Roberto na going strong ang relasyon nila ng kasintahang si Barbie Forteza.
Anim na taon nang magkarelasyon ang dalawa, at masaya raw si Jak na nagsusuportahan sila ni Barbie sa gusto at pangarap ng bawat isa.
Read: Barbie Forteza-Jak Roberto breakup rumor, fake news
Saad niya, "Ayun, happy naman and sobrang supportive ni Madam [Barbie] every time talaga na magkasama kami sa show, sa lahat.
"Happy rin ako for her, support-support lang sa lahat ng achievements and marami kaming nilu-look forward ngayong darating na taon."
Ito ang ibinahagi ni Jak nang eksklusibo siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Gala 2023 noong July 22.
Ayon pa sa Kapuso actor, very proud siya kay Barbie sa achievements na nakakamit nito ngayon, maging ang successful love team ng aktres kay David Licauco.
Read: David Licauco on possible romance with Barbie Forteza: "What if?"
Hindi kaila na ang love team nina Barbie at David, na mas kilala sa tawag na BarDa, ang isa sa mga tambalang kinahuhumalingan ngayon ng publiko.
Read: Revelations about Barbie Forteza and David Licauco during "The Way You Look At Me" music video shoot
Ito'y dahil sa chemistry na nabuo nila nang magkapareha sila sa Maria Clara at Ibarra, ang top-rating primetime series ng GMA-7.
Mapapanood muli sila sa upcoming TV adaptation ng 1991 movie na Maging Sino Ka Man.
Read: Most-talked about moments in Maria Clara at Ibarra
Dahil sa madalas na pagsasama nina Barbie at David, may pagkakataon bang nagseselos si Jak?
Sagot ni Jak sa PEP.ph, "Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang."
Read: Barbie Forteza reacts to interviews of Jak Roberto, David Licauco, Joshua Garcia
Wala raw kaso kay Jak na may ibang ka-love team ang kanyang nobya dahil parte iyon ng kanilang trabaho bilang celebrities.
Maaaring ang fans daw niya ang madalas naaapektuhan, ngunit siya kailanman ay hindi minasama at pinersonal ang pagtatambal nina Barbie at David.
Aniya, "Nakakatuwa nga lahat nung mga fans. Minsan nagte-trending ako sa Twitter [nang] hindi ko alam. Basta sasabihin lang sa akin, 'Huy, trending ka sa Twitter.' Sabi ko, 'Bakit?'
"I'm thankful na successful silang dalawa and maganda yung pagtanggap ng tao sa love team ng BarDa, and ako rin ay sumusuporta rin sa dalawa.
"So, yung mga tao na yung nagre-react for me, sila na yung mas affected.
"Sobrang touched naman ako [dahil] maraming nagmamahal sa akin.
"So, guys, I love you too."
Read: Barbie Forteza, Jak Roberto, at David Licauco solo-solong maglalakad sa GMA Gala 2023?
JAK AS A BOYFRIEND
Kay Barbie na mismo nanggaling na "napaka-understanding at very supportive" ni Jak pagdating sa kanyang showbiz career.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Barbie noong January 28, 2023, sinabi ng aktres na malaki ang pasasalamat niya dahil hindi selosong tao si Jak.
Hindi na rin daw niya kailangang bigyan ito ng assurance dahil malaki ang tiwala sa kanya ni Jak
Ani Barbie, “Actually, bigla akong napaisip kasi, oo nga, I never needed to assure him. Parang, ever since, malaki naman talaga ang tiwala sa akin ni Jak pagdating sa mga ganyang bagay.
“Hindi ko kinailangan na parang patunayan na pagkatiwalaan mo ako. He just understands everything.
“Very patient… naiintindihan kasi ni Jak yung trabaho kasi ganito rin ang trabaho niya. So I’m just lucky to have him."
Pagbubunyag pa ni Barbie, kailanman ay hindi niya naramdamang nagseselos si Jak at kung sakali man, pa-cute at pahaging na selos lang ang ipinaparamdam nito sa kanya.
Saad niya, “Mga pa-cute na selos. Yung mga pa-tweetums lang kasi naghahanap ng cuddle, pero nothing serious."
Read: Barbie Forteza, thankful na di seloso ang BF niyang si Jak Roberto
