Dahil sa sama ng loob, tinawag na “toxic” ng isang bride-to-be ang kanyang nanay.
Ang saya na idinulot ng proposal ng nobyo ay napalitan ng inis dahil sa inasal ng nanay ng future bride.
Nang ipakita kasi ng future bride sa ina ang ipina-customize na engagement ring ng nobyo, tila minaliit ito ng ina.
Nag-effort ang nobyo dahil bukod sa customized ang engagement ring, pinagawa niya ito gamit ang kanyang handpicked diamond.
Kaya excited ang future bride na ipaalam ito sa kanyang nanay.
Later on, nag-message ang nanay. Sabi niya sa anak na bride-to-be, “I found your ring on Amazon,” patukoy sa kilalang online shopping site.
Ito ang pinag-usapang post sa Reddit—isang American forum and social network site—may dalawang buwan na ang nakalilipas.
Ipinost dito ng user na si AnimeNerdy ang kanyang nakaiinis na karanasan sa nanay.
Post ng Reddit user: “My (future) husband lovingly made my ring custom and even handpicked my diamond. I was extremely happy.
“Today my mom says, ‘I found your ring on Amazon.’”
Hindi naman makapaniwala ang user.
Depensa niya, “Well that’s impossible because I have all the certificates etc. and he showed me the custom place it came from etc.”
Himutok ng future bride ukol sa nanay, “Why are people like this?? WHYYYY was she looking at Amazon for rings like mine?? She’s so toxic.”
Read: Lesbian couple’s last words before dying by euthanasia: “Thank you. I love you.”

NETIZENS REACT TO THE 'toxic' MOM’S REACTION
Ang post ay nakatanggap ng 21,000 reactions at daan-daang comments.
Nagkomento ang netizens na may similar experiences.
Pagbabahagi ng isa, hindi niya rin inasahan ang reaction ng nanay nito nang ipakita rito ang kanyang engagement ring.
Komento ng netizen, “[W]hen I showed her [mom] my engagement ring in person for the first time she said ‘He paid that much money for THAT? I could buy something similar at Walmart for much less. Look at my ring, it looks more expensive than yours.’ It didn’t, it looked cheap, but it really sucked out my happiness in that moment.
“My husband wasn’t making big bucks at that time and I was happy with my ring.”

Read: Passenger in business class shocked by "vegan meal": a single banana
Iba naman sitwasyon ng isang netizen, pero sinira rin daw ng nanay niya ang kanyang tuwa.
Sinabi raw ng netizen sa kanyang boyfriend (now husband) na huwag siyang bigyan ng isang totoong diamond ring.
“I’d rather him save that money for a house or an epic honeymoon!”" pagbabalik-tanaw ng netizen.
Pero tinawag daw siyang “cheap” ng nanay sa kanyang kagustuhan.
Pagpapatuloy ng netizen ukol sa nanay, “She scoffed and asked why I wouldn’t want a real diamond. When I explained my reasoning she called me ‘cheap’.”
Nang ikasal daw siya ay hindi totoong diamond ang kanyang wedding ring, pero masaya siya rito.
Pero, at least, sa Tokyo, Japan, daw sila nakapag-honeymoon.
Komento ng isang netizen ukol sa karanasan ni AnimeNerdy, napakasakit ito para sa kanya dahil ang taong inaasahan niyang magiging masaya para sa kanya ang sumira ng kanyang kasiyahan.
“It’s a rejection at the highest level,” paliwanag ng netizen.

May mga netizens din ang nagbahagi ng ganitong karanasan na matapos ipaalam sa mga magulang ang good news, negatibo ang nakuhang reaksiyon mula sa parents.
Ang iba, mas pinili ang “low contact” o “no contact” sa mga magulang para hindi na masaktan.
May mga nangatwiran na kahit pa mga magulang, hindi dapat tiisin ang pagiging toxic nila.

May isa ang nagsabing mahirap talikuran ang mga magulang kahit may mga pag-aaway, batay sa kanyang personal experience.

Read: Female suspect caught on CCTV doing yoga before robbing bakery
Kinunan naman ng reaksiyon ng Newsweek si Diane Gottsman, isang etiquette expert at founder ng The Protocol School of Texas, sa ganitong sitwasyon.
Sabi niya, "The most polite thing to do when someone shares special news, and, as in this case, shows you their engagement ring, is to express joy, support, and share their enthusiasm."
Hindi rin daw niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng nanay ukol sa engagement ring ng anak, pero tinawag ni Gottsman na “inappropriate” ang ginawa ng ina.
May isang netizen na ibinahagi na meron din siyang isang “toxic” mom na nagpalaki sa kanya.
Madali raw para sa iba na sabihin na “just leave” kung wala sila sa ganoong sitwasyon.
Pero ang katwiran niya, “But also, I only have one mother. I have to decide which is worse, her behavior now, or how I would feel later if I cut ties with her.”

