Tinatayang nasa £56 million o humigit-kumulang PHP4 billion worth of assets ang naiwan ng dating One Direction member na si Liam Payne, at nakatakdang ipagkaloob sa nag-iisa niyang anak na si Bear Grey, 7.
Pumanaw si Liam noong October 16, 2024, matapos niyang mahulog mula sa balkonahe ng ikatatlong palapag ng CasaSur hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina.
Siya ay 31.
Read: One Direction member Liam Payne's cause of death revealed
Ayon sa ulat ng Sky News, sa ilang taong pagtatrabaho ni Liam ay nakapag-ipon siya ng multi-dollar assets mula sa kanyang music career, concert, tours, at mga endorsement.

Ngayong wala na siya, mapupunta ang lahat ng ito kay Bear Grey, ang anak niya sa singer na si Cheryl Cole na dating miyembro ng pop girl group na Girls Aloud.
Read: Cheryl Cole pleads for media sensitivity over Liam Payne's death
LIAM PAYNE declared his whole wealth will go to HIS SON
Bago pa man pumanaw si Liam ay bukas na siyang sabihin sa publiko na ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay ipamamana niya sa kanyang kaisa-isang anak.
Nangyari ito nang mag-guest si Liam sa Logan Paul's Impaulsive podcast noong 2022.
Aniya noon, "My life now is his, my money is his [Bear Grey].
"I actually have... actually got several companies that are up and running that I know he can run one day if he wants to.
"And he wants to sell them, he can sell them; if he wants to run them, he can run them. That's his choice."
Read: Kate Cassidy speaks out on passing of partner Liam Payne
LIAM PAYNE'S ENDORSEMENT, BUSINESS
Ang multi-dollar assets ni Liam ay mula sa kanyang talento at pagpupursigi bilang miyembro ng sikat na bandang One Direction.
Noong 2010, nag-debut sa music scene ang One Direction, matapos itong buuin ni Simon Cowell.
Read: Simon Cowell remembers late One Direction member Liam Payne
Si Simon ang isa sa mga hurado ng The X Factor UK, ang British music competition na nakatuklas sa talento ni Liam at former One Direction members na sina Harry Styles, Zayn Malik, Louis Tomlinson, at Niall Horan.
Read: Niall Horan recounts last moments with Liam Payne
Labing-apat na taong gulang lamang si Liam nang sumali siya sa The X Factor noong 2008.
Sixteen years old naman siya nang maging miyembro ng One Direction.
Dahil sa kasikatan ng One Direction, ilang malalaking kumpanya at brand ang lumapit sa mga miyembro nito para kunin silang endorsers at brand ambassadors.
Si Liam ang napiling first global brand ambassador ng German fashion brand na Hugo Boss noong 2019 hanggang 2020.
Read: Liam Payne "forced" to stay in Argentina over visa issues
June 2021, mismong si Liam naman na ang gumawa ng sariling kumpanya nang i-launch niya ang non-fungible token digital artwork collection na Lonely Bug.
