Kumpirmadong multiple drugs ang natagpuan sa loob ng katawan ng former One Direction member na si Liam Payne noong mga oras na pumanaw ito.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Base ito sa resulta ng partial toxicology report, base sa sources ng ABC News, na inulat noong October 21, 2024 (U.S. time).
Natukoy na pink cocaine, na naglalaman ng "methamphetamine, ketamine, and MDMA" ang in-injest ni Liam.
Nakalista rin ang crack cocaine at benzodiazepine.
WHAT IS PINK COCAINE?
Ang pink cocaine ay pink powder na naglalaman ng ketamine, methylenedioxymethamphetamine (MDMA), methamphetamine, cocaine, opioids, at pschoactive substances, ayon sa artikulo mula sa The American Journal of Drug and Alcohol Abuse noong nakaraang taon.
Ang ketamine, ayon sa dea.gov ay "dissociative anesthetic" na may hallucinogenic effect.
Ang MDMA ay kilala rin sa tawag na "ecstacy," na ayon sa msdmanuals.com ay nakakadulot ng excitement at disinhibition.
Ang methamphetamine, o shabu, ayon sa nda.nhi.gov, ay highly addictive stimulant na nakakaapekto sa central nervous system.
Ang benzodiazepines, ayon sa clevelandclinic.com, ay medication na nagpapabagal ng activity sa brain at nervous system.
Ang cocaine, ayon sa webmd.com, ay highly addictive drug na nagpapataas ng level ng alertness, attention, at energy ng isang tao.
Ayon pa sa ulat ng ABC News, may sources na nagsabing may natagpuan sa hotel room ni Liam na improvised aluminum pipe na ginagamit para sa droga.
LIAM PAYNE AUTOPSY STILL ONGOING IN ARGENTINA
Hindi pa tapos ang autopsy sa labi ni Liam, na nasa Argentina pa rin as of October 21 (U.S. time).
Pumanaw si Liam dahil sa multiple injuries, internal at external bleeding ayon sa autopsy report na inilabas at kinumpirma ng Buenos Aires City Police.
Kinumpirma ng Buenos Aires Emergency Medical Services sa ABC News na pitong rumesponde ang awtoridad sa emergency phone call mula sa hotel official na humingi ng saklolo noong October 16.
Iniulat ng hotel official sa naturang phone call na nasa impluwensiya ng alcohol at drugs ang hotel guest at posibleng may gawing ikapapahamak ang sarili dahil nasa hotel room ito na may balcony.
Dumating umano ang pulisya makalipas lamang ang pitong minuto, pero nadatnan na ang walang buhay na katawan ni Liam sa inner courtyard ng hotel.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng pakikiramay ng fans at mahal sa buhay ni Liam.
Related Stories:
- Simon Cowell remembers late One Direction member Liam Payne
- Simon Cowell, inuulan ng hate comments sa pagpanaw ni Liam Payne
- Niall Horan recounts last moments with Liam Payne
- One Direction member Liam Payne's cause of death revealed
- Liam Payne, nag-upload ng photos sa Snapchat isang oras bago pumanaw
- One Direction members "devastated" by Liam Payne's death
- Liam Payne "forced" to stay in Argentina over visa issues
- Kate Cassidy speaks out on passing of partner Liam Payne
