Deactivated na ngayon ang Instagram account ng Irish actor na si Barry Keoghan, 32.
Ito'y matapos niyang makatanggap ng kaliwa't kanang batikos nang maiulat ang hiwalayan nila ng American award-winning singer-songwriter na si Sabrina Carpenter, 25.
Noong December 3, 2024, iniulat ng People.com ang pagtatapos ng relasyon nina Barry at Sabrina.
Bahagi ng eksklusibong ulat ng People.com: "They are both young and career-focused, so they've decided to take a break."
Read: Sabrina Carpenter, Barry Keoghan reportedly split
Ayon naman sa American entertainment website na Page Six, kamakailan lang nang maghiwalay ang dalawa.
Ang dahilan ng kanilang breakup: ang "infidelity" o pangangaliwa umano ni Barry.

Ito raw ang dahilan kaya nagdesisyon sila ni Sabrina na tuluyan nang tapusin ang mahigit isang taon nilang relasyon.
Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup
BARRY KEOGHAN RELEASES STATEMENT
Dahil sa umano'y pangangaliwa ni Barry, katakut-takot na batikos ang ipinukol sa kanya ng publiko.
Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang maglabas ng statement.
Sa pamamagitan ng pagpu-post sa X (dating Twitter) nitong Linggo, December 8, tuluyan nang binasag ang aktor ng kanyang pananahimik.
Bagamat hindi sinagot ni Barry kung may katotohanan ang sinasabing dahilan ng breakup nila ni Sabrina, sinabi nitong hindi na makatao ang mga batikos na kanyang natatanggap dahil nadadamay na ang pamilya at trabaho niya.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "I can only sit and take so much. My name has been dragged across the internet in ways I usually don't respond too.
"I have to respond now because it's gettin to a place where there are too many lines being crossed.
"I deactivated my account because I can no longer let this stuff distract from my family and my work."
Ang masakit pa raw rito ay minamaliit pati ang pisikal na kaanyuan ni Barry, maging ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.
Dagdag pa rito ang pagkukuwestiyon daw ng iba kung paano siya maging ama sa dalawang taong gulang niyang anak na si Brando.
Si Brando ay anak ni Barry sa dati niyang partner na si Alyson Kierans.
Saad ni Barry: "The messages I have received no person should ever have to read them.
"Absolute lies, hatred, disgusting commentary about my appearance, character, how lam as a parent and every other inhumane thing you can imagine.
"Dragging my character and everything I worked extremely hard for and stand for.
"Talking about how I was a heroine baby and how I grew up and dragging my dear mother into it also."
Bukod sa natatanggap na batikos online, umabot na rin daw sa kasukdulan ang pananakot kay Barry dahil may ilan pa umanong kumakatok sa pintuan ng bahay ng kanyang lola.
Sabi niya: "Knocking on my grannies door. Sitting outside my baby boys house intimidating them. Thats crossing a line."
Nais daw maging ehemplo ni Barry sa kanyang anak kaya gagawin niya ang lahat ng makakaya, ngunit sa nangyayari raw ngayon ay maaari itong hindi matupad.
Kaya naman pakiusap ng aktor, irespeto ang kanilang pribadong buhay at mga desisyon.
Anya: "Each and every day I work harder to push myself on every level to be the healthiest and strongest person for that boy.
"I want to provide opportunities for him to learn, fail and grow.
"I want him to be able to look up to his daddy, to have full trust in me and know I will have his back no matter what.
"I need you to remeber he has to read ALL of this about his father when he is older.
"Please be respectful to all."

SABRINA-BARRY RELATIONSHIP
Noong September 2023, unang na-link sina Sabrina at Barry matapos magkrus ang kanilang landas sa Paris Fashion Week.
Read: Maymay Entrata overjoyed with her debut at Paris Fashion Week
Nasundan pa ito noong December 2023 nang maispatan naman silang kumakain sa isang restaurant sa Los Angeles, California.
February 4, 2024, nangyari ang first public apperance ng dalawa nang dumalo sila sa Grammy Awards.
Bagamat magkahiwalay na naglakad sa red carpet sina Sabrina at Barry, magkasama naman sila sa after-party.
Read: BTS' V "flirts" with Olivia Rodrigo at 2022 Grammys; "Filipina" and "Traitor" trend on Twitter
Ilang araw matapos ang Grammy Awards, namataan naman sina Sabrina at Barry na naghahalikan sa harapan ng isang hotel sa L.A, indikasyong tuluyan na nilang isinapubliko ang kanilang pagmamahalan.
Kung bibisitahin ang Instagram account ni Sabrina ay mapapansin ang madalas na pagko-comment ni Barry sa kanyang mga post.
April 2024, isa si Barry sa libu-libong dumalo sa Coachella para suporta si Sabrina na isa sa mga performer.
Read: Andrea Brillantes, Lorin Bektas twinning in cowgirl looks for Coachella 2024
Bukod pa rito ang paglabas ni Barry sa music video ng hit track ni Sabrina na "Please Please Please" noong June.
