PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Three more people charged in Liam Payne's death—prosecutor

Liam Payne fell to his death from the balcony of his hotel room.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 31, 2024
Liam Payne "forced" to stay in Argentina over visa issue
From two, five people are now charged in connection with the death of former One Direction star Liam Payne in Argentina.
PHOTO/S: Liam Payne on Facebook

Mula sa dalawa, ngayo'y limang katao na ang iniimbestigahan ng pulisya sa biglaang pagkamatay ng former One Direction member na si Liam Payne.

Noong October 16, 2024, pumanaw si Liam matapos na mahulog mula sa balkonahe ng kanyang hotel room na nasa ikatlong palapag ng CasaSur Hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina.

Siya ay 31.

Liam Payne, multiple drugs found in his body, says toxicology report
Photo/s: @liampayne Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31

Sa patuloy na imbestigasyon ng awtoridad, limang katao na ngayon ang kanilang iniimbestigahan na maaaring may kinalaman sa pagpanaw ng sikat na singer.

Kabilang sa limang ito ang hotel manager ng CasaSur na si Gilda Martin, chief receptionist na si Esteban Grassi, at hotel employee na si Ezequeil Pereyra.

Read: Liam Payne set to leave billions of assets to 7-year-old son

Karagdagan sina Gilda, Esteban, at Ezequeil sa dalawa nang naunang suspek na tinukoy ng pulisya.

Ito'y ang hotel waiter na si Braian Paiz, at isa pang malapit na kaibigan ni Liam na binigyan nila ng initial na si RLN.

Read: Liam Payne's friend, two hotel staff under investigation

LIAM PAYNE'S CAUSE OF DEATH

Base sa hukom na humahawak ngayon sa kaso ni Liam na si Judge Laura Bruniard, may kani-kanyang involvement ang limang suspek sa pagkamatay ni Liam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagama't hindi sinasadya at aksidente ang nangyari kay Liam, napag-alaman namang nasa impluwensiya ng droga at alak ang dating One Direction member nang mangyari ang trahedya.

Read: Pagkahulog ni Liam Payne sa hotel balcony, nakunan ng CCTV

Bagay na nagtutugma sa isinagawang autopsy sa kanyang katawan.

Sa inilabas na preliminary autopsy sa bangkay ni Liam, napag-alamang nagkaroon siya ng multiple injuries, internal at external bleeding na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sinabi rin ng forensics expert na walang pinsala ang braso at mga kamay ni Liam.

Pahiwatig itong hindi iniunat ng singer ang kanyang mga braso bilang proteksiyon sa sarili nang bumagsak ito sa inner patio ng hotel.

Read: Liam Payne "forced" to stay in Argentina over visa issues

Sa isinagawa namang partial toxicology report, makikita ang multiple drugs sa loob ng katawan ni Liam noong mga oras na pumanaw ito.

Natukoy na pink cocaine, na naglalaman ng "methamphetamine, ketamine, and MDMA," ang in-injest ni Liam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakalista rin ang crack cocaine at benzodiazepine.

Read: Multiple drugs found in Liam Payne's body — toxicology report

THE INVESTIGATION OF THE FIVE PERSONs-OF-INTEREST

Ayon kay Bruniard, ang waiter na si Braian ang ang nagbenta sa singer ng cocaine noong October 14, 2024.

Read: Liam Payne's "dealer" suspect denies supplying drugs to singer

Sinundan ito ng hotel employee na si Ezequeil nang bentahan nito ng parehong cocaine si Liam noong October 15 at 16.

Habang ang suspek naman na kaibigan ni Liam na si RLN, ang siyang nag-abandona sa singer kahit na alam niyang high na si Liam sa droga noong gabi ng pagkamatay nito.

Read: One Direction members reunite at Liam Payne's funeral

Dawit din ang hotel manager na si Gilda na isinawalang-bahala raw ang mga banta na noon ni Liam sa sarili, ilang oras bago ito mahulog sa balkonahe ng hotel.

Maging ang hotel chief receptionist na si Esteban ay damay rin nang makita raw ito sa CCTV na nagpatulong sa tatlong kalalakihan para palabasin si Liam nang magwala na ito sa lobby ng hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Simon Cowell breaks down at Liam Payne's funeral

Bagama't walang kinalaman sa droga ang manager at receptionist, may malaking epekto raw ang kanilang mga inasal sa noo'y unstable at vulnerable state ni Liam.

Pahayag ng Public Prosecutor’s Office, "The defendant failed to fulfill his duties of care, assistance, and aid.

"Leaving Liam to his fate, knowing that he was incapable of taking care of himself, knowing that the accused suffered from multiple addictions."

Kung saka-sakaling mahatulang guilty sina Gilda, Esteban, at RLN ay maaari raw silang makulong ng isa hanggang limang taon.

Habang ang dalawa namang nag-supply kay Liam ng cocaine na sina Braian at Ezequeil ay maaaring makulong hanggang labinlimang taon.

Read: Kate Cassidy reveals marriage plans with late Liam Payne

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From two, five people are now charged in connection with the death of former One Direction star Liam Payne in Argentina.
PHOTO/S: Liam Payne on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results