Ang Miss Grand International (MGI) owner and founder na si Nawat Itsaragrisil ang bagong nagmamay-ari ng Miss Universe Thailand franchise sa susunod na limang taon.
Sa Instagram ngayong Lunes, February 17, 2025, ibinahagi ni Nawat ang mga larawan niya sa tabi ng isang malaking tarpaulin na tila kuha sa contract signing.
Nakasulat sa malaking tarpaulin ang mga letra ng "MISS UNIVERSE" na kulay ginto.

Sabi ni Nawat sa Instagram caption, "Miss Universe x MGI Org."
View this post on Instagram
Ang post na ito ni Nawat ay ni-repost ng CEO at founder ng Missosology na si Pawee Ventura.
Ayon kay Ventura, nakuha raw ni Nawat ang franchise ng Miss Universe Thailand sa "mind-blowing" na license fee.
Buong post ni Ventura: "Shocking news! Nawat Itsaragrisil, owner of Miss Grand International, secures the Miss Universe Thailand license starting this year (for 5 years)!
"And the reported figures of license fee are just mind-blowing, reflecting the significant investment in Miss Universe.
"This development signifies a notable shift in Thailand's beauty pageant landscape, with Nawat’s organization now overseeing both Miss Grand Thailand and Miss Universe Thailand."
Read: Nawat's Miss Grand Traits: More than Beauty
NAWAT ITSARAGRISIL's PAST FEUD WITH MISS UNIVERSE
Mukhang naayos na ang dating girian sa pagitan ng MGI ni Nawat at ng Miss Universe Organization.
Noong 2022, inamin ni Nawat na pinatutsadahan ng MGI ang MUO.
Kaugnay ito ng kontrobersiyal na AVP ng MGI kunsaan waring tinalbugan ng mga letrang "MGI" nang i-superimpose ito sa mga letrang "MU" sa video na ipinalabas sa grand coronation night ng Miss Grand International 2022 sa Indonesia noong October 25, 2022.
Sa kanyang Instagram Story noong October 27, 2022, naglabas si Nawat ng pahayag gamit ang wikang Thai.
Sinabi ni Nawat na may malalim na pinanggagalingan ang waring parunggit ng MGI sa Miss Universe sa lumabas na MGI AVP noong coronation night.
Paliwanag ni Nawat, noong nagsimula pa lamang ang MGI noong 2013 ay kinasuhan na ito ng Miss Universe.
Taong 2013 nagsimula ang Thailand-based beauty pageant na Miss Grand International.
Ayon sa Google translation ng kanyang IG Story, inalala ni Nawat na hindi nagustuhan ng Miss Universe ang logo ng MGI na kahalintulad daw ng lumang logo ng Miss Universe.
Ang logo noon ng Miss Universe ay black-and-white figure ng isang babae na umiikot habang nakataas ang kamay at nakapamaywang.
Ang logo naman ng MGI ay kulay gold na figure ng isang babae na umiikot habang nakataas ang kamay at nakapaymaywang din.

Ang sinasabing halos magkahalitulad na logo ng MGI at MU.
Sabi pa ni Nawat, idinemanda rin sila ng Miss Universe noong taong 2014 dahil sa sash na ginamit ng MGI para sa kandidata ng USA.
"Miss Grand USA" ang nakasaad sa sash nito.
Ayaw raw ng Miss Universe na gamitin ang salitang "USA" kaya pinalitan ng MGI at ginawang "Miss Grand United States of America" ang nakalagay sa sash ng kandidata nito mula sa Amerika.
Hinaing pa ni Nawat, tinawag din daw na “circus” ni Miss Universe 2011 Leila Lopes ng Angola ang MGI.
Buong post ni Nawat (base sa Google translation): "That MGI made a clip, the MU logo was because back in 2013 MU opened before it was sued MGI used the logo like MU to change even though it was just like 2014 MU sued MGI that used the name USA in the sash, so changed to use the full name and many more.
"As MGI was recently hit, Leila MU2011 posted that MGI is a circus stage. In fact, MGI is passive, but MU itself, or does it keep him silent all the time, until some fans of the beauty queens who have just come to follow me think that MU is still expensive?"
Read: MGI's Nawat Itsaragrisil explains rift with Miss Universe
ON HUGE DECLINE OF MGI'S INSTAGRAM FOLLOWERS
Noon namang October 26, 2022, tila nang-uuyam na ipinagmalaki ng Miss Universe ang pagtaas ng kanilang Instagram followers na lagpas sa 5 million nang panahong iyon.
Sa kabilang banda, patuloy na bumabagsak ang number of followers ng MGI Instagram account sa same period.
Isang araw matapos ang kanilang 10th anniversary coronation, lumagapak sa 4.5 million ang followers ng MGI sa Instagram account, gayong mayroon silang 6.5 million followers bago ng grand coronation.
Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation
At noong October 25, dumausdos pa ito sa 4.3 million.
At kinabukasan, October 26, nalagasan na sila ng halos 2.3 million followers.
Pinaghihinalaang nagkaroon ng malawakang pag-unfollow ang Vietnamese fans ng MGI matapos hindi makapasok sa Top 10 ang kanilang pambato.
Pero ngayong araw na ito, February 17, 2025, balik na sa 5.6 million ang kanilang followers samantalang nasa 6.5 million naman ang sa Miss Universe.

Read: Nawat Itsaragrisil apologizes to Pinoy pageant fans
