Pumanaw ang South Korean R&B singer na si Choi Wheesung ngayong Lunes, March 10, 2025.
Siya ay 43.
Read: GONE TOO SOON: Korean stars who died young
Ang malungkot na balita sa pagpanaw ng mahusay na singer ay kinumpirma ng kinabibilangan niyang talent agency, ang Tajoy Entertainment.
Sa inilabas nilang pahayag, sinabi ng Tajoy Entertainment na natagpuang wala nang buhay si Wheesung sa tinutuluyan nitong apartment sa Gwangjin-gu, Seoul, bandang 6:29 ng hapon ngayong araw.
Nadatnan daw ng mga awtoridad na nakahandusay ang katawan ni Wheesung nang puntahan nila ang bahay nito matapos i-report ng isang kaanak ang nangyari sa singer.
Paniniwala ng Tajoy Entertainment, cardiact arrest ang sanhi ng pagpanaw ng kanilang talent.
Mababasa sa kanilang pahayag (ayon sa Soompi.com): "We are deeply sorry to share such heartbreaking and tragic news.
"On March 10, our beloved artist Wheesung passed away. He was found in a state of cardiac arrest at his home in Seoul and was subsequently pronounced deceased.
"The sudden loss has left his family, fellow artists at Tajoy Entertainment, and our entire staff in profound grief.
"It pains us deeply to deliver this devastating news to the fans who have always supported and loved Wheesung. We ask that you keep him in your thoughts and prayers so that he may rest peacefully.
"Details regarding funeral arrangements will be announced separately.
"During this difficult time, we sincerely ask for restraint from unverified rumors or speculative reports out of respect for his bereaved family.
"Once again, we extend our deepest condolences as we bid a final farewell to Wheesung."
Ikinalungkot ng mga tagahanga ni Wheesung ang pagpanaw ng singer lalo na't nakatakda pa itong mag-concert sa March 15 kasama ang kapwa soloist niyang si KCM.
Taong 2002 nang mag-debut bilang singer si Wheesung nang i-release niya ang kanyang kauna-unahang album, ang Like A Movie.
Ilan sa sumikat niyang kanta ay "Is It Not Possible?," "With Me," "The Day We Meet Again," "Terminal Illness," at "In A Year."

WHEESUNG'S CAUSE OF DEATH IS UNDER INVESTIGATION
Wala pang kumpirmasyon sa totoong sanhi ng pagpanaw ni Wheesung dahil kasalukuyan pa itong iniimbestigahan ng awtoridad.
Ngunit ayon sa ulat ng Korea JoongAng Daily, lahat ng posibleng anggulo ay tinitingnan ngayon, kabilang na ang diumano'y pag-overdose ni Wheesung sa droga.
Read: Korean actor Yoo Ah In sentenced to one year in jail for drug use
Hindi raw ito imposible lalo na't may history ang singer sa paggamit ng psychotropic drug propofol, isang medical anaesthetic na kalimitang ginagamit sa cosmetic procedures.
Ang propofol ay isang klase ng droga na kapag nasobrahan sa gamit ay maaaring makamatay, gaya ng nangyari sa American pop star na si Michael Jackson noong 2009.
Noong 2011 hanggang 2013, nasangkot ang pangalan ni Wheesung sa paggamit ng ilegal na propofol na ginamit daw niya habang siya'y nasa mandatory military service.
Hindi naman ito itinanggi ng singer nang sabihing ginamit niya itong paggamot sa kanyang herniated disk at hair loss.
Noong July 2013, kinatigan ng korte at pinawalang-sala si Wheesung.
Ngunit noong 2020, muling umugong ang pangalan ng singer sa paggamit muli ng propofol.
2021 nang mahatulan siyang guilty sa paggamit ng illegal drugs.
Isang taong pagkakakulong ang inihatol ng Daegu District Court, Andong Branch kay Wheesung dahil sa paglabag nito sa Korea’s Narcotics Control Act.
Bukod pa rito ang 40 hours community service, 40 hours of drug treatment course, at pagbabayad niya ng mahigit 60.5 million won.
