Sa murang edad, sumakabilang buhay na ang dating F.ABLE member na si Shim Jaehyun.
Siya ay 23.
Noong June 29, 2025, lumabas ang balita sa pagpanaw ni Jaehyun nang mag-post online ang kanyang mga kaibigan, kasamahan sa showbiz industry, at ilang tagahanga.
Bagamat wala pang inilalabas na pormal na pahayag ang kanyang pamilya, ayon sa mga post online, pumanaw si Jaehyun matapos niyang makipaglaban ng ilang taon sa sakit niyang leukemia.
Read: GONE TOO SOON: Korean stars who died young
Ayon sa Mayo Clinic, ang leukemia ay cancer sa dugo, kung saan nagbabago ang mga selula (cells) ng katawan at sinasapawan ng white blood cells ang bilang ng mga red blood cells. Apektado rin dito ang utak sa buto o bone marrow at ang sistemang limpatiko.
Sa huling datos noong 2020, ang leukemia ang ika-11 na pinakanakamamatay na cancer sa mundo dahil ang ilang uri nito ay hindi kaagad nagpapakita ng sintomas, kung kaya't itinuturing itong silent killer.
Read: What to eat, drink, and take to prevent cancer
JAEHYUN'S SHOWBIZ CAREER
Nag-debut bilang miyembro ng K-pop boy group na F.ABLE si Jaehyun noong June 2020.

Bilang pinakabata noon sa grupo, si Jaehyun ang itinuring na maknae (Korean term for youngest member) at main vocalist ng F.ABLE.
Ilan sa mga kilalang kanta nila ay "Burn It Up" at "Run Run Run."
Mid-2023, nagsimulang maging inactive ang F.ABLE sa music at K-pop scene.
Bagamat walang pormal na pag-anunsiyo ang grupo at talent management nilang Haeirum Entertainment, in-assume ng kanilang fans na na-disband na ang F.ABLE na binubuo nina Jaehyun, Sihoon, Junhyeong, Jeong, at Hojun.
Ito'y matapos ipakilala sina Sihoon, Junhyeong, at Jeong bilang miyembro ng bagong K-pop boy group na ENPHAZE noong December 28, 2024.
