Ginunita ni Kate Cassidy ang unang anibersaryo ng kamatayan ng nobyong si Liam Payne.
Si Liam ay former member ng sikat na English-Irish pop boy band na One Direction.
Read: Kate Cassidy reveals marriage plans with late Liam Payne
Sa Instagram, nag upload si Kate ng lumang litrato nila ni Liam, kalakip ang mensahe ng kanyang pagmamahal at pangungulila sa namayapang nobyo.
Mababasa sa caption ni Kate: "Today marks a full year without you here. I will forever hate goodbyes. I miss you Liam."
Read: Liam Payne set to leave billions of assets to 7-year-old son
Bukod sa Instagram, nag-post din si Kate sa TikTok ng video nila ni Liam, kuha ilang oras lamang bago sumakabilang-buhay ang miyembro ng One Direction.
Ayon kay Kate, habambuhay niyang babalikan at ipagpapasalamat ang masasayang sandali nila ni Liam na magkasama.
Saad ni Kate sa caption ng kanyang uploaded video: "This video was taken during the last hour and last day Liam and I shared in this lifetime.
"I am forever grateful for the beautiful moments we shared.
"I will miss you for the rest of my life Liam."
@kateecass This video was taken during the last hour and last day Liam and I shared in this lifetime. I am forever grateful for the beautiful moments we shared. I will miss you for the rest of my life Liam
? Jacob and the Stone SLOWED - ssxmusic
LIAM PAYNE'S TRAGIC DEATH
Pinag-usapan sa buong mundo ang biglaang pagpanaw ni Liam noong October 16, 2024, matapos niyang mahulog mula sa balkonahe ng kanyang tinutuluyang hotel room, na nasa ikatatlong palapag ng CasaSur hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina.
Siya ay 31.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Base sa mga naunang report, aksidente ang pagkahulog ni Liam at walang katotohanan ang haka-hakang sinadya niyang tumalon na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Hindi man sinadya, napag-alamang nasa impluwensiya ng droga at alak ang dating One Direction member nang mangyari ang trahedya.
Read: Niall Horan recounts last moments with Liam Payne
Bagay na nagtutugma sa isinagawang autopsy sa kanyang katawan.
Sa inilabas na preliminary autopsy sa bangkay ni Liam, napag-alamang nagkaroon siya ng multiple injuries, internal at external bleeding na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Read: Liam Payne "forced" to stay in Argentina over visa issues
Sa isinagawa namang partial toxicology report, makikita ang multiple drugs sa loob ng katawan ni Liam noong mga oras na pumanaw ito.
Read: Multiple drugs found in Liam Payne's body — toxicology report
Maliban sa autopsy at ilang tests, inimbestigahan din ng mga awtoridad ang mga huling taong nakasama at nakausap ni Liam bago siya mamatay.

Tatlong katao ang tinukoy ng pulisya. Isa na rito ang "friend" ni Liam, at dalawang empleyado ng hotel kunsaan binawian ng buhay ang singer.
Ang mga ito ang itinuturong nag-supply at nag-abot ng droga sa singer bago ito binawian ng buhay.
Read: Waiter arrested for allegedly supplying drugs to Liam Payne
