Pumanaw na ang South Korean actor na si Jung Dong Jin, na mas kilala sa kanyang screen name na Jung Eun Woo.
Siya ay 40.
Inilathala ng ilang news sites sa South Korea nitong Miyerkules, February 11, 2026, ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng aktor.
Read: Jiro Manio sells another acting trophy to Boss Toyo for PHP75K
JUNG EUN WOO’S POSTS ON INSTAGRAM A DAY BEFORE HIS DEATH
Bagamat wala pang isinasapublikong dahilan sa pagpanaw ni Jung Eun Woo, marami sa netizens, lalo na ang mga kanyang tagahanga, ang napapaisip kung may kaugnayan sa pagkamatay niya ang huling Instagram post ng aktor.

Noong February 10, nag-upload si Jung Eun Woo ng isang carousel post sa Instagram kung saan makikita ang kanyang larawan, ng Hong Kong star na si Leslie Cheung, at ng British singer-songwriter na si Amy Winehouse.
Taong 2003 nang magpatiwakal si Leslie Cheung matapos tumalon mula sa isang hotel building. Siya ay 46 taong gulang noon.
Samantala, noong 2011 naman pumanaw si Amy Winehouse dahil sa aksidenteng pagkalason sa alak. Siya ay 27 taong gulang.
Read: Anne Curtis denies "iconic" quote but says "I'm gonna own it"
Sa caption ng nasabing post, walang inilagay na paliwanag si Jung Eun Woo kung bakit niya ito ibinahagi, maliban sa makahulugang caption niya: "Missing, envy, regretting."
JUNG EUN WOO'S LEGACY
Bago ang kanyang pagpanaw, halos dalawang dekada ang itinagal ng karera ni Jung Eun Woo sa South Korean entertainment industry.
2006 nang magdesisyon si Jung Eun Woo na pasukin ang showbiz nang maging bahagi siya ng KBS youth drama na Roundup 3.
Read: KD responds to comment alleging he replaced Alexa with Mia Bella
Simula nito ay nagsunud-sunod na ang mga proyekto ni Jung Eun Woo kasama ang ilang kilalang pangalan sa mundo ng K-drama.
Ilan sa mga seryeng nilabasan ni Jung Eun Woo ay ang The Slave Hunters (2010), Five Fingers (2012), The Return of Hwang Geumbok (2015), Welcome to Waikiki 2 at My Only One (2018), at ang Bride of the Sun (2011).
Nakasama rin siya sa ilang mga pelikula gaya ng He Was Cool (2004) at Bad Couple (2007).
