Muling nabuhay ang hindi kagandahang kontrobersiya na kinasangkutan ng napakagandang aktres na si Anne Curtis mahigit labindalawang taon na ang nakalilipas.
At siya rin ang nagbuhay muli nito.
Ang kontrobersiya ay tungkol sa insidenteng nangyari sa isang luxury club noong madaling-araw ng Nobyembre 23, 2013, Sabado.
Sa exclusive report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lumalabas na bukod kay Anne, sangkot din sa insidente ang iba pang celebrities.
Ayon sa report, dala ng kalasingan ay sinampal ni Anne ang tatlong guests sa luxury club: ang aktor na si John Lloyd Cruz, ang telecom professional na si Leah de Guzman, at ang society magazine editor na si JR Isaac.
Ito ay ayon kay JR Isaac mismo. Samantala, sina Leah at John Lloyd ay hindi nag-confirm at hindi nag-deny ng pangyayari.
Dito sinasabing binitiwan ni Anne ang magaspang na linyang: "I can buy you, your friends, and this club!"
Ang tinapunan niya nito ay ang model/actress/TV host na si Phoemela Baranda, na kapwa niya under contract sa Viva Entertainment. (Viva Communications na ngayon.)
Ito ay ayon pa rin kay JR Isaac na nagpaunlak ng interbyu kay Jo-Ann Maglipon, ang founding editor-in-chief ng PEP.
Sinusugan ang kuwento ni JR ng isang female personality na pumayag ding magpa-interbyu kay Jo-Ann ngunit humingi ng anonymity.
Read: Anne Curtis: "I can buy you, your friends, and this club!"
ANNE CURTIS SAYS FRIENDS TELL HER SHE NEVER SAID THE "ICONIC" LINE
Sa episode ng Ang Walang Kwentang Podcast ng mga direktor na sina Antoinette Jadaone at JP Habac, na uploaded sa YouTube noong Lunes, February 9, 2026, si Anne ang umupo bilang celebrity guest.
Ang title ng episode: "
Sa isang bahagi ng interview ay ikinuwento ni Anne kung paano sila nagkakilala ng mister na si Erwan Heussaff, isang chef at entrepreneur.
Sabi ni Anne, "Brother siya ng friend ko. Dun ko na siya na-meet in the most romantic place — a club." Ang tinutukoy niyang friend ay si Solenn Heussaff, isang aktres, pintor, at social media personality.
Nagtawanan sina Anne, Antoinette, JP, at ang audience.
Sa puntong ito ay humirit si JP: "Dun mo ba nasabi ang 'I can buy you...!?'"
Sagot ni Anne: "Ay, alam mo ang kuwento diyan..."
Pambibitin pa ng aktres: "To be continued on the next episode!"
Dahil na rin sa pang-uudyok ng hosts at ng audience, ipinagpatuloy ni Anne ang pagsasalita.
Aniya: "Ngayon ko lang sasabihin ha, kasi parang sinabi sa akin [ang sentence na yan at tinanong ko], 'Sinabi ko ba talaga yon? So that I can own up to it.'
"Sabi ng mga friends ko, 'No, you didn't say it.' Tapos sabi ko, 'Haaaa?! All this time?'"
Inulit ni Anne na hindi niya sinabi ang linyang naikabit sa pangalan niya sa mahabang panahon, at ito rin daw ang sinabi sa kanya ng mga malalapit na kaibigan.
Tanong ni Antoinette kay Anne: "Ang ganda ng pagkakasabi, sino ang scriptwriter nun?"
"Baka Ruel Bayani... parang Ruel Bayani, e," pagbanggit ni JP sa pangalan ng writer-director.
Reaksiyon ni Anne: "You know what, it's so iconic now, I'm just gonna own it, yeah."
Hiniritan naman si Anne ni Antoinette. Dahil hindi raw pala sinabi ni Anne ang pamosong linya, sabihin kaya niya ito ngayon.
Game na game naman si Anne. Binigkas ang linyang panay-tanggi niya noong sinabi niya, at ngayo'y may kasama pang pagmuwestra ng kamay.
"I can buy you, your friends, and this club!"
Palakpakan ang audience.
ANNE CURTIS AFFECTED BY NEGATIVE COMMENTS—OR NOT?
Ayon kay Anne, sa gitna ng matinding bashing na natanggap niya noong 2013 dahil sa kontrobersiya, hindi siya apektado.
"I'm not bothered. Akala ng mga tao apektado ako... Parang, 'Okay lang,'" pakli ng aktres.
Komento naman ni Antoinette: "Ang galing ng gumawa ng tsismis na yon, ha, kasi parang totoo. Kasi naniwala kami lahat."
Pagkikibit-balikat ni Anne: "Yeah, yeah, yeah..."
Tanong pa ni Antoinette kay Anne: "Hindi mo siya dinenay?
Sagot ni Anne: "No. Kasi, parang at that point, anything that I would've said, parang it wouldn't have mattered.
"Parang, madaming nangyari sa gabing yon na hindi ko na lang sinabi."
Sa tabas ng pananalita ni Anne, hindi na siya umimik noon dahil inisip niya ang kapakanan ng mga naroong ayaw niyang madamay pa.
Nga lang, ang pakahulugan nito ay merong ibang mga sangkot sa insidente at mukhang sila pa ang dahilan, hindi siya, kung bakit nangyari ang nangyari.
"Kasi parang, it makes no point. Ba't pa ako maglalaglag pa ng tao. Bakit pa? Parang, okay na yon.
"Kasi tingnan mo, bliness ako ni Lord nang bongga sa nangyari."
Sa panahong iyon, laman ng halos lahat ng showbiz talk shows at usap-usapan sa social media ang isyung kinasangkutan ni Anne.
Bagamat may angas si Anne na hindi siya "bothered," kinontra naman niya ang sarili nang umamin itong hindi siya nagbukas ng kanyang social media nang "two months" dahil sa pinagsasabi ng publiko.
"So, hindi ako nag-open!" natatawa pang sabi ni Anne.
Pagkalipas ng dalawang buwan ay nagdesisyon daw siyang bumalik sa social media.
Tanong ni Antoinette sa aktres: "Paano ka naka-get over sa phase na yon?"
Sagot ni Anne: "Parang sobrang naging importante sa akin yung meron kang core group.
"Na parang, at the heat of that, talagang ano yun, e, parang feeling mo wala nang gustong makipag-friends sa 'yo.
"Kasi grabe na yung... it was all over, na talagang sabi ko, 'End of the world na to.'
"Sobrang mahalaga na yung friends ko... that's when I found out who my real friends were.
"Kasi pinupuntahan nila ako, 'Are you okay?' They would set up a night na talagang buo yung barkada.
"And yon yung iba't ibang core groups ko."
Read: Viva issues short official statement on incident where Anne Curtis slapped and humiliated friends
ANNE CURTIS RESPONDS TO NETIZEN
Kaugnay ng rebelasyon ni Anne na hindi raw niya sinabi ang magaspang na linyang attributed sa kanya, sinagot nito ang isang netizen sa Twitter.
Tanong ng netizen na may handle name na @antikorapPH kay Anne: "So are you now claiming that JR Isaac—one of the three people you slapped, including John Lloyd Cruz—was lying, @annecurtissmith? Pretty and tisay privilege is real. If it were another female celebrity who did that, she would be forever labeled palengkera, squammy, and classless."
Kalakip ng post ng netizen ang screenshots ng artikulo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa insidenteng nailathala noong December 1, 2013.

Nagkomento sa post si Anne.
Ayon sa aktres, hindi lahat ng nakasaad sa report ay hindi totoo.
Inaamin raw niyang totoo ang ilan sa nakasaad dito, inaako raw niya ang mga ito, humingi na raw siya ng paumanhin sa mga taong involved, at natuto na raw dahil sa insidenteng ito.
Kung ganoon, malamang na ang inaamin ni Anne ay ang pananampal kina John Lloyd, JR, at Leah.
Dahil ang ayaw pa rin niyang aminin ay ang "famous line" na kumabit sa pangalan niya, ang: "I can buy you...!"
Sabi ni Anne tungkol kay JR Isaac—ang taong tanging on-the-record na nagkuwento ng tungkol sa sampalan at sa magaspang na linya—published as is:
"Hiiii, not completely... Some of what he said was true and years ago, I owned up to it, apologized to those involved (and also received an apoplogy back) but most importanly, I learned my lesson from it .. I'm just talking about the famous line and what my friends told me.
"But you know what? It all happened ages ago and all those involved are in good terms so it doesn't matter anyway.. But anyway, line is so iconic so I'll just own it. Kaya ok lang sabihin nyo ng paulit paulit na sinabi ko. Ok na".

PERSONALITIES NAMED IN THE ORIGINAL PEP REPORT
December 1, 2013, inilathala ng PEP.ph ang eksklusibong ulat ng nakabalot na kontrobersiya kay Anne Curtis, na namamayagpag noon bilang isa sa premium actresses sa bakuran ng ABS-CBN at Viva Films.
Isa rin siya sa top celebrity endorsers ng mga panahong iyon.
Idinetalye sa artikulong sinulat ng PEP editor-in-chief ang pagkakakuha ng PEP ng impormasyon hanggang sa salaysay ng mga saksing nasa club mismo nang mangyari ang insidente.
Kabilang sa nagsalita at nagpatunay ng mga pangyayari ay si JR Isaac, ang dating editor at publisher ng Circuit Magazine, na nagku-cover ng parties, places, at events ng mga kilala at may sinasabi sa lipunan, kasama na ang mga artistang gaya ni Anne.
Ayon kay JR, nang gabing iyon ay nanampal ng tatlong tao ang isang lasing at galit na galit na Anne. Isa raw siya sa tatlong taong sinampal.
Ang dalawa pa ay sina Leah de Guzman at John Lloyd Cruz.
Kaya naman nagkaroon ng traction ang kuwento ay dahil mga kilalang tao ang involved.
Noong 2013, si Anne Curtis ay nasa peak ng kanyang career. Isa siya sa main co-hosts ng daytime TV program na It's Showtime; at nakikita rin siya sa primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw, kasama sina Kris Aquino at Robin Padilla. Ginawaran siya noong panahong iyon ng Eduk Circle Awards ng award bilang Most Influential Celebrity Endorser. At sa social media, isa siya sa celebrities na may napakalaking following.
Nakapag-stage pa si Anne, isang non-singer, ng matagumpay na concert, ang Annebisyosa, sa Big Dome, noong 2012. At noong 2011—nag-hit sa box office ang starrer niyang No Other Woman, kasama sina Derek Ramsay at Cristine Reyes; lumabas ang follow-up project niyang A Secret Affair, kasama pa rin sina Derek at Cristine; at sinundan pa niya ito ng The Gifted, kasama sina Cristine at Sam Milby.
Noong 2013, si John Lloyd Cruz ay isa sa pinaka-bankable sa mga aktor ng Philippine movie industry. Kinoronahan siyang Box-Office King para sa 2012 blockbuster film na The Mistress, katambal si Bea Alonzo. Sumunod na taon, 2013, box-office hit din ang starrer niyang It Takes a Man and A Woman, katambal si Sarah Geronimo; kaya sa sumunod na taon ay kinorohanan silang 2024 Box Office King and Queen.
Sa taong 2013 pa rin, si JL o JLC, ay nanatiling isa sa top endorsers ng bansa. Siya ang matagal na endorser ng Biogesic ("Ingat!"), Head & Shoulders, at Greenwich Pizza.
Samantala, si Leah de Guzman ay wala sa showbiz industry ngunit umiikot sa mundo ng mga celebrity, dala ng trabaho sa isang major telecom company mula pa 2004 hanggang ngayon. Naging senior director siya sa kumpanya, hanggang sa maging head ng Lifestyle Team, na pasimuno ng mga launch ng branded products ng kumpanya, gaya ng apparel at devices, sa kung tawagin ay fashion-tech crossovers. Ayon sa kanyang Linked In profile, may expertise rin siya sa device ecosystem management at market planning ng device sales na konektado sa broader mobile services ng kumpanya.
Noong 2013, si JR Isaac naman ay multimedia producer nang di kukulangin ng 12 taon, kasama na ang column-writing niya sa top lifestyle-and-events publications bago tuluyang pumasok sa magazine publishing. Siya ay PR at brand consultant din, at kilala sa kanyang extensive network sa entertainment, fashion, modeling, at society circles. Laman siya ng events at social gatherings, at madalas napo-photograph kahalubilo ang mga stars, kasama na sina John Lloyd Cruz, Jake Cuenca, at iba pa.
Sa madaling salita, hindi sila maliliit na tao; pagsamasamahin mo pa sila, sila ay big news. Idagdag mo riyang ang mga sampalang naganap, liban pa sa kagaspangan ng pananalita na sinasabing salamin ng kagaspangan ng ugali, at tiyak puputaktihin sila ng balita.
KUWENTO NI JR ISAAC sa PEP tungkol kay anne curtis
Ayon sa kuwento, regular club night ang Sabadong iyon. Si Anne ay nasa loob ng comfort room ng luxury club, habang si JR at ang kanyang grupo ay nakatayo sa bandang labas ng CR, kunsaan nakapuwesto ang bar, habang hinihintay ang kanilang drinks.
Bahagi ng salaysay ni JR sa PEP: "Leah and I are just between the toilet door and the bar. I think I was standing and waiting for my drink, talking to Leah.
"Then we heard a loud voice saying, 'Who's banging my door?' We didn't know who or where it was at first! Just loud, coming from behind us. When we turned around, we saw, stepping out of the toilet, Anne, very mad.
"Then all of a sudden, pak-pak. My left cheek. Then Leah was also slapped. Then JL was also slapped.
"This all happened so fast. Anne was making so much noise, shouting at JL: 'You are an addict!'"
"Ang bilis, di ko na alam ang nangyayari. Basta wala akong narinig from JL, he behaved like a gentleman. Makikita mo talaga kung sino yung well-mannered pag may ganyan."
Pagkatapos nito, ayon pa rin kay JR, ang napagbalingan ni Anne ay si Phoemela Baranda.
Sabi raw ni Anne kay Phoemela: "You, what are you doing here?"
Pagpapatuloy ni JR: "Anne screamed, with finger pointing at Phoem the whole time, like she pointed it at JL. She had all this rage, she was agit [agitated].
"She was drunk but, di ba, when you're drunk, you're wobbly? She was not wobbly. She was strong, parang she could hurt us all!
"Anne screamed, with finger pointing at Phoem Baranda, saying, 'I can buy you, your friends, and this club!'
"Commotion na. Pinaghiwalay na kami ng bouncers ng management."
Tatlong araw matapos mailathala ang report ng PEP, nagpainterbyu si Phoemela Baranda kay Marie Lozano ng ABS-CBN TV Patrol. December 4, 2013 na noon.
Dito ay itinanggi niyang sinabihan siya ni Anne ng “I can buy you, your friends, and this club!”
Tahasang pagtanggi ni Phoemela: “Hindi niya sa akin sinabi yon, walang… walang ganoon na nangyari o sinabi si Anne, and… hindi niya rin ako dinuro.
“She wasn’t angry at me, she didn’t call me names, walang ganung pangyayari.
“I mean, she said something to me because galit na siya sa... sa ibang individuals doon.”
Hindi na inulit ni Phoemela ang sinabi ni Anne sa kanya dahil agad naman daw nag-sorry ang aktres.
Ngunit hindi ito tinatanggap ni JR. Sa sunod na pag-uusap nila ni Jo-Ann, nanindigan si JR na totoong lahat ang ikinuwento niya sa PEP.
Sabi pa niya: "I’m not adding. I’m not changing anything.
“For me, I’ve already said my piece. No more interviews. No more! I've said my piece, period.”
Pumanaw si JR, na kapatid ng celebrity photographer na si Raymund Isaac, noong August 2016. Sa mga tribute sa kanya, laging nasasambit ang: "He was a friend to everybody."
Read: Phoemela Baranda clears Anne Curtis's name: "She did not point her finger at me nor did she dismiss my presence."
PEP LOOKS BACK, UNEARTHS DETAILS
Dahil sa statements ni Anne sa Ang Walang Kwentang Podcast, na nakita sa YouTube ng February 9, 2026, binalikan ng PEP ang insidente, partikular na ang kuwento kay Phoemela Baranda.
Noong Dec. 4, 2013, panay ang tanggi ni Phoemela sa TV Patrol interview: wala raw ganoong nangyari.
Noong Dec. 5, 2013, dumating sa media ang statement ni Phoemela, na galing sa kanyang Viva Entertainment management team:
"The Privé [club] incident involving Anne Curtis is a private matter between Anne and the people involved.
"The incident has been settled by the parties days before the article on the incident was published.
"We hope the public will respect the decision of the parties to amicably settle the incident among themselves."
Sa statement na ito, hindi dini-deny ni Phoemela ang insidente. Sinasabi lang niyang hindi na dapat ungkatin pa ito dahil nagkasundo-sundo na silang mga sangkot sa insidente.
Noong Dec. 6, 2013, naglabas NG KARAGDAGANG ULAT ANG PEP:
"Sa ABS-CBN complex, tanging ang abs-cbnnews.com ang nakapaglabas ng istorya noong unang araw pa lamang ng paglabas ng insidente sa PEP. Pinamagatan nila itong 'Drunk Anne Curtis slaps John Lloyd Cruz.'
"Hinihintay ngayon kung makapaglalabas ang ABS-CBN Sunday showbiz talk show, ang Buzz ng Bayan, ng ulat sa insidente.
"Samantala, madalas daw mangiyak-ngiyak si Phoemela ngayon dahil tinitira siya sa social media at mga tabloids, na nagsasabing 'nagsinungaling' at 'nagpagamit' ito sa Viva, ang kanyang management boss.
"Ayon sa isang bagong PEP source na ayaw magpapangalan, sinabihan daw si Phoemela ng ilang nagmamalasakit sa kanya na kasalanan din niya ang inaaning batikos ngayon.
"Kasi raw, binawi pa niya ang mga nasabi na rin niya sa mga kaibigan, noong mga panahong hindi pa umaabot sa media ang insidente. Ikinuwento na raw kasi ng Viva talent sa 'marami' ang nangyaring pang-iinsulto sa kanya ni Anne.
"Sinabi rin ng isang bagong PEP source na balak pa sanang baligtarin ni Phoemela ang mga pangyayari. Binalak pa niyang sabihin na, liban sa hindi siya pinagsalitaan ng masasakit, hindi rin daw nasampal si John Lloyd."
Sa pagtatanong ng PEP, may mga industry insiders na nagsabing ang pagkakakilala nila kay Phoemela ay mabuting tao ito. Kaya raw naniniwala silang kaya niya binabaligtad si JR Isaac ay dahil sa pressure na linisin niya ang pangalan ni Anne.
Ang tingin nila, sinasakripisyo ang mas maliit na star para kuminang ang di hamak na mas malaking star.

