Hindi pinalampas ni KD Estrada ang mga netizen na nagpapakalat ng balitang ipinagpalit na niya diumano ang loveteam partner na si Alexa Ilacad.
Sumagot si KD matapos makarating sa kanya ang post ng isang netizen sa X (dating Twitter) noong February 6, 2026, kung saan binigyang-malisya ang litrato nila ng co-star niyang si Mia Bella.
Si Mia ay kasama ni KD sa Bagets The Musical.
Read: REVIEW: Bagets: The Musical taps into youth, music, and nostalgia
Sa naturang post, makikita ang screenshot mula sa TikTok livestream ni Mia kung saan katabi niya si KD.
Mabilis itong pinag-usapan dahil sa caption na inilagay ng uploader. Tinag pa nito sina KD at Alexa.
Mababasa sa caption (published as is), "Ito na pala bago ni @kdestrada_?? @alexailacad kawawang alx (broken heart emoji)."

KD CLAPS BACK AT NETIZEN'S COMMENT
Hindi ito pinalampas ni KD at agad sinagot ang post sa comments section.
Buwelta ng binata: "Nag-livestream lang ang castmate ko sa Bagets and tinutok niya lang yung camera sa akin? ano ang issue?"
"[Hu]wag kayong magsalita na para bang alam niyo ang buhay namin dahil wala naman kayong alam talaga.
"Higit pa kayo sa mga writer na gumagawa ng mga kwento. So classless at chaka."
Read: KD Estrada admits he misses Alexa Ilacad
Isang fan din ni Alexa ang kumuwestiyon kung bakit ngayon lamang umano sumagot si KD, gayong dati raw ay hindi niya pinapatulan ang hate comments laban sa aktres.
Mababasa rito: "Gawain din naman iyan ng kaydets mo kay Alexa mas malala pa nga naransan nya sana mapagsabihan mo rin.
"Nandiyan magbasa ka diyan kung gaano kabastos yung solids mo lalo na yung romcom."
Read: Alexa Ilacad reacts to KD Estrada defending her from basher calling her "gas tank"
Sagot dito ni KD (published as is), "Again, hindi ko itotolerate KAHIT SINO man yan. kung sino makakabasa neto, alahanin kung ano ang ibig sabihin ng boundaries. pati ako may limits. fan o hindi.
“Para sa lahat ng mga naghahate-speech diyan, lalo na sa mga nagha-harass sa mga taong mahal ko. this is your warning."
Read: Five must-have lucky charms, according to feng shui expert
Samantala, ipinagtanggol naman ng ilang KDLex fans ang binata at hinangaan ang pagtatanggol niya sa tambalan nila ni Alexa.
Komento ng isa nilang fan, "KDLex fan ako at love ko sina KD at Alexa mapa-solo o loveteam kaya sana itigil na ang walang kuwentang issue."
Saad pa ng isa, "Don’t mind them, KD! No need to explain sa mga ganyan ka babaw na mga basher. Walang magawa sa buhay nila yan kaya buhay ng iba pinapakialaman."
"I’ll be here for you and Alexa no matter what they say, hayaan mo yang mga mahilig gumawa ng issue, they’re not happy with their lives," dagdag pa ng isa.
KD insists: "We’re still a loveteam."
Matagal nang usap-usapan ang estado ng loveteam nina KD at Alexa matapos mapansing hindi na sila nagkakasama sa mga proyekto.
Ang Kapamilya afternoon series na Pira-pirasong Paraiso noong July 2023 ang huling teleseryeng pinagsamahan nila. Nauna rito ang PETA musical na Walang Aray noong February 2023.
Read: Alexa, KD sizzle in Walang Aray
Simula noon ay nagkaroon na sila ng magkakahiwalay na proyekto, bagay na nagbunsod ng espekulasyong nagwakas na ang kanilang tambalan.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press kay KD noong December 3, 2025, natanong siya tungkol sa estado ng kanilang samahan.
Paniniguro ng binata, "We're still a loveteam."
Sundot na tanong sa kanya, "Mas gusto mo bang nasa loveteam ka o solo?"
Mabilis na sagot ni KD, "Why do both? There's no rule like kung nag-solo na ako, I should do solo ulit. I can do both."
Read: Alexa Ilacad and KD Estrada: Hearts and minds in tune
IS THERE ANY Project for KDLex IN 2026?
Natanong din si KD ng PEP kung may nakalinyang proyekto sa kanila ni Alexa ngayong 2026.

Pag-amin ni KD, maging siya ay hindi rin alam dahil may mga bagay at oportunidad daw na dumarating sa kanila nang hindi inaasahan.
Saad niya: "Depende pa kasi e. I not sure kung ano mangyayari.
"When you are in showbiz kasi you never really know what you're gonna do next."
Read: Anne Curtis: "I can buy you, your friends, and this club!"
Gayunpaman, umaasa raw siyang muli silang magsasama sa isang proyekto.
"I'm really hoping to work with Alexa again pero if hindi siya marating, it's okay, kasi okay naman kami.
"Like, we're okay do solo or loveteam."
Bagamat hindi na sila madalas magkasama sa trabaho, siniguro ni KD na maayos ang relasyon nila ni Alexa.
Sa katunayan, lagi raw silang nag-uusap ni Alexa via text o chat.
Ani KD: "We're super okay. We chat like every day.
"Super busy lang kami...ngayon, I have Bagets [The Musical] and she has Your Face Sounds Familiar, she also have PBB (Pinoy Big Brother).
"So, wala talaga kaming time to see each other pero we really communicate, we text each other everyday."
Dagdag pa niya, "Privacy is power. Kapag private kayong dalawa, no one’s going to have the right to say anything."
Sa tanong kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon, diretsahang sagot ni KD: "I don’t think I owe anyone that answer. Yes, I’m a public figure, but my private life is not part of that."
Read: Did KD Estrada just take a swipe at Eian Rances for "mistreating" Alexa Ilacad?
