PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jiro Manio sells another acting trophy to Boss Toyo for PHP75K

Jiro: "Hanggang ngayon bumabawi ako sa recovery ko. Hirap na hirap ako."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 11, 2026
Jiro Manio sells his second acting trophy: "Aminin ko na, naghirap din ako."
Jiro Manio opens up about financial struggles: "Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba, ang tagal kong nawala sa showbiz di ba? Aminin ko na, naghirap din ako. Nawalan ako ng income, nawalan ako ng business, nawalan ako ng mga contact...Guesting tinatanggap ko kahit na magkano, magka-project lang ako."
PHOTO/S: Boss Toyo Production on YouTube

Nagbenta muli ang multi-award-winning former child actor na si Jiro Manio ng isa niyang acting trophy sa memorabilia collector at negosyanteng si Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars.

Ang naturang trophy ay ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Child Actor award para sa pelikulang Bagong Buwan, na ipinalabas noong 2001.

Noong February 3, 2026, ipinakita sa YouTube channel ng Pinoy Pawnstars ang pagbisita ni Jiro sa shop ni Boss Toyo, dala-dala ang kanyang tropeyo.

Read: Anne Curtis denies "iconic" quote but says "I'm gonna own it"

Bago nagsimula ang bentahan, kinumusta ni Boss Toyo ang dating child star.

Pahayag ni Jiro: "Okay lang [naman ako]. Relax lang sa bahay, pero wala pa ring trabaho.

"May mga kumukuha sa aking guesting at saka mga raket, pero kapag sa mainstream, nahihirapan pa talaga ako.

“Kailangan ko pa talaga ng recovery. Kailangan kong bumawi pa sa sarili ko.

"Kasi grabe yung pagod na inabot ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jiro Manio, Ex-Child Actor, Explains Acting Hiatus

Jiro Manio sells his second acting trophy:
Photo/s: Boss Toyo Production on YouTube

Matapos ang kumustahan ay ipinagtapat na ni Jiro ang dahilan kung bakit siya bumalik sa shop ni Boss Toyo.

Ito ay para ibenta ang isa pa niyang acting award na napanalunan noong kasagsagan ng kanyang karera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Jiro, napakahalaga ng kanyang first-ever Best Child Actor award dahil bukod sa pagkapanalo niya sa MMFF, nakasama rin niya sa pelikula sina Cesar Montano, Jericho Rosales, at Carlo Aquino.

bagong buwan 2001

Sa kanyang pakikipag-usap ni Jiro kay Boss Toyo, marahil ay nalito ang dating child actor dahil ilang beses niyang sinabi na noong "2002" ipinalabas ang 2001 movie na Bagong Buwan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Jiro: "Trademark ito ng movie namin nung 2002, nung pelikulang Bagong Buwan.

"Tungkol [ito] sa Muslim at sa Kristiyano. Nag-giyera ng 2002. Bata pa ako nito, eight years old.

"Kasi yung sa Magnifico [2003], nasa history yan na nanalo ako ng Best Actor, pinakabata.

"Pero ito yung pinakatumatak sa mga tao kasi pinakaunang award ko kasi ito."

JIRO SELLS HIS MMFF TROPHY FOR THE AMOUNT OF PHP75,000

Ang unang presyo na ibinigay ni Jiro para sa naturang trophy ay PHP500,000.

Hindi kumagat dito si Boss Toyo.

Prinesyuhan ito ng businessman-vlogger ng PHP50,000, ngunit hindi pumayag si Jiro na ibigay ito sa ganoon lamang daw kaliit na halaga.

Ani Jiro, malaking tulong sa kanya ang mapagbebentahan ng kanyang MMFF trophy kung bibilhin ito ni Boss Toyo sa malaking mahalaga.

Read: Jiro Manio mulls Coco Martin’s offer to join Batang Quiapo

Dito na ipinagtapat ng dating child star na kailangan na kailangan niya ngayon ng pera pantustos sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: "Kasi boss, sa totoo lang, ay hindi naman lingid sa kaalaman ng iba, ang tagal kong nawala sa showbiz di ba?

"Aminin ko na, naghirap din ako. Nawalan ako ng income, nawalan ako ng business, nawalan ako ng mga contact.

"So, hanggang ngayon bumabawi ako sa recovery ko. Hirap na hirap ako.

"Guesting tinatanggap ko kahit na magkano, magka-project lang ako," pag-amin ni Jiro, na patuloy raw nabubuhay nang malayo sa bisyo.

Read: Jiro Manio: Early Drug Use & Roles He Won't Tackle Now

Matapos ang tawaran, nagkasara sila sa halagang PHP75,000.

Kapresyo nito ang nauna nang naibentang trophy ni Jiro kay Boss Toyo.

Jiro admits Financial Struggles Led Him to Sell Gawad Urian Trophy

Unang nagtungo si Jiro sa shop ni Boss Toyo noong January 2024 upang ibenta ang kanyang Gawad Urian Best Actor trophy para sa pelikulang Magnifico.

Gumawa si Jiro ng kasaysayan sa industriya ng pelikula nang manalo siya bilang pinakabatang Best Actor sa 27th Gawad Urian noong 2004, sa edad na 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi noon ni Jiro, malaking tulong ang PHP75,000 para sa kanyang mga gastusin sa araw-araw, gayong wala rin siyang trabahong napapasukan.

Read: Jiro Manio ibinenta ang Urian best actor trophy sa halagang PHP75K

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jiro noong January 5, 2024, sinabi nitong napilitan siyang ibenta kay Boss Toyo ang tropeyo para may panggastos sila ng kanyang pamilya noong Pasko at Bagong Taon.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na dumaan sa maraming pagsubok ang dating child actor nang tumamlay ang takbo ng kanyang acting career dahil sa mental health issues at pagkalulong sa masamang bisyo.

Read: Jiro Manio Spent Sold Urian Trophy Money on Holidays

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jiro Manio opens up about financial struggles: "Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba, ang tagal kong nawala sa showbiz di ba? Aminin ko na, naghirap din ako. Nawalan ako ng income, nawalan ako ng business, nawalan ako ng mga contact...Guesting tinatanggap ko kahit na magkano, magka-project lang ako."
PHOTO/S: Boss Toyo Production on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results