Kasal na ang Hollywood couple na sina Zendaya, 29, at Tom Holland, 29.
Ito ang isiniwalat ng mismong stylist ni Zendaya na si Law Roach nang makapanayam siya ng Access Hollywood sa red carpet ng 2026 Actor Awards nitong Linggo, March 1, 2026 (U.S. time).
Read: 2026 Actor Awards: Michael B. Jordan, Jessie Buckley win
"The wedding has already happened. You missed it," sagot ni Roach nang matanong siya tungkol sa wedding plan nina Tom at Zendaya.
Paniniguro pa ni Roach, "It's very true!"
Ikinatuwa naman ng mga tagahanga nina Tom at Zendaya ang naturang balita.
Sa comments section ng panayam ni Roach, bumuhos ang pagbati mula sa fans na nagmamahal sa dalawa.
Komento ng isang netizen (published as is), "Aww, congrats to both them!! I'm so happy for them!"
Saad pa ng isa (published as is), "OMG we need some picture of their wedding."
"I love how much they protect their privacy!!! Also, the fact that none of the attendees leaked it, they must have a very good community around them," dagdag pa ng isa.
Read: Did Lexi Gonzales defend Gil Cuerva from alleged video scandal?
TOM-ZENDAYA'S ENGAGEMENT
Noong January 6, 2025, ini-report ng U.S. media outlet na TMZ ang naging engagament ni Tom kay Zendaya.

Ayon sa kanilang ulat, sa mismong bahay ni Zendaya lumuhod si Tom para alukin ng kasal ang aktres.
January 5, 2025, kapansin-pansin ang suot na diamond ring ni Zendaya nang dumalo siya sa Golden Globe Awards.
Pinaghihinalaang ito ang engagement ring na ibinigay ni Tom kay Zendaya.
ZENDAYA-TOM RELATIONSHIP
Taong 2017 nang unang ma-link sa isa't isa sina Zendaya at Tom.
Ito'y matapos nilang bumida at magtambal sa Marvel's 2017 blockbuster na Spider-Man: Homecoming.
Read: Liza Soberano clarifies rumors about her inclusion in next Spider-Man movie
July 2021 nang maispatan naman silang naghahalikan sa loob ng mismong sasakyan ni Tom.
Hanggang noong September 1, 2021, kinumpirma ni Tom sa publiko ang espesyal na relasyon nila ni Zendaya nang batiin niya ito sa mismong kaarawan ng aktres.
Sa Instagram in-upload ni Tom ang litrato nila ni Zendaya, habang siya ay nakasuot ng costume ni Spider-Man.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "My MJ, have the happiest of birthdays. Gimme a call when your up xxx."
Ang "MJ" na tinutukoy ni Tom ay ang pangalan ng karakter ni Zendaya sa Spider-Man: Homecoming.
